Chapter 24

16.1K 468 74
                                    

Alexandra's POV:

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Kinapa ko naman ang kabilang bahagi ng kama at wala sa sariling napangiti nang maramdaman ko ang malambot niyang balat.

Images from last night's event started playing on my mind. At hindi ko maiwasang mapangiti pagkaalala sa mga nangyari. How she caressed my body while we're locked in an embrace, how her soft lips feels against mine, how her body reacts on my touch, how she sweet talk me while I'm pleasuring her, and how she moaned my name when she reached her peak. And the best part, how she pleasured me the way I pleasured her. And man she's a natural! And bilis niyang matuto. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong dinala sa ika-pitong Gloria. But all in all, she's amazing. Hindi na yata ako makakahanap pa ng babaeng kagaya niya. Wait, let me rephrase that. Hindi na ako maghahanap pa ng ibang babae. Because she's already everything I need.

Dahan-dahan akong umikot hanggang sa nakaharap na ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang maputi niyang batok, balikat, at likod. Nang dumako ang paningin ko pababa sa kanyang bewang niya ay biglang kumunot ang noo ko. Sa unang tingin ay hindi iyon gaanong mapapansin. Pero kapag pinakatitigang mabuti, makikita na ang mga marka na para bang may hinampas na kung anong bagay doon. Mga maninipis na peklat na dahil sa kaputian niya ay halos hindi na mapansin. At nang umangat ang tingin ko sa kabuoan ng likod niya, noon ko lang din napansin ang iba pang mga marka.

"Saan naman niya nakuha ang mga ito?" bulong ko sa sarili. Nang haplusin ko iyon ay bahagya ko na lang maramdaman ang mga umbok sa peklat. Hindi talaga mahahalata sa unang tingin!

"A-anong ginagawa mo?"

Bahagya akong napaayos ng upo dahil sa bigla niyang paggalaw. At dahil humarap siya sa akin, hindi ko na nakita uli ang mga peklat niya.

"Anong nangyari sa likod mo? Bakit may mga peklat ka?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"P-peklat?" medyo gulat na tanong niya sa akin.

"Oo. Peklat. Sa likod mo. Hindi halata sa unang tingin pero meron. Saan mo nakuha ang mga iyon, ha?"

Alam ko na hindi ko dapat masyadong pinagtutuunan ang ganoong bagay pero iba ang kutob ko. Halata kasi na matagal na ang mga marka na iyon sa likod niya. Iba talaga ang kutob ko dahil hindi lang basta peklat ang mga iyon. At hindi puwedeng sa aksidente lang niya nakuha ang mga iyon dahil may pattern ang bawat marka na para bang galing lang sa iisang bagay ang dahilan niyon. At hindi ko maiwasang mag-alala.

"W-wala lang 'yan. Huwag mo na lang pansinin," sagot niya saka mabilis na lumayo sa akin at tumayo na.

Pero dahil sa mabilis ang reflexes ko, salamat sa pagiging athletic ko, napigilan ko siya sa pagtayo dahilan para muli siyang mapahiga sa kama at mabilis naman akong pumaibabaw sa kanya. Wala na akong pakialam kung pareho man kaming walang saplot sa katawan. Kailangan ko lang malaman kung saan niya nakuha ang mga markang iyon.

"Sasabihin mo sa akin o ako mismo ang gagawa ng paraan para malaman ko kung saan mo nakuha ang mga markang iyan? Alam ko at kita ko na hindi basta-basta ang mga 'yan. Someone did that to you, I can feel it," sabi ko, halata sa boses ko ang pag-aalala.

"A-Alex... I... I can't..."

"Please, Elle. You have to trust me," halos magmakaawa na ako. Kita ko kasi sa mga mata niya na nahihirapan siya. At kinumpirma lang niya ang mga hinala ko. "Ariella..."

Nagsimula sa siyang umiyak. "W-wala akong k-kasalanan... W-wala..."

Dumoble ang pag-aalala ko nang makita kong hindi na ako ang kinakausap niya. Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at kinabig siya papunta sa kandungan ko saka kinuha ang kumot para ibalot sa mga hubad naming katawan. Panay ang hagod ko sa likod niya dahil sa kanyang panginginig.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon