Chapter 15

17.4K 528 11
                                    

Ariella's POV:

"You look exhausted, apo. Don't wear yourself out so much. Baka magkasakit ka."

I gave Lola Amelia a weak smile then gently scratched my temple. "I'm okay, 'La. Just a little busy. Malapit na po kasi ang graduation ng mga estudyante ko kaya kailangan matapos ko na ang mga dapat kong tapusin bago iyon." Nag-uusap kami ni lola via Skype na lagi na naming ginagawa noon pa man. Kaya kita niya ang hitsura ko ngayon.

"How about Alex? How is she?"

Bahagya akong lumingon sa gawi ni Alex na mahimbing na natutulog sa kama saka muling bumaling sa monitor ng laptop ko. "She's doing fine. Pero mukhang nakasaklay siya pag-akyat niya sa stage. Hindi pa rin kasi magaling ang paa niya," sagot ko.

"Bummer. Well, that's life." Tumawa siya ng mahina. "Tell her to get well soon. And congratulations in advance."

Napangiti naman ako. "I will, 'La. Need to go. Maaga pa ang klase ko bukas," paalam ko naman.

"All right. I'll call you some other time next week then. I love you."

"I love you, too."

Napabuntong-hininga na lang ako pagkasara ko sa laptop saka hinilot ang batok ko. I'm exhausted as hell but I don't mind as long as I can see that Alex is okay. Balewala sa akin ang pagod sa trabaho basta maalagaan ko lang ng maayos si Alex.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa harap ng study table at tumabi na kay Alex. Nakatagilid ako paharap sa kanya kaya malaya kong napagmamasdan ang maganda niyang mukha. I can get used to this.

Ayokong gawin ito. Pero iba na kapag pinangunahan na ng puso. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat ng ito. Kung tutuusin dapat pinilit ko ang mga magulang niya na pumunta dito para maalagaan ng mga ito si Alex. Hindi dapat ako nagpresinta na ako na lang ang mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling siya. Hindi dapat ako nandito. I literally broke the rules.

Napabuntong-hininga na lang ako saka pinalis ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa pisngi niya at inipit iyon sa pagitan ng tenga niya. Ang ganda talaga ng batang ito.

"Elle..."

Napangiti ako nang banggitin niya ang palayaw ko. Walang ibang tumatawag sa akin sa pangalang iyon bukod kina Jemimah at Eunice. "Matulog ka pa," sabi ko sa kanya nang mataman niya akong tignan gamit ang mapungay niyang mga mata. Halatang inaantok pa siya.

"Pabigat na ba ako sa 'yo?"

Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon. "Bakit mo naman natanong iyan? Siyempre hindi," kunot ang noong sagot ko.

"Iyong totoo. Alam ko at kita ko na napapagod ka lalo na't pinagsasabay mo ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa akin. Please tell me the truth."

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang isiping iyon pero nagkakamali siya. "Hindi ka pabigat sa akin. Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin. Ginusto kong alagaan ka kasi alam kong iyon ang kailangan mo. At hindi maiiwasang mapagod ako kasi ganoon talaga kapag may trabaho. Pero hindi ibig sabihin niyon ay pabigat ka na. Saan mo ba napulot ang isiping iyan, ha?"

"S-sorry. Akala ko kasi..."

Napabuga na lang ako ng hangin saka niyakap siya. "Ginusto ko ito, Alex. Mahalaga ka sa akin kaya gusto kong alagaan ka. Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, okay? Ayos lang ako," bulong ko sa kanya. "Matulog ka na."

Bumuntong-hininga naman siya saka mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "I love you."

Sandali kong napigil ang paghinga dahil sa mga katagang iyon. Dahil doon kaya muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko siyang paasahin lalo na't hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko. I'm torn between Alex and the plan I have for my parents. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ayokong masaktan siya.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon