Chapter 1

32.4K 884 229
                                    

Ariella's POV:

Shit! Umuulan na naman! At sa kamalas-malasan ay nakalimutan ko ang payong ko. Idagdag pa na ban ang sasakyan ko ngayon kaya wala ako'ng service pauwi. Medyo malayo pa man din ang bahay ko mula dito sa school. At mukhang gagabihin ako kapag hinintay ko pa'ng tumila o humina man lang ang ulan.

"Kainis naman!" frustrated na bulalas ko saka napakamot sa ulo. Wala ako'ng choice. Kung gusto ko'ng makauwi ng maaga ay kailangan ko'ng sumugod sa ulan. Ayaw ko namang magpagabi dito sa school.

Kinuha ko ang isang plastic envelope na hawak ko at iniligay iyon sa ulo ko saka walang pasabing sumugod sa ulan. Titiisin ko na lang ang pagkabasa ng uniform ko at lamig ng hangin hanggang sa makauwi ako sa bahay. Bakit ba kasi nakalimutan ko'ng madalas umulan dito sa Lucban? Iba na talaga kapag nadadagdagan na ang edad. Though I'm not that old. I'm only turning twenty-six in three months time. Hindi pa  naman siguro signs of aging ang pagkalimot ko sa payong ko.

Pagdating ko sa waiting shed sa labas lang ng school ay mas lalo ako'ng nainis. Wala ni isang tricycle ang puwedeng masakyan dahil kung hindi puno ng estudyante ay private service naman. Frustrated na napaupo na lang ako sa upuan doon at napahilamos. How bad can this day be aside from me being so cold and wet? Kapag nagtagal pa ako dito ay baka dapuan na ako ng sakit na puwedeng mauwi sa trangkaso.

"Ma'am!"

Hindi ko pinansin kung sino man ang tumatawag. Malay ko ba kung sino ang tinatawag ng boses. Baka mapahiya lang ako.

"Ms. Salvador!"

Bigla ako'ng nag-angat ng tingin nang makilala ko ang boses. At ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Alex pala ang sumisigaw. Bumaba siya mula sa isang itim na itim at magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng waiting shed gamit ang isang itim na payong.

"Alex? A-ano'ng ginagawa mo dito?" nanginginig sa lamig na tanong ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko kasi half day lang ang pasok niya tuwing Miyerkules. At Miyerkules ngayon kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito.

"You're cold and dripping wet! Use this," sabi niya saka isinuot sa akin ang jersey jacket niya imbes na sagutin ang tanong ko. "Let me take you home."

Wala na ako'ng nagawa nang kunin niya ang mga gamit ko'ng basang-basa na at hinila ako papunta sa kotse niya. Nang makasakay ako sa passenger's side ay nahiya ako dahil basang-basa ako dahil sa ulan. Mababasa tuloy ang upuan ng sasakyan niya na halatang mamahalin. Nang makaupo siya sa driver's side ay ibinigay na niya sa akin ang mga gamit ko at itinodo niya ang heater saka nagmaneho na paalis sa campus.

"Alex, you didn't answer me," sabi ko sa kanya nang maramdaman ko'ng ayos na ako. Siya naman ay nakatuon lang ang paningin sa daan.

"I came by to Alice and Crimson's apartment for a group project. Then I came here to see you," sagot niya saka sandaling tumingin sa akin saka nginisihan ako.

Napailing na lang ako. This girl is really unbelievable. "Stalker."

"I know. And I'm proud of it."

Nahilot ko na lang ang sentido ko. Nakalimutan ko'ng malaki nga pala ang ulo ng babaeng ito. Palibhasa kasi may maipagmamalaki.

Bukod kasi sa katotohanang nagmula siya sa isang napakayamang pamilya, hindi naman maipagkakaila ang gandang taglay niya. Matangos ang ilong,  bilugan ang kulay tsokolate niyang mga mata, manipis ang natural na mapula niyang labi, maputi at makinis ang kanyang balat, straight at aabot sa kanyang balikat ang dark brown niyang buhok, dalawa hanggang tatlong pulgada ang taas niya sa akin, may katawan ng isang atleta, star player at team captain ng women's volleyball team, at isa sa mga outstanding students ng Colegio de San Luis. Dahil doon kaya halos lahat ng estudyante ay nahuhumaling sa kanya. Hindi lang salawal ng mga lalaki ang napapahulog niya. Kahit sa mga babae! Ganoon kalakas ang epekto niya sa mga tao. Matatawag ko na sana siyang perfect kung hindi lang lumabas ang pagiging makulit at pilya niya. Lalo na pagdating sa akin!

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon