Chapter 22

15.5K 452 42
                                    

Ariella's POV:

Pigil-pigil ko ang pagngiti habang nasa harap kami ng hapag. Ang pula kasi masyado ng tenga ni Alex dahil sa marahas na pagkakapingot doon ni Tita Alvira kanina nang mahuli niya si Alex na katabi ko sa kama sa guestroom. Malamang sa malamang ay sobrang sakit din niyon. Hindi rin naman kasi maipinta ang mukha niya habang minamasahe niya ang nasaktang tenga.

"Don't laugh at me," nakangusong bulong sa akin ni Alex.

"What?" pigil pa rin ang ngiting tanong ko.

"Nevermind," bulong naman niya saka binalingan na ang pagkain.

Napailing na lang ako saka nagpatuloy na lang sa pagkain. Mabuti na lang at hindi rin ako nasermunan ni Tita Alvira kasi hindi ko rin naman alam na katabi ko na pala si Alex. Pareho pa nga kaming nagulat. Ayan tuloy. Nakatikim siya ng mag-asawang pingot sa tenga habang hinihila siya palabas ng kuwarto. Pasaway kasi.

Nagpaalam na sa amin ang mag-asawa pagkatapos kumain. Binalaan pa uli ni Tita Alvira bago umalis. Ang sarap niyang asarin, sa totoo lang. Nang tuluyan nang makaalis ang mga magulang niya ay bumalik na kami sa loob. Si Alexis ay dumiretso sa kuwarto niya samantalang kaming dalawa ay nasa sala. Pigil-pigil ko pa rin ang pagngiti.

"Sige na. Tumawa ka na. Baka mautot ka, eh," nakangusong sabi ni Alex habang namumula ang kanyang mukha.

At hindi na nga ako nakapagpigil. Hindi lang kasi ako basta tumawa. Humalakhak pa ako. Nakakawala ng poise ang halakhak pero hindi ko na mapigilan. The look in her face was priceless!

"I'm sorry," tumatawang sabi ko habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Ang sama mo," bulong niya saka humalukipkip.

"Aww," sabi ko naman saka hinila siya palapit sa akin. "Sorry na. Ikaw rin naman kasi. Hindi ka pa nakatiis at talagang pinasok mo pa ako sa guestroom. Ayan tuloy. Na-torture tuloy ng mommy mo ang tenga mo."

Umingos naman siya. "I can't help it. You're too irresistible. Tsaka wala naman tayong ginawa, ah. I don't know why mom is making this a big deal."

Doon na nawala ang ngiti ko. "Alex, alam natin pareho na maganda ang intensyon ng mommy mo. And give them some respect. Hindi porke't nasa legal age na tayo eh puwede na nating gawin ang mga bagay na gusto natin. This is still your parent's house. Konting konsiderasyon lang ang hinihingi ng mommy mo. I hope you understand that," paliwanag ko.

"Kaya ba gusto mong umuwi kagabi?" tanong niya.

Tumango naman ako. "I respect your parents so much and staying with you in the same room is a big insult for them. Kaya habang nasa paligid ang mga magulang mo, kailangan nasa lugar ako. Besides, I'm still older than you kaya dapat alam ko kung saan ako dapat lulugar."

"Four years doesn't make any difference."

Kinurot ko naman ang magkabila niyang pisngi. "But I'm still older than you. At hindi ko ito-tolerate ang pagiging makulit at aggressive mo sa harap ng mga magulang mo. I don't want to give them the wrong impression."

Naging tahimik na siya pagkatapos niyon habang nakatingin lang siya sa akin. Akala ko na-offend siya sa sinabi ko. Magso-sorry sana ako pero bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi saka walang pasabing hinalikan ako sa labi. Nagtataka ang mga tingin ipinukol ko sa kanya nang humiwalay siya.

Ngumiti lang siya ng matamis saka umupo sa kandungan ko paharap sa akin. "Don't make fall for you so hard. Baka hindi ako makaahon," bulong niya habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang lower lip ko.

Napatawa naman ako ng mahina saka ipinulupot ang braso ko sa bewang niya. "That wasn't really my intention. Nagpapaalala lang ako. Kaya sundin mo ang paalala kong iyon, okay?" Napatingin ako sa orasan ko. "Shit. Kailangan ko nang umalis. Baka may estudyante nang naghahanap sa akin sa office," sabi ko saka pilit na inaalis siya sa kandungan ko. "Alex, umalis ka na nga diyan."

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon