Chapter 10

18.9K 568 40
                                    

Alexandra's POV:

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Ariella habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan. Nakahiga kasi siya sa damuhan habang nakaunan siya sa hita ko. Nandito kasi kami sa puntod ng kapatid niya dahil ito na ang kadalasang ginagawa niya isang beses sa isang buwan. Ito pala iyong mga panahon na hindi ko siya mahagilap sa kung saan. Dito lang pala siya nagpupunta.

Nagyon ko lang nalaman na may kapatid pala siya. Wala naman kasi siyang nababanggit tungkol sa bagay na iyon. Ang alam ko lang, may ibang pamilya na ang mga magulang niya at ang lola niyang nasa London ngayon ang nagpalaki sa kanya. Bukod doon ay wala na. Sobrang masikreto pala itong babaeng ito. Madami pa pala akong hindi alam sa kanya.

Pasimple ko siyang sinulyapan at nakita kong nakapikit siya. Pero base sa paghinga niya, hindi pa siya tulog. Baka kagaya ko, sinusulit din niya ang panahong magkasama kami. Ito na lang kasi ang mga panahong nakakasama ko siya ng ganito. Iyong hindi kami nagbabangayan, hindi nagkukulitan. Tahimik at komportable lang.

Kinuha ko ang isang kamay niya at dinala iyon sa labi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Ang ganda mo talaga," nakangiting sabi ko sa kanya. Akala ko susungitan na naman niya ako pero hindi. Nginitian lang niya ako saka muling pumikit. Napangiti na lang din ako. Ang weird niya pero ayos lang. Siguro wala lang siya sa mood na alaskahin ang mga banat ko.

"Uwi na tayo?" maya-maya'y sabi niya.

Tumango naman ako at tumayo na. Tinulungan ko naman siya sa pagtayo at sabay na kaming naglakad papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan ko. Bago pa man siya sumakay ay muli niyang sinilip ang puntod ng kapatid niya saka ngumiti.

"Para saan iyon?" tanong ko sa kanya nang makasakay na siya sa passenger's seat.

Nakangiting umiling lang siya. "Sa amin na iyon ni Danica," simpleng sagot niya.

Napatawa naman ako ng mahina. "Okay. Sinabi mo, eh."

Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Okay na sana ang mood ko kung hindi lang nakaabang doon si Clover. Sumama tuloy ang araw ko.

"Heto na ang laptop mo," sabi niya kay Ariella saka inabot ang isang bag.

"Thank you," magalang na sabi naman ni Ariella.

"Sige. Mauna na rin ako. Mukhang may gagawin pa kayo," nakangising sabi naman ni Clover.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Marunong ka rin palang makahalata," mataray na sabi ko sa kanya.

"Alex," saway sa akin ni Ariella samantalang tinawanan lang ako ni Clover. Lalo tuloy akong nainis.

"Don't you worry, dude. Ariella already declined my admiration so no need to be rash," nakangising sabi niya. Kapagkuwan ay biglang sumeryoso ang hitsura niya. "But once you hurt Ariella, hindi ako magdadalawang-isip na saluhin siya at ilayo mula sa 'yo. Got it?"

Ako naman ngayon ang ngumisi. "Hindi ako perpekto pero gagawin ko ang lahat para hindi siya saktan. I always live up for my word," proud na sabi ko naman sa kanya.

"We'll see," nakangising sabi naman niya saka naglakad na palayo.

"Grabe kayo. Nandito lang ako, oh. Ginawa niyo naman akong patatas," nakangusong sabi naman ni Ariella at binuksan na ang pinto ng bahay.

Napatawa na lang ako saka sinundan siya sa loob. "Bakit nga pala na kay Clover ang laptop mo?" tanong ko nang ilapag niya ang bag sa sofa.

"Nag-corrupt kasi at kailangan kong ma-retrieve ang mga files na na doon. Sakto naman na may kakilala siya na puwedeng mag-ayos ng laptop ko," sagot niya saka pumanhik sa kusina.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon