Chapter 16

16.4K 515 18
                                    

Ariella's POV:

Bitbit ang mga pagkain na nagtungo ako sa kuwartong kinalalagyan ni Richiel. Mag-iisang linggo na siya dito sa ospital simula noong duguin siya. Pinagbawalan na siya ng duktor ng kumilos dahil naging sensitibo ang pagbubuntis niya. Mabuti na lang at ligtas na sila ng baby niya. Nabawasan kahit papaano ang pag-aalala ni Jemimah sa mag-ina niya.

"Hey," bati ko sa kanila nang makapasok ako sa kuwartong inookupa nila.

"Hmm," bati naman sa akin ni Jemimah na hindi inaalis ang tingin sa kanyang laptop. Si Richiel naman ay mahimbing na natutulog sa kama niya. "Hindi ka ba a-attend sa graduation ni Alex?"

Natigil akonsa pag-aayos ng pagkain dahil sa tanong niyang iyon. Oo nga pala. Bukas na ang graduation nila. Muntikan ko nang makalimutan. Mabuti na lang at pinaalala niya.

"Pero bukas na rin lalabas dito si Richiel, di ba?" tanong ko naman.

"Kaya na namin ni Eunice. Besides, mag-iisang linggo ka nang tumutulong dito sa amin. Kaya ngayon, si Alex naman ang asikasuhin mo. Alam kong kailangan ka niya sa big day niya," sagot naman niya sabay ngiti.

Sandali akong nag-alangan. Ayoko kasing iwan na lang sila basta-basta kahit na sinigurado sa amin ng OB-Gyne ni Richiel na wala na sila sa peligro ng bata. Pero...

"Umuwi ka na ng Quezon ay um-attend ka ng graduation niya. Paniguradong magiging masaya 'yon kapag nakita niyang nandoon ka. Okay na kami ni Richiel dito," pangungumbinsi pa ni Jemimah sa akin.

Sandali akong tumitig sa kanya saka nakangiting tumango. She's right. Kailangan ako ni Alex sa pinakamahalagang araw ng buhay niya. At ayokong sayangin ang pagkakataon kung saan makikita ko siyang sobrang masaya.

---------------

Alexandra's POV:

"Hey, bunny. What's with the long face?"

Pilit ko lang na nginitian si daddy habang inaayos ko ang togang gagamitin ko mamaya. Maaga pa naman para isuot iyon kaya hinayaan ko munang nakasabit iyon sa hanger.

"Hindi ba siya a-attend ng graduation mo?"

Nagkibit lang ako ng balikat. "Hindi ko po alam. Wala na po akong balita simula noong umalis siya papuntang Calamba para tulungan ang kaibigan niya," may himig ng lungkot na sabi ko.

Tinapik naman niya ako sa balikat. "I can feel that you're special to her. I'm sure she wouldn't miss your big day."

"Sana nga, Dad."

Nakaalis na kami sa bahay at lahat pero wala pa rin akong balita kay Ariella. Kahit missed call o text man lang, wala. Nami-miss ko na siya.

Nandito na kami sa soccer field kung saan gaganapin ang program. May kalahating oras pa naman bago magsisimula ang program kaya puro chismisan lang ang mga naririnig ko. Iyong iba naman walang katapusan sa pagbati ng "congratulations" at ang karamihan puro pagkuha ng litrato ang inaatupag. Pero ako ay nakabusangot lang sa isang tabi. Wala talaga ako sa mood.

"Hey! Smile!"

Napakurap-kurap ako dahil sa sunud-sunod na pag-flash ng camera malapit sa mukha ko. Nakamot ko tuloy ang mata ko dahil hindi naman ako handa sa mga flash ng camera.

"Ano ba yan, ate! Ampanget! Isa pa!" reklamo ni Alexis saka muling itinapat sa mukha ko ang camera na hawak niya.

"Sandali nga!" angal ko saka inilayo ang camera. "Puwede mo naman akong kuhanan mula sa malayo, diba? Hindi ko kailangang ipagduldulan sa mukha ko yang camera," reklamo ko.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon