Prologue

36.4K 889 193
                                    

Ariella's POV:

Busy ako sa pagko-compute ng grades nang marinig ko ang sunud-sunod na pagkatok sa pinti. Nandito kasi ako sa personal ko'ng opisina sa college na pinagtatrabahuhan ko bilang isang professor.

"Come in," sabi ko nang hindi tumitingin sa pinto. Wala ako'ng ibang narinig kundi ang pagbukas-sara ng pinto. Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang pag-click ng lock kaya nag-angat ako ng tingin. At ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko'ng si Alex iyon.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" kunot ang noo'ng tanong ko sa kanya. Ayaw ko'ng ipakita sa kanya na apektado ako sa presensya niya. Simula kasi nang makita ko siya sa klase ko ay wala na siyang iba'ng ginawa kundi ang guluhin at kulitin ako. At lantaran pa'ng ipinahayag sa akin na gusto daw niya ako at handa siya'ng ligawan ako. Mabuti na lang at hindi pinagtutuunan ng faculty ang ginagawa sa akin ni Alex dahil alam naman ng mga ito na hindi ako interisado. Nakakainis lang dahil alam naman ni Alex na bawal ang teacher-student relationship. Lalo na sa isang Catholic school kagaya ng Colegio de San Luis kung saan pari ang namamahala. Idagdag pa na kapwa ko babae si Alex!

Pero aminin ko man o hindi ay unti-unti na ako'ng naaapektuhan sa mga pinaggagagawa niya. Masyado man siyang pilya at makulit, sobrang lambing naman niya. Lagi ako'ng nakatatanggap ng sticky note na may love quote na nakasulat o isang simpleng pangungusap lang gaya ng "Good morning", "Musta umaga mo?", o di naman kaya ay "I miss you". Mga bagay na sa kanya ko lang nakukuha. And it affects the hell out of me! That's why I always keep my stern look when I'm in my class.

Ayoko nang maramdaman uli ang bagay na halos sumira sa buong pagkatao ko noon. Ayoko nang balikan ang mga masasakit na nangyari sa akin noon.

"Binibisita ka, Ma'am," sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin saka ipinagpatuloy na ang ginagawa.

"As you can see, I'm busy. If you have nothing to do besides bugging me, kindly leave this room." I know I sound rude. But I have to. Unti-unti na ako'ng kinakabahan habang tumatagal ang pananatili ni Alex dito. Ang laki-laki at maluwag ang opisina ko pero pakiramdam ko ay sumikip ito dahil sa presensya ng dalaga.

Wala ako'ng narinig mula sa kanya kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Nang mag-ring ang cellphone ko ay mabilis ko iyong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Nasanay na kasi ako na si Eunice ang tumatawag sa akin ng ganitong oras kapag nabo-bored siya sa trabaho. Sa dalas niyang gawin iyon ay nasanay na ako. Inikot ko pa ang swivel chair para nakatalikod ako kay Alex.

"Hello," sabi ko pero wala ako'ng nakuhang sagot mula sa kabilang linya. Kunot ang noong tinignan ang screen at nakita ko'ng unregistered number iyon. Ibinalik ko ang aparato sa tenga ko at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa kabilang linya. At mas lalo ako'ng nagulat nang umikot ang swivel chair paharap kay Alex na ngayon ay ilang pulgada na lang ang layo ng mukha sa akin.

"If you can't like me the easy way. Then I'll make you like me the hard way. Always remember that I never take no for an answer, Ariella Salvador. I'll make you mine."

Before I can even protest, she kissed me.

———————————————

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon