Chapter 8

17.7K 512 83
                                    

Alexandra's POV:

"Mom? Dad?" tawag ko sa mga magulang ko nang makarating ako sa bahay namin sa Valenzuela. Naisipan ko silang bisitahin ngayong weekend dahil bukod sa request nila na bumisita ako dito, nami-miss ko na rin sila. Matagal na rin kasi simula nang huli ako'ng bumisita dito. May ilang buwan na rin siguro.

Kasi busy ka kay Ariella.

Napangiti ako. Hell, yeah. Dahil sa kanya kaya muntikan ko nang makalimutan ang pagbisita sa mga magulang ko. But I'm not blaming her, though. Hindi naman ako pumapalya na tumawag sa kanila whenever I have time. Sadyang masyado lang ako'ng na-attached kay Ariella dahil sa feelings ko para sa kanya.

"Hey, Bunny!"

I groaned when my dad called me by the nickname he made. Cute sana kaso mukhang corny.

"Hi, Dad," bati ko sa kanya saka humalik sa pisngi niya.

"Ate!"

Napangisi ako nang kumaripas ng takbo pababa ng hagdan ang kapatid ko'ng si Alexis. Bago pa siya makahalik sa pisngi ko ay sinalubong ko agad ng kurot ang magkabila niyang pisngi.

"Hey, squirt! May atraso ka pa sa akin," nakangising sabi ko sa kanya habang pinanggigigilan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Aray! Aray! Ate! Masakit! Mommy!" sigaw niya habang pilit na kumakawala sa kurot na ginagawa ko sa pisngi niya.

Binitawan ko naman na siya saka tinawanan siya ng nakakaloko. Ang kyot naman ng kapatid ko! Fluffy na ang cheeks niya mamula-mula pa! Kaya nakakagigil siyang kurutin, eh.

"Ate naman, eh! What have you done to my cheeks?!" she shrieked while massaging her swolen cheeks.

"Ang cute mo kasi. Magpapayat ka para hindi ko na panggigilan 'yang fluffy cheeks mo. Pakurot nga uli!" nanggigigil na sabi ko saka nagtangkang kurutin uli ang pisngi niya.

"Ayoko na! Spare my cheeks! Waaahhh!" sigaw niya saka tumakbo palayo sa akin. Kami naman ni daddy ay napatawa na lang.

"Tantanan mo na ang kapatid mo, Bunny. Nandoon si mommy mo sa kitchen. Mukhang kinain na siya ng sistema ng Wattpad," sabi niya sabay iling.

Napamata naman ako sa kanya. "What?! Si Mom?! Nagbabasa sa Wattpad?! When?!" medyo exaggerated na bulalas ko.

Napatawa naman siya. "Since your sister introduced that silly website to her. May isa'ng buwan na rin siguro," sagot niya saka nagkibit ng balikat. Sakto naman na tumili ng malakas si mom na parang kinikilig kaya napasugod kami sa kusina.

"Mom?" nakatanga na tawag ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ewan ang nanay ko habang may binabasa sa tablet niya. Para siyang teenager na kinikilig habang kagat-kagat niya ang hintuturo niya. Nanay ko ba talaga ito?

"Hi, anak," bati niya sa akin saka muling bumaling sa binabasa. Maya-maya pa ay tumili na naman siya na may matching pagpadyak pa.

Naku po! Ano na ang nangyari sa nanay ko?!

"Alexis! Ano ang ginawa mo sa nanay natin?!" sigaw ko saka tumakbo paakyat sa kuwarto ng kapatid ko. Mukhang natunugan naman niya kasi mabilis niyang naisarado ang pinto. At dahil naagapan ko, napihit ko agad ang doorknob dahilan para hindi niya ma-lock ang pinto. Buong lakas ko rin na itinulak ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Nang tangkain niyang pumasok sa banyo ay mabilis ko siyang dinambahan at walang tigil na kiniliti. Siya naman ay tuloy lang sa pagpiglas at pagtili.

"Ayoko na! Ate!"

Nang mapansin ko'ng namumula na ang mukha niya ay tumigil na ako. Natawa ako sa hitsura ng kapatid ko. Ang gulo na ng buhok niya at sobrang pula na ng mukha niya. Pero kahit ganoon ay ang cute pa rin niya. Medyo chubby kasi siya at sobrang puti niya kaya mas lalo siya naging cute. Idagdag pa ang height niyang 5 foot flat. Ang kyot ng kapatid ko!

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon