Chapter 26

14K 400 11
                                    

Ariella's POV:

"Okay! Right hand green, left foot yellow!"

"Ano ba ang masamang ginawa ko sa buhay at pinaparusahan ako ng ganito?!" exaggerated na bulalas ni Alex.

"Oh, would you stop complaining and start moving? Nangangalay na ako!" buska naman ni Crimson.

"Sandali nga! Ang layo kasi!"

"Come on, guys! Ginusto niyo ang larong ito, panindigan niyo!" sigaw naman ni Alice habang pilit na inaabot ng kamay niya ang kulay green na dot sa board.

"Utang na loob! Pag hindi pa kayo gumalaw pare-pareho ko kayong babalian ng buto!" nanggagalaiti naman na sabi ni Eunice habang pilit din niyang inaabot ng paa niya ang kulay yellow na dot.

"Mommy!" mangiyak-ngiyak na sabi naman ni Alexis.

Napatawa na lang ako ng malakad habang pinapanood namin sina Alex, Alice, Crimson, Alexis, at Eunice na parang ewan na habang naglalaro sila ng Twisters sa sahig ng sala sa bahay nina Alex. Kasama rin namin ang mag-asawang sina Jemimah at Richiel. Hindi naman na ganoon ka-sensitive ang pagbubuntis ni Richiel kaya nakabiyahe rin sila papunta sa Lucban. Si Jemimah ang naatasang mag-ikot ng roleta para sa laro.

"Sino ba kasi ang naka-isip ng larong iyan?" natatawang bulong sa akin ni Richiel nang umupo ako armrest ng single sofa na inookupa niya. Prente kasing nakahiga si Jemimah sa mahabang sofa habang hawak ang roleta at wala din naman akong ibang mauupuan kasi isinantabi ang ilang upoan sa isang tabi para mailatag ang malawak na board na puno ng iba't-ibang kulay. Halos okupado na nga niyon ang buong sala. Pati iyong coffee table nailipat nila sa isang bahagi ng kusina para lang mas lumawak pa ang espasyo.

"Edi iyang asawa mo. Nakita kasi niya iyong kahon ng Twisters sa ilalim ng TV kaya ayan. Ang lakas ng loob mag-aya ng laro pero hindi naman pala kasali," iiling-iling na sabi ko.

"Oy! Kasali kaya ako! Kita mo ito?" angal ni Jemimah sabay turo sa hawak na roleta. "Nakakapagod din kaya ito," reklamo niya.

Pareho kaming napa-ingos ni Richiel. "Utot mo. Mas pagod kaya iyang limang iyan kasusunod sa instructions mo. Ikaw kaya ang makipagbuhulan ng buto diyan sa board para malaman mo ang totoong definition ng pagod," nakataas ang isang kilay na sabi ko naman.

"Jeez! Oo na—"

"Oy, Jem! Ano na?! Ngalay na kami dito!" reklamo ni Eunice.

"Sandali! Left hand blue, right foot red!"

Napailing na lang ako saka minasahe ang sentido ko. Hindi ko naman akalaing ganito pala kakomplikado ang larong iyon. I never should have agreed to them in the first place.

Nagbilang ako hanggang sampu. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng magkakasunod na reklamo. Maya-maya pa ay narinig namin ang masayang pahayag ni Alice na "I won! I won!" kasunod ang malakas na tawanan.

Nagkatinginan naman ni kami ni Richiel. Maya-maya pa ay nakisabay na kami sa tawanan nila.

"Ma'am Ariella, may bisita po kayo."

Kunot ang noong napatingin ako sa katulong. "Sino po?" tanong ko. Wala naman akong ine-expect na bisita. Nakakapagtaka rin na nalaman ng kung sino man iyon na nandito ako sa bahay ni Alex.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon