Chapter 17

17.6K 596 48
                                    

Alexandra's POV:

"S-seryoso ka? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo?"

Nginitian ko na lang siya saka kinabig siya palapit sa akin. "Don't worry. Nagpaalam ako sa kanila. Besides, halos lahat yata ng mga bisita doon puro kasosyo ni daddy sa negosyo. Sina Crimson naman may sariling party. Ayoko namang ma-out of place ka doon kaya nag-decide na lang akong mag-celebrate sa ibang lugar kasama ka," paliwanag ko saka hinalikan siya sa noo.

"Hindi naman na kailangan," sabi niya.

"But I want to," bulong ko naman.

Last week ko lang talaga naisipan ang trip na ito since sinabi ni daddy na iimbitahan niya ang mga associates niya. Naisip ko na noon na baka ma-bored lang si Ariella kaya nag-decide akong kumuha ng private cottage sa isang beach and pool resort sa Sariaya. Besides, mabo-bored lang din naman ako doon dahil malamang sa malamang puro negosyo lang ang pag-uusapan namin ng mga bisita. Kaya mas mainam nang tumakas ng maaga para wala nang tanong-tanong.

Wala pang forty-five minutes ay narating na namin ang resort. Sakop pa naman ng Quezon Province ang Sariaya kaya hindi pa kami nakakalayo ng Lucban.

"Ang ganda naman dito," puri ni Ariella sa lugar nang makarating kami sa private cottage na inupahan ko para sa aming dalawa ni Ariella. Nagpasalamat ako sa driver ni daddy na naghatid sa amin dito at sinabihan siyang balikan na lang kami bukas ng hapon. Nang makaalis siya ay nilapitan ko si Ariella at niyakap siya mula sa likod.

"Liked it?" tanong ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako saka mabilis na hinalikan ako sa pisngi. "I love it," sagot niya saka matamis na ngumiti.

Napangiti na rin ako saka marahan siyang iniikot paharap sa akin. Nanatiling nakayakap ang mga braso ko sa bewang niya habang iniyakap naman niya ang mga kamay niya sa batok ko. "I love you," masuyong bulong ko saka hinapit siya palapit sa akin, pressing her body against mine.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I waited for her answer but nothing came out from her lips. Instead, she gently caressed my cheek and looked at me tenderly. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. I badly wanted to ask but I keep myself silent. She just kept caressing my cheek as if it's the softest thing she ever touched.

"Ayokong magsalita," maya-maya ay bulong niya habang matamang nakatingin sa akin. "Ayokong magsalita kasi baka kung ano lang ang masabi ko na puwedeng makasakit sayo."

Ouch. Iyon pa lang parang tinusok na ng karayom ang puso ko. "I-ibig sabihin—"

"Shh," putol niya sa sasabihin ko saka inilagay ang hintuturo sa labi ko para pigilan ako sa pagsasalita. "Let me finish," nakangiting saad niya.

Tumango na lang ako.

Bumuntong-hininga siya saka muling hinaplos ang pisngi ko. "Aaminin ko, hindi pa rin ako sigurado sa mga nararamdaman ko patungkol sayo. Madaming bagay ang gumugulo sa akin pero hindi ko ma-point out kung ano iyon." Tumigil siya sa paghaplos sa pisngi ko. Bumaba ang kamay niya papunta sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Napangiti pa siya nang maramdaman niya ang mabilis na pagtibok niyon. "Ganito," nakangiting saad niya. "Ganitong-ganito ang nararamdaman ko kapag magkasama tayo. Lalo na sa mga panahong sobrang lapit natin sa isa't-isa. I've never felt this feeling before. Not even with Lance. Sayo lang." Ikiniling niya ang kanyang ulo sa kanan. "Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ako nakararamdam ng ganito. Na kung bakit sa kapwa ko pa babae nararamdaman ang mga ganitong bagay. All my life I always find myself straight. Na kahit kailan hindi ako titingin sa kapwa ko babae ng higit pa sa kaibigan." Hinaplos niya muli ang pisngi ko. "What have you done to me, Alexandra Warren? Ano ang ginawa mo at bigla na lang nabali ang paniniwalang matagal nang nakatanim sa isipan ko?"

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon