Chapter 59:Her Role

749 23 0
                                    

Mayuri's POV

May nais akong gawin..
Hindi ko yun magagawang tapusin at gawin kung wala ang tulong ng mga taong ito. Wala akong pakealam kung kalaban man sila basta ang mahalaga magawa ko ang nararapat.

Nandito ako ngayon sa Dark Kingdom.
Upang makipagkita sa dark queen nila.
May kailangan ako sa kaniya,lalo namang kailangan niya ako.

"Mayuri...."lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Queen Akera.

Niyakap ako nito at saka bumeso.
Kung hindi ako nagkakamali siya ang sumumpa sa akin. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko makasama ang mga magulang ko.

"Queen Akera"banggit ko ng pangalan niya ng hindi nakatingin ng direkta sa mga mata niya.

Hindi ako maaaring tumingin ng direkta sa mga mata niya dahil maaari siyang malason. Ang isa sa aking kapangyarihan ay ang paglalason sa pamamagitan ng pagtitig ng direkta sa mga mata ng target ko.

"Nandito ka ba para aming maging kaanib?Kung gayun naman kung tama ako, ano na ang ginagawa nila?" paniguradong tanong niya sa akin.

Huwag kang pasisigurado Akera.
Madami man ang nagdaang dekada.
Hinding, hindi ko makakalimutan ang iisang bagay na ginawa mo
sabi ko sa aking isipan.

"Nalaman na nila ang paghina ng sumpa sa aking katawan sa tulong ng kapangyarihan ng reyna Ashiya na tanawin ang hinaharap. Bukod dun ay hawak na nila ngayon ang apat na kwentas na nagtataglay ng kakayahang palabasin ang tunay na kakayahan at lakas ng kanilang kapangyarihan" walang kaemo-emosyon kong  turan.Nakita ko naman ang galit na namuo sa reyna.

Isang malakas na pagsabog dito sa loob ang umalingaw-ngaw at ang mahinang pagyanig ng lupa habang kita ko sa mga mata ng reyna ang nag-aapoy niyang mata sa galit.

"Ginagalit nga nila ako. Pero hindi ako maaaring magpadalos-dalos dahil makakasira lang ito sa mga plano ko.
Sa ngayon,Mayuri magmanman ka na lang muna"sabi niya.Matapos nun ay nagbow muna ako saka naglakad paalis.

May plano ka pala.
Pwes,hindi kita hahayaang magtagumpay. Walang dapat magagumpay kundi ako,ako lamang! sabi ko sa isipan ko habang lumalakad ako.

Pagkadating ko sa kaharian ng Rosetania ay nakita ko na paalis na ang walong royalties kaya naman ay napangiti ako. Ito na ang oras na hinihintay ko para maisagawa ang sarili kong plano.

Nagsummon ako ng mga black elementalist na mga tauhan ni Queen Akera. Matapos nun ay pinasugod ko sila sa elementasya para manatiling occupied ang oras ng mga royalties.

Lumakad na ako papasok ng kaharian. Saka nagpalit ng anyo at naging si Queen Akera. Matagal ko na itong naplano at hindi ko hahayaang pumalpak ito. Ang lahat ng lumalapit sa akin ay naglalaho. Dahil sa lakas ng aking kapangyarihan. Walang makakatalo sa akin....kahit pa ang apat na elemento...

"AKERA?!"

Napatingin ako sa likod ko.
Sa gawi ng lalaki na tumawag ng aking pangalan,kung hindi ako nagkakamali siya si Haring Nicholas. Dati nang nanilbihan si Ina't Ama sa kaniya.

"Ano ang ginagawa mo dito?" pagpapatuloy nito habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang espada.

"Naniningil"madiin kong sabi saka siya sinugod.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now