Chapter 9

16.9K 615 33
                                    

Alexandra's POV:

"So, when are we going to meet her?"

Natigil ako sa pagnguya dahil sa tanong na iyon ni daddy. Pero kapagkuwan ay nagpatuloy rin dahil nginisihan niya ako.

"Hindi pa kami, eh," simpleng sagot ko saka nagkibit ng balikat.

"Well, maybe in your graduation day. Hindi ka na noon parte ng San Luis at hindi mo na siya professor ng time na iyon. And it's only a month for now," sabi naman ni mommy. Balik na uli siya sa mother mode. Seryoso na, eh.

"Humahanap pa iyon ng tiyempo, I'm sure," sabi naman ni Alexis.

"May problema nga," seryosong sabi ko habang nakatingin lang sa pagkain na nasa plato ko. Pare-pareho silang natigil sa ginagawa at naramdaman ko na lang ang pagtitig nila sa akin.

"What problem?" basag ni Alexis sa katahimikan.

Isa-isa ko silang tinignan saka bumuntong-hininga. "Nililigawan din siya ni Clover," masama ang loob na sagot ko.

"Oh." Dad

"Ah." Mom

"Ouch." Alexis

Pagak na napatawa ako ng mahina saka napailing. Ang weird minsan ng pamilya ko.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na mainis. Ang kapal naman kasi ng Clover na iyon para sabihin na liligawan din niya si Ariella. Hindi sana ako maniniwala kung hindi lang sinabi sa akin ni Crimson ang tungkol sa white rose na ibinibigay ni Clover sa babaeng gusto niyang ligawan. Not in a flirty way like Clover always does, but in a romantic way any of us can't imagine. Sinabi din kasi sa akin ni Crimson na nagbibigay lang si Clover ng white rose na may pukang ribbon na nakatali sa stem ng bulaklak sa babaeng handa niyang seyosohin. It only happened once. And now it's happening again. At sa babaeng gusto ko pa. Kaya binalaan niya ako'ng bantayan si Ariella. Because when Clover is dead serious abou a woman, she's ready to move heaven and Earth just to have that woman. At hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

Unfair lang sa part ko dahil puwede niyang ligawan si Ariella nang hindi sila nai-issue sa San Luis dahil hindi naman estudyante doon si Clover. Mas malaya siyang gawin ang mga bagay na gusto niya na hindi nalalagay sa alanganin ang trabaho ni Ariella. Kaya kahit na kumpyansa ako na ako ang pipiliin ni Ariella, may posibilidad pa rin na maging iba ang takbo ng lahat. At ayokong mangyari iyon.

Nakakainis lang kasi kailangan ko pa'ng hintayin ang graduation ko para lantarang ko nang masabi sa lahat na Si Ariella Marie Salvador ay AKIN lamang. Kung nagkataon na hindi ako estudyante ni Ariella o isa sa mga estudyante ng Colegio de San Luis, Clover wouldn't even stand a chance. At naiinis na ako sa sarili ko dahil nag-uumapaw na ang selos sa sistema ko. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng babae sa Lucban, si Clover pa ang naging karibal ko? Kaurat lang.

"Ano ang gagawin mo? It's still a month away before your graduation," pukaw sa akin ni daddy.

Mataman ako'ng tumingin sa kanya saka binigyan siya ng isang determinadong ngiti.

"I'm gonna fight. I won't let Clover win Ariella's heart over me. Even if it means starting a war," I told them then gave them my game face.

Nagpalakpakan naman sina mommy at Alexis habang si daddy naman ay tumango-tango lang.

"Ready for your bets?" tanong niya kina mommy at Alexis.

"Game!" sabay na sabi ng mag-ina na nag-high five pa.

Nakangiting napailing na lang ako. I told you my family is weird. But they are the only ones that I can count on.

Humanda ka sa akin, Clover. I'm not going down without a fight.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon