Chapter 3

20.7K 673 65
                                    

Ariella's POV:

"She called you baby, Elle! She called you baby!"

Napangiwi ako sa pagtili ni Eunice habang nagmamaneho siya. Since hindi naman ako puwedeng mag-drive dahil nahihilo pa ako, si Eunice na muna ang nagmaneho ng sasakyan ko.

"Would you shut up? Bumabalik ang sakit ng ulo ko dahil sa nakakairita mong boses," reklamo ko. Totoo naman kasi. Ang sakit kaya sa eardrums ng klase ng pagtili niya.

"Sowi!" sabi naman niya saka nag-peace sign. Pero halata pa rin na pinipigilan niya ang kilig na gustong umalpas sa katawan niya.

Napailing na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Admit it or not, kinilig din ako sa gesture na iyon ni Alex. Though expected ko nang hindi siya papasok sa klase niya hangga't hindi niya nasisiguradong ayos na ang kalagayan ko. Iyon din ang problema sa batang iyon. Minsan, ang dali niyang basahin kaya madali ko'ng nalalaman kung ano ang susunod niyang gagawin.

Minsan talaga may nagagawang matino ang pangungulit niya sa akin. Kung umalis na siguro siya sa office ko, malamang hanggang ngayon ay nakahandusay pa rin ako doon at walang nakakaaam.

Nang makarating kami sa bahay ay pumunta na agad ako sa kuwarto ko at nagbihis ng pambahay. Si Eunice naman ay ni-ransack agad ang kusina ko.

"Wala ka ba'ng pasok?" tanong ko sa kanya pagkababa ko sa kusina. Siya kasi ang bagong branch manager ng BDO sa Lucena.

"Meron. Mamaya pa namang 10. Ipagluluto muna kita ng makakain," sagot niya saka naglabas ng kung ano'ng mga rekados mula sa ref.

"Ayos na ako. Ako na ang bahala dito."

"Nah! Hayaan mo na ako. Tsaka mukhang hindi ka pa okay. Magpahinga ka na muna. Tawagin na lang kita kapag ready na."

Hindi na lang ako nagsalita at tumuloy na sa sala. Tinatamad din naman ako'ng magluto kaya hinayaan ko na lang siya. Pagkaupo ko sa sofa ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ko'ng may tumatapik sa pisngi ko.

"Hey, sleepyhead. Wake up." Si Eunice.

Dahan-dahan ako'ng bumangon saka nag-inat. Hindi na ganoon kasama ang pakiramdam ko. "Aalis ka na?"

"Yup! Pinagluto kita ng sinigang. Nagsaing na rin ako kaya wala ka nang alalahanin. Kumain ka tapos uminom ng gamot tsaka magpahinga, ha?" sunud-sunod na sabi niya.

"Opo, Mommy," sarkastikong sabi ko sa kanya. Nabatukan tuloy ako.

"Diyan ka na. Alis na ako," sabi niya saka humalik sa pisngi ko. "Kumain ka na doon. Ako na ang magla-lock ng pinto," sabi pa niya saka umalis na.

Nang makaalis na si Eunice ay pumunta na ako sa kusina at tinignan ang niluto niya saka tinikman iyon. Walang palya. Masarap pa rin talaga siyang magluto. Kaya hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit Accountancy ang kinuha niya at hindi Culinary Arts. Hilig na niya ang pagluluto noon pa man. Pangarap pa nga niyang maging chef. Ang gulo din mag-isip ng babaeng 'yon.

At dahil masarap ang luto ng best friend ko, ginanahan tuloy ako'ng kumain.

~•~•~•~•~

Sunud-sunod na katok mula sa pinto ang nagpagising sa natutulog ko'ng diwa. Nang mapatingin ako sa alarm clock ko ay nakita ko'ng alas-onse na ng umaga. May tatlo'ng oras din pala ako'ng nakatulog pagkatapos ko'ng kumain at uminom ng gamot.

Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganito kaaga? Wala kasi ako'ng ine-expect na pupunta ngayon dahil lahat sila ay busy sa kani-kanilang trabaho. Imposible naman ang mga magulang ko dahil matagal na nilang kinalimutan na may anak sila simula nang maghiwalay sila.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon