Chapter 21:Gods and Goddesses

1.8K 54 0
                                    

Airah's POV

Nandito ako ngayon sa isang mahangin,at napakagandang lugar na malaparaiso. Napakatahimik ng paligid at napakasarap ng simoy ng hangin. Nasaan ba ako?

"Maligayang pagdating, Mahal na Prinsesa"bati ng isang babae.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil napasilaw ng liwanag na bumabalot sa kaniya. Mayamaya ay nawala na ito isang napakagandang nilalang ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng puti na may lining na blue na bestida na lampas paa.


"S-Sino ka?Nasaan ako?"
tanong ko sa kaniya habang patuloy sa pag-atras.

Ngumiti naman siya sa akin. "Huwag po kayong mag-alala mahal na prinsesa,hindi ko po kayo sasaktan. Ako nga po pala si Ayna, ang Diyosa ng Hangin"nakangiti niyang pakilala.

G-Goddess of Air? Kung ganun siya ang diyosa na nag-atas sa akin ng ganitong kalaking responsabilidad.

"Diyosa?Naku,patawad po!"
turan ko saka lumuhod sa kaniyang harapan.

Ang engot ko talaga,napakamali ng aking ginawa...


"Naku,huwag na. Tumayo ka mahal na Prinsesa. Nandito ka lang po upang aking tulungan na palabasin ang iyong kapangyarihan" nakangiti niyang turan.

Tumayo naman ako. Tutulongan
niya akong mapalabas ang aking kapangyarihan? Just...pagpapalabas?


"Pagpalabas lang po?"tanong ko sa kaniya.


Ang kapal ko naman para sabihin ang mga linyang yun?May reklamo pa talaga ako.

"Oo, sapagkat ihahabilin na namin ang iba sa mga prinsipe niyo"nakangiti niyang turan.






































Flame's POV

Nandito ako sa isang lugar na puno ng apoy ang paligid. Ang mga puno ay nagliliyab pero wala namang mga abo. Ang mga prutas ay mapupula gaya ng ruby, gayumpaman napakaganda naman ng lugar na ito. Hindi siya mainit,eksakto lang para sa akin.



"Masaya ako at naparito ka,
Mahal na Prinsesa" boses ng isang lalaki ang aking narinig.


"Who the hell are you?!?"sigaw ko.

Mayamaya ay may lalaking lumabas mula sa umaagos na lava na nagsilbi bilang ilog sa lugar na ito. Mapupula ang mga mata niya na parang apoy at orange naman ang kulay ng kaniyang buhok,nakangiti siyang lumapit sa akin.


"Sino ka?Huwag kang lalapit!"
turan ko habang patuloy ang aking pag-atras.

"Huwag kang mag-alala sapagkat hindi ko intensiyon ang saktan ka. Ako nga pala si Fyro ang Diyos ng Apoy at nandito ako upang tulungan kang palabasin ang iyong elemento" nakangiti niyang turan saka lumapit sa akin.


"Sadyang napakaganda mo nga, at hindi ako nagkamali na ikaw ang aking pinili"
turan niya saka hinalikan ang likod ng palad ko.

"Lumayo ka nga!"turan ko saka itinulak siya.

Nagcross arm naman ako saka naupo sa ilalim ng naglilyab na puno. Tumawa naman siya ng tumawa.

Seriously?Isa ba siyang god o ano,bakit ang maniac naman ata niya. Ako lang ba talaga ang mahal ng kamalasan? Ba't ako na lang palagi?

























Arianna's POV

Ay....napakaganda ng lugar na ito. Napakarelaxing naman talaga. Feel na Feel ko na talaga ang kagandahan ng lugar na ito. Napakaraming bulaklak ang nakapaligid sa islang ito. Tama nasa isang isla lang ako. Nanaginip lang kaya ako, malaparaiso ang lugar na 'to,ah.

"Maligayang pagdating mahal na Prinsesa ng tubig" nakangiting bati ng isang lalaki.

Napakagwapo naman niya,nasa heaven na ata ako, naku, Arianna mabait ka dito hindi ka malandi!


"Tapos mo na bang suriin ang gwapo kong mukha?" naalibadbaran ako sa kaniyang sinabi. Nakatitig pala ako sa kaniya.


"Naku,hindi,ah.... pasensya na po"
nataranta kong sagot.


"Ayos lang,ako nga pala si Arhuwan,ang Diyos ng Tubig at ako ang magtuturo sa'yo na palabasin ang iyong elemento" nakangiti niyang turan.






























Erina's POV

Napakataas naman ata ng bundok na ito na aking kinatatayuan, pero napakaganda naman dito. Ang daming halaman at mga bulaklak dito. Napakahealthy dito,at ang yaman ng biodiversity. Teka,nasaan naman talaga ako?




"Napakaganda naman
nitong prinsesa na 'to"
turan ng isang boses.


Napatingin naman ako sa aking likuran. At doon ay nakakita ako ng napakacute and napakagandang babae na nakasuot ng greenish flowy gown na may lining ng brown.

"Sino ka?Napakaganda mo naman..."
turan ko saka siya tiningnan mula paa pataas.


"Ako si Nathya,ang Diyosa ng elemento ng Lupa at Kalikasan,nandito ako para tulungan ka sa kapangyarihan mo" turan niya ng nakangiti saka nagbow sa aking harapan.


"Ako nga pala si Erina Nathalia de Luca. At masaya ako na napakagandang nilalang na tulad mo ang magtuturo sa akin" nakangiti ko namang tugon. Mas maganda ang makisama, tama?













-------------

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now