Chapter 13

16.3K 521 38
                                    

WARNING!

There are some foul words to this part. Kung masyado kang sensitive at ayaw mong makabasa ng mga hard na foul words or foul incidents, like child abuse, ect., better skip the italized part. I already gave you guys a warning kaya sana po walang magreklamo or mag-report nito.

Take note: Ang mga pangyayaring ito ay kathang-isip lamang at walang anumang kinalaman sa labas ng isip ng may akda o pangyayari sa totoong buhay. Please! Be open-minded.

Maraming salamat po sa pag-unawa! Enjoy reading!

–Jamie ^^

———————————————

Ariella's POV:

19 years ago...

"P-pasensya na po, T-Tita. H-hindi po ako p-pinagbilhan k-kasi—”

Isang malakas at malutong na sampal ang natamo ko dahilan para mabitawan ko ang perang hawak ko.

"Putangina naman, oo! Ang simple-simple ng pinapagawa ko sa 'yo hindi mo pa nagawa! Punyeta! Ado! Nasaan ang sinturon mo?!" sigaw naman niya saka padabog na tumayo para hanapin ang sinturon. Nang mahanap niya iyon ay mabilis niyang iniumang iyon sa akin.

Bigla akong napasiksik sa isang tabi para maiwasan ang mga malalakas na hampas mula sa makapal na sinturon ni Tito Ado. Doon ay umiyak lang ako ng umiyak habang walang tigil sa pagmumura si Tita Lita habang hinahampas sa harapan ko ang sinturon.

"Wala kang kuwenta! Iyan siguro ang dahilan kung bakit pinamigay ka na ng mga magulang mo! Wala ka nang silbi dito sa bahay, pabigat ka pa! Punyeta naman, oo! Lumabas ka diyan!"

Nanatili akong nakasiksik sa isang tabi habang yakap-yakap ko ang mga tuhod ko at walang tigil sa pag-iyak.

"Wala po akong kasalanan. Wala po akong kasalanan," sabi ko sa sarili ko habang umiiyak. "M-mama... P-papa..."

"Putangina! Pumarito ka!"

Napaiyak ako ng malakas nang hilahin ako ni tita mula sa pinagtataguan ko at pabalyang inihampas sa upuan na kawayan. At doon ay walang habas na pinaghahampas niya akon ng sinturon.

"T-tama na po. T-tama na po," humihikbi at nanghihinang pakiusap ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig. Patuloy lang niyang inihahampas sa likod ko ang sinturon.

"Ito ang napapala ng mga batang walang silbi! Simpleng yosi lang ang pinapabili ko sa 'yo, hindi mo pa magawa! Magdusa kang punyeta ka!"

Patuloy lang ako sa paghikbi pero hindi na ako nanlaban. Pakiramdam ko rin namanhid na ang buong likod ko dahil sa mga hampas ng sinturon na natamo ko. Wala na akong maramdaman. Wala na rin akong lakas para gumalaw man lang. Hanggang sa unti-unting dumidilim ang paligid ko.

"Hoy! Itigil mo 'yan!"

Iyon ang mga katagang huli kong narinig bago ako tuluyang kinain ng dilim.

~•~•~•~•~

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Lalo na ang likod ko kaya hindi ko mapigilang mapaiyak. "M-mama. P-papa."

"Hija? Hija, are you okay? Masakit ba ang likod mo?" tanong ng isang malambing na boses mula sa kung saan. Pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko makaya ang sakit.

"M-mama..."

"Hush now, darling. Magiging okay din ang lahat," narinig kong sabi pa ng malambing na boses.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon