Chapter 7

17.8K 606 25
                                    

Alexandra's POV:

"Clover?"

Pareho silang napatingin sa akin nang maibulalas ko ang pangalan ng kapatid ni Crimson. Ano ang ginagawa niya dito?

"Oy, Alex," bati naman niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Magkakilala kayo?" tanong naman ni Ariella. Sasagot sana ako nang unahan ako ni Clover.

"Kapatid ako ni Crimson. One of Alex's friends."

"Oh."

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko kay Clover.

"I just helped this lovely lady. Bakit? May problema ba?" nakangising sagot niya.

"Meron. So back off," banta ko.

Matagal ko nang kilala si Clover. Kilala ko na siya bago pa man kami naging magkaibigan ni Crimson. Kung maloko si Crimson, di hamak mas maloko si Clover. Isa kasi siyang dakilang playgirl at kung magpalit ng girlfriends akala mo'y nagpapalit lang ng damit. And the worst part, she always fuck the woman she meet. Kaya bahagya akong kinabahan nang makita ko siyang kasama niya si Ariella. At base sa tinging iniuukol niya kay Ariella, alam ko'ng siya na naman ang bagong prospect niya. At hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Tama na 'yan," pagitna sa amin ni Ariella.

"Ngayon palang sinasabihan na kita. Layuan mo siya kung ayaw mo'ng samain sa akin," banta ko kay Clover.

"What are you going to do about it?" nakangisi pa rin na sabi niya. Akmang sasapakin ko siya nang pigilan ako ni Ariella. Nakakapang-init lang ng ulo.

"Alex, I said enough," matigas na sabi niya saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Bahagya na ako'ng kumalma pero nandoon pa rin ang inis ko kay Clover. "Ang mabuti pa ay umuwi na kayo." Nilingon niya si Clover. "Thanks for the help."

"You're welcome, my lady," malanding sabi naman ni Clover saka muling sumakay sa motor niya. "See you around, Alex," sarkastikong sabi naman niya sa akin sabay kindat. Sa inis ko ay gusto ko siyang sapakin kaso pigil-pigil ako ni Ariella.

"Enough now, please," bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry. Nag-alala lang ako," sagot ko saka bumuntong-hininga.

Kumunot naman ang noo niya. "Saan?"

"Para sa 'yo. Clover may be nice, pero iba talaga ang ugali niya. Lalo na sa mga babaeng nagugustuhan niya. Ayokong matulad ka sa mga babaeng niloko at pinaglaruan niya," concerned na sagot ko.

Lumayo naman siya sa akin saka napapantastikuhan na tinignan ako. "Nagseselos ka ba?"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "I have nothing to be jealous about. Mainit lang talaga ang ulo ko sa mga taong manloloko."

"Look who's talking," nakataas din ang kilay na sabi niya.

Napabuga naman ako ng hangin saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok sa bahay. Ako na rin ang nagbukas ng pinto at nagsara niyon. Kinuha ko ang mga gamit na hawak niya at inilagay iyon sa lamesa at walang pasabing hinalikan siya sa labi. Naramdaman ko ang pagpiglas niya pero hindi ako nspatinag. Isinandal ko siya sa lamesa at pinalalim pa lalo ang halik. Nang maramdaman ko'ng tumutugon na siya ay mas lalo ako'ng napayakap sa bewang niya.

Matagal na rin simula nang mahalikan ko siya ng ganito. I craved for this lips so much that I just can't stop. And when I heard her sexy moan, I can't help but want some more.

I raised my head up to kiss her cheek down to her neck then up to her earlobe. I inhaled her natural sweet scent. But that only burned up the fire that's building inside of me. I need her.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon