Chapter 9:Player

2.3K 66 0
                                    

Aya's POV

Nandito na kami ngayon sa school.
Nakaupo lang kami ngayon sa mga upuan sa ilalim ng mga puno.Napakasarap naman talaga ng simoy ng hangin ngayon,relaxing at parang hinahanap hanap ko ang ganito.

Mayamaya ay dumating na si Erina.With a boylet?Sino naman kaya yun,cute pa naman...not just cute but hot!Oh,I see now kung bakit siya pinag-iinitan kahapon.

"Hi there"
bati ni Airah.

"Bago mo?"
tanong ni Flame.

Teka,bago?
What does that mean,ibig sabihin hindi ang lalaki na yan ang naging una niya?
Akala ko pa naman na napakainosente nito,play girl ba 'to?

"Shhhh°_~"
turan niya saka nagwink sa amin secretly.

"Guys,meet my boyfriend Dean Ericson,Dean,my friends Aya,Erika---"
di na natapos ang sasabihin ni Erina ng magsalita na agad itong si Dean.

"Naku,kilala ko na sila babe,sila kasi yung tinaguriang Dark Angels"
nakangiting turan nito.

"Eh di wow,ito naman ang mga sisters ko.Si Airah,Flame at Arianna"
turan ni Erina habang nakaturo sa mga kapatid.

"Ano may pinagnanasahan ka sa kanila?"tanong ni Erina.

Ibang-iba talaga siya,actually to be honest nabigla ako.Hindi ko 'to inaasahan,kaya naman pala na marami ang galit sa kaniya kasi baguhan kumakarengkeng na.

"Hindi naman sa ganun"
tugon naman nung Dean.

"Pang-Ilan mo na siya,Erina?"
tanong naman sa kaniya ni Flame.Habang sinusuri si Dean from head to toe.

"Hmmmm,13th"turan niya saka nagwink.

13?!?!,seriously.Grabe siya ako nga wala pa not even once.Pero bakit ang dami naman.

"Alis na kami!"
paalam niya saka umalis na sila.Hinigit naman niya ang lalaki habang nakahawak sa taenga niya.

-_-?napatingin naman ako sa kanila.
Ngumiti naman ng fake sa akin si Arianna na hula ko ay nahihiya.

"Yan ang totoong kulay ni Erina"
turan ni Airah ng nakangiti sa amin.

"She's a...."
hindi ko maituloy ang nais kong sabihin.

'"She's a play girl.Ganumpaman,wala pang nakatikim sa kaniya"
proud na turan ni Airah.

Kung ganun....mabuti naman kung ganun.

"Ewan ko ba sa isang yan,hindi ko alam kung bakit ganyan siya.Wala pa siyang seneryoso ni isa sa mga nanliligaw sa kaniya.Denedate niya pero after weeks or months or even days naghihiwalay sila"turan naman ni Arianna habang nakahawak pa sa sentido niya.

"Ganun pala yun"
turan naman ni Erika.

Napatingin naman ako kay Flame na hindi man lang nagsasalita.Pansin ko na simula ng dumating sila sa mundo naming ito ay hindi siya mahilig makisalamuha sa mga tao,and most of all palagi siyang tahimik.

"Hey,Flame"
turan ko saka lumapit sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa terrace kasi naman bigla na lang siyang lumabas.

Tumingin naman siya sa akin with that usual scary stare.Ang cold kasi ng mga mata niya,at ang sama niya sa pakikitungo.

"Ano,gusto ko lang na itanong kung galit ka ba sa akin o ano"turan ko sa kaniya.

Parang kasing may masama siyang pakiramdam sa akin na ayaw niya akong kausap.Minsan din napapasulyap ako sa kaniya,napakasama ng tingin at napakainit ng dugo niya sa akin.And the worst,she's not trusting us.What's up with her?

Lumapit siya sa akin at hinila ang kunting kumpol ng hibla ng buhok ko malapit sa kaniyang mukha saka ako tinitigan ng masama.

"Aray!"
mahina kong daing.

"Tandaan mo,I don't know for who you really are.Pero alam ko na isa lamang itong pagbabalat kayo,If I ever found out na may masama kang balak sa mga kapatid ko,especially that you have already earned their trust,I'll break and reap your body apart.Kahit magtago ka man hahanapin kita,and I'll make sure before they found out your already dead"mga nakakatakot at malalaman na salita niya.Saka naman niya binitawan ang buhok ko at umalis,leaving me na tulala at hindi nakamove-on sa mga katatagang binitawan niya.

Aaminin kong that coldness of the air creeps up the best of me.Ang mga salita niya.....pano niya nasabi ang mga yun sa akin.





















Someone's POV

Kumusta na kaya sila.
Ano na kaya ang nangyayari?

"Nandito na po kami,panginoon"
turan ng isa sa mga alagad na aking sugo para magmanman sa akademya.

"Kumusta ang inyong pamamalagi?
Nahanap niyo na ba ang apat na tagapangalaga ng apat na elemento?"
tanong ko sa kanila.

"Hindi pa po,pero may nakilala po kami.Malalakas po ang awra nila pero hindi pa nila ito napaplabas,isa pa wala po akong nakikitang palatandaan"
turan nung isa.

"Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo pa sila nahahanap"
turan ko sa kanila.

"Ano pa ang ginagawa niyo rito?"
tanong ko sa kanila dahil nandito pa sila sa aking harapan.

"Ang pamilya namin,panginoon.Gusto na namin silang makita"sabik nitong turan.

"Bakit,tapos na ba kayo sa aking pinapagawa?Ang napagkasunduan ay ibabalik ko sa inyo ang inyong pamilya,once na magawa niyo na ang aking ipinag-uutos!Umalis na kayo sa harapan ko baka patayin ko na sila!"sigaw ko kaya naman ay umalis na sila sa aking harapan,mga walang kwenta!




















~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kumusta,nagustohan niyo?
Sorry na lang po sa mga errors.
Vote and Comment po:)

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now