Chapter 18:We Are The Princesses

2K 52 0
                                    

Flame's POV

Nagising ako sa araw na ito na hindi kasama nina Airah ang tatlong yun. Nasaan na kaya sila? Hindi sa namimiss ko sila, sadyang nakakapanibago at okay kasi magaan na ang hangin dito sa loob ng bahay.

"Nasaan na kaya sila Aya,Erika at Aika. Namimiss ko na kasi sila eh"
naka-pout na turan ni Erina habang nakapatong ang ulo niya sa mesa.

"Siguro umalis na lang muna at bibisitahin ang parents nila--" naputol ang sinsabi ni Arianna ng tiningnan siya ni Airah.

"Oh,I'm so sorry"sabi naman
ni Arianna saka yinakap si Erina.

Sa aming apat si Erina ang pinaka naapektuhan tungkol sa mga nangyare. Pano kasi papa's girl kasi 'to,kaya napakasakit talaga ang pagpanaw nila ng wala man lang kaming nagawa.

Matapos ang aming dramahan ay nagtungo na kami sa aming silid aralan. Pagkapasok na pagkapasok namin ay biglang bumuhos ang napakalamig na tubig sa amin. Napatingin naman ako sa tatlong babaeng nasa likuran, alam kong sila ang may gawa nun.

"Oh,Hi" bati nitong puny*****
babaeng 'to. Ang kapal ng mukha!

Pak!

Sinampal ko naman siya ng napakalakas as-in. Tapos habang maluha-luha ang kaniyang mata ay ginantihan niya ako ng sampal kaya naman ay hindi na ako nagpalugi, hinila ko ang buhok niya at saka ko siya sinabunutan. Ginamit naman niya ang kaniyang ice spikes at ginilit ang kamay ko para mabitawan ang buhok niya

"Augh!"daing ko ng masugatan niya ako.

Lalapit naman sana ang mga kakambal ko ng harangan nila ang aking mga kapatid. Huh,this will be a solo,fight

^_^ I love fights especially if my opponent is this girl. I will smash her face.

"Walang hiya ka ang landi mo! Nakita ko kayo kahapon kasama niyo ang mga prinsipe sa dorm niyo, anong ginawa niyo ha? Inakit niyo sila saka ano...ha...anong ginawa niyo--" sigaw niya hindi ko na siya pinatapos pa at sinampal ko na siya. Nakakabwesit na siya, palagi na lang ganito ang nangyayari, pagod na ako!

Nakatingin pala siya kaya naman pala, pakiramdam ko may nakamasid...

"Huh,siraulo ka talaga.Sino naman ang mag-iisip ng ganun?Sa tingin mo tanga at mahihina ang kukuti ng mga prinsipeng yun para maloko namin?Tsss...ikaw yata ay baliw ano?" turan ko saka siya sinipa.

"Nasosobrahan ka na!"sigaw niya saka nagpalabas ng ice spikes sa kamay niya.

Sinugod naman niya ako.Ilag lang ako ng ilag, wala naman kasi akong alam sa mga laban-laban na mga ganito. Nakita ko naman na nakikipaglaban din ang mga kambal ko and they are doing well.

"Time to finish this"
turan ko saka sinugod siya.

Itinutok niya sa akin ang hawak niyang
ice dagger ngayon at plano na akong gilitan sa leeg. Nakipagswitch naman ako sa kaniya. Ako na ngayon ang nasa harapan niya at ako na ang nagdidiin ng dagger para magilitan siya. Di nagtagal ay nanghina din siya kaya naman natalo siya. Kaya nga lang hindi ako mabait. Souvenier:)

Tumayo naman siya at balak akong takasan.

"Hoy!bumalik ka dito!"
tawag ko saka siya nilapitan.

Itinali namin sila sa puno at saka ko ginilitan ng pa-F shape ang mukha niya. Souvenier para di niya ako makalimutan

Naglalakad na kami ngayon at nagtungo na kami sa stage kasi sabi nila na may mahalaga daw na ia-anounce si Headmaster Glow kaya naman andito kami.

"Good Afternoon everyone, first of all thank you sa inyong pagpunta dito" turan ni Headmistress Glow.

"Halika, mag-ayos muna tayo.
Mukha tayong mga dugyot"
turan naman ni Erina.

Napatingin naman kami sa mga sarili namin. Tama nga siya,gulo ang buhok,may mga galos,punit-punit ang damit at madumi. Hindi na kami nahiya.

"Tama ka,halina kayo"
pagsang-ayon naman ni Airah.

Aalis na sana kami para mag-ayos ngunit...

"Let's all welcome our lost princesses of elementasya, Airah Jennison De Luca, Flame Shane De Luca, Arianna Crystal De Luca, and Erina Nathalia de Luca" nakangiting turan ni Miss Glow.

Shocks!pupunta kami sa stage na ganito ang itsura?

"What's happening, nasaan sila?"
tanong nito.

We sneak para makalabas kami. Ngunit nakatingin na pala ang lahat sa amin.
Kaya naman humarap na kami.

"Hi"
bati naman ni Erina.

Nagpalakpakan naman ang lahat. At nakita namin ang tatlong bisugo sa likuran. Nakatakas na pala sila, ngayon humanda kayo kasi Prinsesa pala kami.

"Meet your Princesses and future Queens" turan ni Maam.

Masigabong palakpakan naman ang bumalot sa buong auditorium. Ang rami palang estudyante dito. Now for my revenge, mwahahahahaha:)

















Someone's POV

Nandito na kami sa palasyo na aming tunay na kinabibilangan. Ayoko na gawin ito lalo na at napamahal na sila sa akin. Di man matagal ang panahon ng aming pagkakasama ay napamahal na kami ng lubusan sa kanila lalo na sa kanilang kabaitan.

"Sasabihin ba natin 'to?"
tanong niya sa akin.

Tama,kami ang sugo mula sa kaharian ng mga dark elementalist na magmanman sa akademya at tukuyin kung sino ang apat na prinsesa. Ang sama kong tao!


"Hindi ko alam, ayokong traydorin sila. Pero pano ang pamilya natin?" tanong ko sa kanila. Ayaw ko naman talagang manakit eh, lalo na ang itinuring kong kaibigan ang target!


"Wala tayong magagawa sapagkat
sadyang malupit ang tadhana sa atin"
turan naman niya.


Nakarating na rin kami dito sa aming kaharian at kaharap na namin ang aming reyna at ang kaniyang dalawang anak na prinsipe.


"Ano ang ginagawa niyo rito?
Nahanap niyo na ba sila!?" tanong niya habang sa amin nakatingin.


Tutal isa lang naman ang sinisigaw ng aming puso. Yun na lang ang aming gagawin.

"Wala pa po, ngunit nais na po namin silang makita man lang"turan ko. Lumapit siya sa akin at sinampal ako.

"Mga inutil!walang kwenta!umalis kayo sa aking harapan kung ayaw niyo na ngayon mismo ay patayin ko kayo!" sigaw niya kaya naman ay patakbo kaming umalis pabalik sa akademya.


---------------

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon