Chapter 11

17.9K 513 42
                                    

Alexandra's POV:

"No way!"

Nginisihan ko lang si Crimson saka nagpatuloy sa pagkain ng sandwich na ginawa ni Alice. Sinabi ko na kasi sa kanila ang tungkol sa kagustuhan ng mga magulang ko na makilala si Ariella.

"Iba na yan, ah," nakangiting sabi naman ni Alice.

Nagkibit lang ako ng balikat. "Diskarte lang ang tawag doon," sabi ko naman.

"Grabeng diskarte iyan! Wala nang takas si prof!" bulalas pa ni Crimson sabay tawa.

"Sigurado ka na ba sa kanya, Alex?" tanong naman ni Alice.

Sunud-sunod naman na tumango ako. "Sure na sure. No doubt, no erase," sagot ko.

Napailing naman si Alice. "Despite everything, talagang gusto mo'ng masunod ang gusto mo. Ibang klase ka talaga."

Parang tangang napangiti na lang ako sa hangin. "Ganoon talaga kapag mahal mo. Handa ka'ng gawin ang lahat para lang makuha ang bagay na matagal mo nang minimithi. Sulit naman ang paghihintay ko kasi halata namang unti-unti na niyang binubuksan ang sarili niya para sa akin." Kumunot naman ang noo ko. "Pero may mga panahon na parang nag-aalangan siya na hindi ko maintindihan kung bakit."

"Nag-aalangan? Like something is holding her back?" tanong naman ni Alice.

Tumango ako. "May mga bagay pa siyang hindi sinasabi sa akin, eh. Kagaya ng paano naghiwalay ang mga magulang niya at bakit ang lola niya ang nagpalaki sa kanya. Kung tutuusin ay kakaunti lang talaga ang alam ko sa kanya. Iyong mga basics lang. But when it comes to her personal issues, none. Kung hindi ko lang nalaman na ex pala niya ang personal psychologist ni Alexis, hindi ko pa malalaman kung bakit ayaw niyang pumasok na uli sa isang relasyon. Kung nagkataon, para akong tanga habang nangangapa sa kung paano ako makakapasok sa pader na binuo niya sa sarili niya."

"Pero may chance ka naman na, di ba? Gaya nga ng sabi mo, she'll wait. It means handa na siyang papasukin ka sa buhay niya. Pero bakit parang ikaw naman ang hindi sigurado?"

Nagkibit lang ako ng balikat. "Hindi ko rin alam, eh. Siguro masyado lang akong curious sa kung ano ang mga iniisip ni Ariella. Ang hirap niya kasing basahin."

"Hay nako, dude. Kung ano man iyon, malalaman mo rin eventually. Sa pagtagal-tagal niyan masasabi din niya sa 'yo ang mga bagay na hindi pa niya masabi. Hintay lang," sabi naman ni Crimson sabay tapik sa balikat ko.

Hindi na lang ako nagsalita at tumitig na lang sa kisame. Sana nga. Gusto ko lang naman na makatulong sa kung ano man ang bumabagabag kay Ariella. Alam kong meron kahit na sabihin niyang wala. Kung ano man iyon, sana masabi niya sa akin. Nag-aalala kasi ako.

Damn! This freakin' love really hit me hard!

---------------

Ariella's POV:

"Huwat?! Meet the parents agad ang peg niyo?! Teka nga. Kayo na ba?"

Isang malakas na kutos ang isinagot ko kay Eunice. Kairita, eh. Ang OA mag-react. Si Richiel naman ay natawa lang habang kumakain ng indian mango.

"Aray naman, bes! Bakit ba ang brutal mo, ha?!" reklamo naman ni Eunice.

"Ang ingay mo," mataray na sabi ko saka uminom ng kape.

"Kung ako sa 'yo, babawas-bawasan ko na ang pagkakape. Nanginginig na ang kamay mo, oh. Ano ba ang nakakatakot sa mga magulang ni Alex?" sabi naman ni Jemimah.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon