Chapter 27

14.3K 427 28
                                    

Ariella's POV:

It was an accident. It really was. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkataranta nina Clover, Eunice, at Crimson nang puntahan nila ako sa clinic kung saan ako dinala ng mga taong nakakita sa aksidente. Ni hindi nila ako pinagpaliwanag sa kung ano ba talaga ang nangyari. Oo at medyo ilag ako sa kanila pagkatapos kong harapin ang mga magulang ko sa harapan mismo ng pamamahay nina Alex. I have my reasons. But that's not exactly why they have to assume that I really want to end my life right there and then.

Nakakatawa lang habang pinagmamasdan ko sila. Para silang mga siraulo kung mag-away samantalang ayos naman na ang pakiramdam ko. I almost drowned, yes. Pero dahil lang iyon sa isang maling tiyempo.

Kaya heto ako ngayon. Nakahilata sa isa sa tatlong kama sa loob ng clinic ng resort kung nasaan kami ngayon. Tinanggal na kanina ng naka-duty na nurse ang oxygen mask na suot ko kanina dahil medyo nahirapan ako kanina. But all in all, I'm all right.

"Ang tanga mo, dude! Bakit iyon ang sinabi mo kay Alex?!"

"Nataranta ako! Pasensya na!"

"Ano na lang ang iisipin ni Alex pagkarinig niya sa sinabi mo samantalang hindi naman iyon ang nangyari? Ang tanga mo talaga!"

"Sorry na nga kasi!"

Hmm. Mukhang nasabi na sa kanila kung ano talaga ang nangyari. Good. Kaso mukha pa rin silang mga tanga habang nag-aaway sa labas ng clinic. Buti na lang kami lang ang mga tao sa mga oras na iyon kaya wala silang ibangnaaabala ng mga tao.

Natatawang napailing na lang ako sa kanila. Kahit ano pa ang gawin nilang pag-aaway, hindi na mababago pa ang mga isiping puwedeng isipin ni Alex. I'll just have to explain to her then when she arrives.

Napatitig ako sa kisame pagkatapos kong ayusin ang higa ko. Halos isang linggo din akong naglagi dito para mag-isip. Wala rin akong ibang dala kundi pera at ilang gamit. Hindi ko dinala ang cellphone ko kasi alam kong kukulitin at kukulitin ako ni Alex at tatadtarin ako ng tawag at text. I have—no, I need to do this. Alam kong selfish na akong matatawag dahil hinayaan kong ilayo ang sarili ko sa girlfriend ko. But I need to. Para rin naman ito sa ikakaayos ng relasyon namin. I don't want to keep myself holding back whenever I feel doubting myself. Pagkakataon na rin iyon para maayos ang kung ano man ang nasira sa relasyon namin ng mga magulang ko.

After having that heart-to-heart to with my parents, I needed some time to think. Hindi madali. Alam kong hindi madali na basta ko na lang silang patatawarin at basta na lang papasukin sila sa buhay ko. For twenty years after they abandoned me willingly, nakakapagtakang basta na lang silang nagbalikan na para bang wala lang ang nangyari. Na kung mag-reach out sila sa akin para bang ang simple lang ng ginawa nilang pag-abandona nila sa akin noon.

It's not easy. Not after the things I've suffered from the people who took me in. Promising that they would take good care of me. When in reality, all they ever did was abuse me. Used me as their personal maid. Used me as a human punching bag. But if it wasn't for Lola Amelia, if she hadn't found me sooner and took me away from that living Hell, I wouldn't even be where I am now.

Psychologist ako, oo. Dapat naiintindihan ko ang mga ganitong klase ng trauma na nararanasan ng mga kabataan sa kamay ng mga abusadong tao. And yet, I didn't. Ang hirap lang intindihin ang sarili kong sitwasyon samantalang dapat madali na lang ito para sa akin. Nakakatawa lang na may mga tao akong natutulungan para harapin ang mga masasamang pangyayari sa buhay nila pero hindi ko man lang makumbinsi ang sarili ko na manatili na lang sa nakaraan ang lahat.

What kind of a psychologist I am when I can't even help myself from this turmoil?

Should I give them a chance? Kita ko naman na nagbago na sila. They aged, yes, but still kicking. Pero sapat ba ang pagbabagong nakikita ko sa kanila pagkatapos ng dalawang dekada na hindi ko man lang sila nakasama? Was a simple "I'm sorry" is enough for our family to be whole again?

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon