Chapter 18

19.4K 563 98
                                    

Ariella's POV:

Bahagya akong nanginig nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat kaya nayakap ko ang sarili ko. Ang sarap sanang mag-swimming kasi malamig ang tubig sa madaling araw. Hinayaan kong hampasin ng maliliit na alon ang mga paa ko at hinayaan kong sumayaw sa hangin ang nakalugay kong buhok. Finally, nagawa ko na rin ang isang bagay na sa hinagap ay hindi ko naisip na kaya ko pang gawin. Nanibago ako sa sarili. I felt I just became a woman.

Napalingon ako sa private cottage na inookupa namin ni Alex. Malamang himbing na himbing pa ang batang iyon. Napailing na lang ako saka umupo sa buhanginan. Medyo nawawala na ang mga bituin sa langit at napapalitan na ng maliliit na sinag ng araw. Napahinga ako ng malalim saka pumikit. This is the moment I've been dreaming about. Iyong walang pinoproblema. Walang ibang iniisip. Just relax.

Bigla ay naalala ko ang mga ginawa namin ni Alex kagabi. At hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon. And I can feel myself blushing.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan nang maramdaman ko ang mainit na yakap mula sa likod. The moment I smelled the familiar scent, I know who it is.

"Why did you go out without me?" bulong niya sabay halik sa leeg ko.

"Y-you were sleeping so I didn't wake you up," sagot ko sa nanginginig na boses. Naghuhuramentado na naman ang puso ko. Nagpa-palpitate yata ako na ewan.

"Hmm," bulong niya habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko.

"A-Alex, baka may makakita," bulong ko naman saka pilit na lumalayo sa kanya. Luminga naman ako sa paligid. Wala pa namang katao-tao pero iba pa rin kapag may nakakita sa amin. Iba pa rin kasi mag-isip ang mga tao pagdating sa same sex relationship. Mahirap na.

"I don't care. I just want you."

"Alexandra," babala ko.

Tumigil naman siya. "Okay. Fine." Umalis siya sa likod ko at puwesto siya sa tabi ko. Niyakap naman niya ako mula doon saka mataman akong tinignan. "Thank you."

Kumunot naman ang noo ko. "For what?"

"For letting me into your life. I know this is your first time to be in a relationship like this. But I'll do my best to make this relationship work." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kamay niya. "I'm not perfect. I can hurt you unintentionally. Pero ganoon naman talaga kapag nasa isang relasyon. Hindi natin maiiwasan na masaktan ang isa't isa."

Napangiti naman ako saka hinaplos ang pisngi niya. Tama naman siya. May point naman na magkakasakitan kami, intentional or not. But I know both of us can work things out. Kahit na may pagkamakulit at pasaway ang babaeng ito.

"Teka, sinagot na ba kita?" kunot ang noong tanong ko sa kanya. It's just a joke. Tignan ko lang kung kakagat siya.

Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "Something already happened to us, right? So I'm taking that as a yes. Hindi pa ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi porke't may nangyari sa atin ay tayo na. Akala ko ba manliligaw ka?"

Mukhang naguluhan naman siya. "Oo nga. P-pero... Iyong sa nangyari..."

Okay. I can't help it. Kumagat talaga siya. Ayan tuloy, hindi ko napigilang mapatawa ng malakas. Nakakawala ng poise ang halakhak ko but who cares! The expression on her face is priceless! Ang sarap picture-an at gawing wallpaper sa home screen. Ang bully ko. *bow*

"Hey! Relax! Binibiro lang kita. Kumagat ka naman," natatawang sabi ko. Naluluha ako, shet.

Ngumuso naman siya. "Ang sama mo. Pasalamat ka mahal kita," sabi niya.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon