Chapter 24:Encounter

1.5K 43 0
                                    

Andrei's POV

"Mukhang hindi ko nga kayo mauutakan ah,pano ba yan ngayong alam niyo na anong gagawin ko?"turan niya.

Matapos mahawi ang maitim na usok na yun,bumulagta naman sa amin ang Dark Queen,ang reyna ng mga dark Elementalists.

"Why the f*ck are you doing here?"
nagngi-ngitngit na naman siya sa galit, syempre walang iba kundi si Daniel. Nagpalabas naman siya ng fire sword sa kamay niya.

"Naku,naku Daniel,
huwag kang magsalita ng ganyan,
I am your future tita you know"
nakangiti nitong turan.

"Matagal na namin itong kinalimutan matapos ang lahat ng iyong ginawa."
turan ko naman saka nagpalabas ng air blades sa kamay ko.

Nagtaas naman ito ng kilay sa amin saka tumawa ng tumawa. Luh!baliw na siya.

"Hindi namin kayo mapapatawad dahil sa ginawa mo!" sigaw naman ni Minho saka nagsilitawan ang mga tipak ng bato at pumalibot kay Dark Queen ang mga halaman niyang may mga tinik.

Napatalon naman ang Dark Queen sa atakeng yun ni Minho. Saka niya itinutok ang kaniyang kamay sa amin mula doon lumabas ang maiitim na usok matapos nun ay lumabas naman na sunod ang mga dark blades na may mga lason. Ah p*ta!

"Stay still" malamig na turan naman ni Akihito saka niya blinock sa pamamagitan ng water shield ang atakeng yun ni Reyna Akera, tama siya ang kapatid ng ina ng aming mga prinsesa ngunit siya at walang iba ang nagpahamak sa mga ito.

"Magaling,at nagagawa niyo nang supilin ang mga atake ko.Pero,hindi pa rin kayo nararapat sapagkat kahit ang mga prinsesa niyo ay hindi niyo nabantayan,tingnan niyo nga. Napahamak pa sila,hahahahaha!"
turan niya saka naman biglang  bumungad sa amin ang napakaraming nakalutang na mga espada na sa amin ay nakatutok.

"Ngayon naman,bilang regalo. Tanggapin niyo ito!"sigaw niya saka na sumugod sa amin ang mga espada.

Gamit ang mga kapangyarihan namin at aming kakayahan ay aming pilit na sinusupil ang mga espadang ito.

Gamit ang kapangyarihan ng apoy ni Daniel ay kaniyang pinuputol ang mga espada na palapit sa kaniya sa pamamagitan ng napakabilis na atake na sa isang kisap mata niyang nagawa. Kaniyang pilit na sinusugod ang Dark Queen pero di niya magawang makalapit man lang.

Samantala,si Minho naman gamit ang kaniyang mga halaman ay kaniyang sinasangga ito gamit ang mga malalaking tipak ng lupa at mga bato. Habang ang kaniyang mga halaman naman ay pilit na dinadakip ang katawan ng reyna,ngunit gaya ni Daniel ay nahihirapan din siyang gawin yun.

Ako naman at si Akihito ay nagsisilbi bilang defense rin nila. Katunayan ay andito kami sa likod ng reyna. Gayumpaman kami ay hingal na hingal na at marami nang mga sugat sa buong katawan. Sira-sira na rin ang buong kwarto na ito.

"Naku,naku,mukhang magagalit sa inyo ang headmaster niyo kung makabalik na siya dahil sa sira-sira na ito. Gusto niyo....sa ibang lugar natin ito ipagpatuloy." nakangiting turan niya.

Biglang nagbago ang buong paligid. Nandito na kami ngayon sa pusod ng kagubatan,bakit niya kami rito dinala?

"Noon pa man ayaw ko na sa dalawa kong mga kapatid,puro kabutihan lang ang pinaiiral nila.Ngayon,ano ang kinahinatnan nila?Wala!dahil wala silang napala, ngayon naman susunod ang kanilang mga tagapagmana!"sigaw niya saka kami isa-isang sinugod.

"Kung gayun kapatid ng reyna ang ating headmaster?"tanong ko.

"Ganun na nga,nakakadismaya at hindi niyo yun alam sa katagal ng kaniyang pamumuno sa inyo"turan naman nito.

Nagsasalitan kami sa pag-atake sa kaniya.Hingal na hingal na kami,at pagod na pagod na pero siya,mukhang hindi man lang siya nahihirapan.

"Bakit,ano na ang nangyayari sa inyo?pagod na ba kayo?Nakakadismaya tatapusin ko na lang kayo!"sigaw niya saka...,...

"Daniel!!!"sigaw naming tatlo.

Pareho nilang nasaksak ang isa't isa.
Nakangiti naman si Daniel habang hindi maipinta ang mukha ng dark queen. Itinulak niya si Daniel gayun din ang ginawa ni Daniel. Napaluhod siya kaya nilapitan na namin. Habang nakatayo pa ang reyna na nakatingin sa palad niya.

"W-Walang hiya ka..... pagbabayaran mo 'to!" sigaw nito saka biglang naglaho sa aming harapan..

"I'll wait for that..... then"
turan nito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit mo yun ginawa, bro?"
tanong naman ni Minho habang ginagamot ang sugat ni Daniel.

"I don't know"
turan nito saka tumayo.

"Teka,Daniel di pa tapo--"
pagpigil ko sana pero bigla na siyang nawala.

Hayst hanggang ngayon ang ilap pa rin ng mokong 'yun...kapangyarihan niya nga ang apoy...kasing lamig naman ng yelo ang pagkatao niya. Hindi pa naman mainitan ng apoy ang aspeto niyang 'yan,tsk tsk tsk.

"Hindi pa siya fully healed,and sa tingin ko,sasarilihin niya lang na naman yun"malungkot na turan ni Akihito.

"di pa kayo nasanay"
tugon ko naman.

Mula sa malayo ay nakita ko naman sina Aya,Aika,at Erika. Saan sila nagpunta at matagal din silang nawala.

"Sina Erina?"
agad nilang tanong sa amin.

"Nasa Infirmary" Akihito deadpanned.

Minsan naman din kasi nahahawaan ng pagkacold ni Daniel ang isang ito.

"Sasamahan na namin kayo"turan ko saka sila sinamahan papunta sa informary kung saan nagpapahinga ang aming mga prinsesa.























"Patawad.....patawad, De Lucas hindi namin sinasadya,patawad....."

























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagustohan niyo po ba?
Pasensya na po kung badoy ang laban nila.Hindi po kasi ako magaling sa action kaya sorry na lang.

-dmsgr

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon