Chapter 2

23.6K 738 154
                                    

Ariella's POV:

"Miss Savador!"

Natigil ako sa paglakad nang tawagin ako ng isa sa mga estudyante ko. Kunot ang noong binalingan ko siya. "Oh, Wilson. Bakit?"

"Tulungan ko na po kayo," magalang na sabi niya saka kinuha ang mga dala ko'ng libro at folders.

Wala na ako'ng nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Pero hindi pa man kami nakakalayo nang may humarang sa amin at walang pasabing kinuha ang mga gamit ko mula kay Wilson.

"Back off, dude. She's mine," maangas na sabi ni Alex saka tinignan ng masama si Wilson. Mukhang natakot naman ang binata dahil bigla na lang siyang kumaripas ng takbo.

Oh, God! Nahilot ko na lang ang sentido ko. Umagang-umaga pero ito agad ang nangyari.

Tahimik lang kaming naglakad sa hallway. Wala ako sa mood na patulan kung ano man ang trip ni Alex. I need to keep my professional state so I don't have to lose my job. And I need to keep my record clean! Mahirap na.

"Why, you're quiet. What's up?" Di rin nakatiis at nagsalita na.

"I'm just not in the mood," simpleng sagot ko saka binuksan na ang pinto ng opisina ko. "You can put my things in my desk. You can leave after that," sabi ko pa saka lumapit sa kinalalagyan ng coffeemaker. Pakiramdam ko kasi inaantok ako.

"Ariella—"

"Please don't call me that," I cut her off sternly. "We're on the school grounds so please know your place."

"I'm sorry. I just wanted to ask if you're okay. Namumutla ka kasi," concerned na sabi naman niya.

Napabuntong-hininga na lang ako saka hinilot ang aking sentido. I've been having terrible headaches lately. And I can't seem to put my senses back together after that kiss. And I admit it's because of that kiss that's why I've been so grumpy lately. Simula kasi nang halikan ako ni Alex sa bahay ay nagulo na ang buong sistema ko. Hindi rin ako makatulog ng maayos sa gabi dahil lagi ko na lang naaalala ang halik na iyon. Kakulangan din siguro sa tulog ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko.

"I'll be fine. You'll be late for your class. You should go," sabi ko na lang saka nagtimpla na ng kape. May isa'ng oras pa ako bago ang una ko'ng klase kaya may panahon pa ako para umidlip sandali.

Wala na ako'ng narinig sa kanya kaya nag-assume ako'ng nakaalis na siya. But I was wrong.

"I'm not leaving until I'm sure you're okay," matigas na sabi niya.

"Alex, I said I'm fine. At hindi mo ako girlfriend para mag-alala ka ng ganyan. So please mind your own business," frustrated na sabi ko saka umupo sa aking swivel chair.

"But you are my business. Besides, I can still maintain my grades a straight one even when I'm asleep," she said then winked at me.

Napailing na lang ako saka muling nahilot ang aking sentido. Heto na naman po ang kayabangan niya. "Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano nakakalusot ang ginagawa mo'ng panliligaw sa Psychology professor mo mula sa management ng school," wala sa sariling sabi ko.

"Let's just say I'm special," sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita at uminom na lang ng kape. Kaso bigla namang sumakit ng husay ang ulo ko kaya hindi ko mapigilang mapaungol dahil sa sakit. "Shit."

"See? That's why I don't want to leave you alone here. You're not okay," nag-aalalang sabi ni Alex.

Hindi ko na lang siya pinansin. Talagang masakit ang ulo ko. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Alex at hinihilot ang sentido ko.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon