Chapter 19

18.1K 564 131
                                    

Ariella's POV:

Napapangiti na lang ako habang hinahaplos ko ang malambot na buhok ni Alex. Walang gumagalaw ni isa amin pagkatapos ng nangyari. Pareho lang kaming nakahiga sa kama habang may makapal na kumot na nakabalot sa aming hubad na katawan. Nakaunan naman si Alex sa braso ko habang nakayakap naman ang kamay siya sa bewang ko. Maya-maya pa ay hinagilap niya ang isa kong kamay at pinagsalikop iyon sa kamay niya.

"Love."

Nakangiting napapikit ako. I can get used to that endearment. "Hmm?"

"I love you."

Lumawak naman ang ngiti ko saka niyakap siya ng mahigpit. I may not be able to say those words to her, at least I can show it to my gestures. Mukhang naintindihan naman niya dahil tumawa siya ng mahina saka niyakap ako ng mahigpit.

"Ay, teka." May naalala ako bigla. Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Alex saka inabot ang bag ko na malapit lang sa side table.

"Ano 'yan?" tanong naman ni Alex saka sinilip ang ginagawa ko.

"Sandali lang," sabi ko naman. Nang mahagilap ng kamay ko ang parisukat na kahon ay inilabas ko iyon saka ibinigay sa kanya. "Graduation gift ko sa 'yo," nakangiting sabi ko sa kanya.

Halata namang nagulat siya. "You didn't have to. Having you here is more than enough," sabi naman niya habang nakatingin sa ibinigay ko sa kanya.

Napanguso naman ako. "Alam ko. Pero iba pa rin iyong may literal akong regalo sa 'yo," sabi ko saka ngumiti ng malapad. "Now, open it," excited na sabi ko.

Napatawa naman siya ng mahina. "Fine. Fine."

Marahan niyang pinunit ang wrapper hanggang sa tumambad sa kanya ang silver na kahon. Kagat naman ang labing pinagmasdan ko ang reaksyon niya habang binubuksan niya ang kahon.

"So?" tanong ko sa kanya nang ilabas niya ang laman ng kahon.

"It's beautiful," bulong niya sabay tingin sa akin. "Thank you," nakangiting sabi niya saka kinintalan ako ng halik sa labi.

Kagat ang labing kinuha ko ang bracelet mula sa kanya at ako na mismo ang nagsuot niyon sa palapulsohan niya. Simple lang naman ang ditalye ng bracelet. Silver chain iyon na may iba't ibang pendant. Merong heart, sun, moon, and stars. Pero ang pinakadetalye niyon ay ang pangalan namin na pina-personalize ko pa. It's a little costly but its worth it.

"There!" masayang bulalas ko saka pinagmasdan ang bracelet bago ako tumingin sa mukha niya. "Like it?"

Nakangiting umiling naman siya. "I love it," sagot niya saka mariin akong hinalikan sa labi. Pero hindi naman nagtagal ay humiwalay siya. "Ang ganda ng gift mo sa akin. Iyong regalo sa akin ng mga bisita ni daddy, puro ballpen na may naka-engrave na pangalan ko." Umiling siya saka tumawa ng mahina. "Old school."

Tumawa na rin ako. "Iyon din sana ang ireregalo ko. Kaso naalala ko na baka iyon din ang iregalo ng iba sa 'yo. So nag-isip ako ng iba. Then I thought of this," sabi ko naman saka hinaplos ang bracelet.

"And speaking of gifts, meron din ako para sa 'yo," sabi naman niya saka tumayo mula sa kama. Impit pa akong napatili dahil wala siyang kahit anong suot. At ang magaling, rumampa pa sa harapan ko!

"Jeez! Magdamit ka nga!" sabi ko saka nagtakip ng mata.

"And why? There's only the two of us. Besides, nakita mo na ang lahat ng ito kanina. You even kissed my abs. So there's no need to be shy," sabi niya. Amusement is visible on her tone.

"Eehh! Kahit na! Magdamit ka nga!" sabi ko na lang habang nakatago pa rin sa ilalim ng kumot. Ang pula na rin ng mukha ko!

"Come on, Love," tawag niya sa akin.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon