Chapter 4

20.9K 630 29
                                    

Alexandra's POV:

"I don't believe in love anymore..."

Napabuntong-hininga ako habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Ariella pagkatapos ng encounter namin sa ex niya na nagkataong personal psychologist ng kapatid ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pilit niya ako'ng itinataboy palayo. Takot siya. Hindi man niya sinabi sa akin ang buong nangyari sa pagitan nila ng ex niya, alam ko'ng malaki ang naging epekto niyon sa kanya kaya nasabi niyang hindi na siya naniniwala sa love.

Napatingin ako sa kanya habang busy siya sa pagle-lecture sa unahan. Strict mode na uli siya. Gaya ng lagi niyang ipinapakita tuwing nagtuturo siya.

Naalala ko na naman noong unang beses ko siyang makita two years ago. Casual wear lang ang suot niya ng araw na iyon dahil wash day naman. Iyon din ang unang beses na naka-attend ako sa klase niya dahil late enrollee ako. Transfer student ako mula sa UCLA kung saan ako nakabase noon. At iyon din ang unang beses na tinamaan ako ng husay sa isang babae sa unang pagkikita pa lang.

Proud ako sa sexual preference ko. Masaya din ako kasi tinanggap ng parents ko kung ano talaga ako. Kaya nang makilala ko si Ariella ng maayos ay sinimulan ko nang kulitin siya. Lagi ako'ng nakatambay sa labas ng office niya para dalhan siya ng kape sa umaga. Minsan ay tinutulungan ko rin siya sa pagdadala ng mga gamit niya. Masaya naman ako kasi naa-appreciate niya ang efforts ko.

Kaso nang sabihin ko sa kanyang liligawan ko siya ay bigla naman siyang lumayo sa akin. Hindi na niya ako pinapansin. Madalas na niya ako'ng iniiwasan. At sasabihin niya na tigilan ko na siya.

Pero dahil dakilang matigas ang ulo ko, gumawa pa rin ako ng paraan para mapansin niya. Ginawa ko na lahat. Kahit nga ang panti-trip ko sa kanya ginawa ko na.

Nag-iwan ako ng tarantula sa opisina niya. Naglagay ng pekeng ahas sa bag niya. Nagkunwaring multo sa opisina niya. At ginamit ko pa ang alagang daga ni Crimson at inilagay iyon sa sasakyan niya. Ang sama ko, ano?

In fairness naman umubra ang lahat ng pananakot ko sa kanya. Wala din siyang nagawa sa mga pangungulit ko sa kanya at hinayaan na ako. Wala din namang maniniwala dahil hindi naman talaga siya interesado sa akin. Ako lang talaga ito'ng makulit.

Hanggang sa ginawa ko ang bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. I so badly wanted her to be mine and mine alone na umabot na sa puntong hinalikan ko na siya. Hindi lang kasi talaga ako makapaghintay na dumating na ang graduation na dalawang buwan na lang ang layo. Pero excited din ako na dumating ang araw na iyon dahil magagawa ko na ang mga gusto ko kung saan hindi na maaapektuhan ang trabaho niya. Wala namang batas na nagsasabing hindi ko puwedeng pormahan ang former professor ko. Hindi na iyon sakop ng school kaya wala na silang pakialam kung mag-date man kami ni Ariella.

"Alex?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses niya. Sa tagal ko'ng nag-space out di ko namalayan na tapos na pala ang klase.

"Ayos ka lang ba?" kunot ang noong tanong niya.

Nginitian ko naman siya saka kinuha ang kamay niya at hinalikan iyon. "Date tayo," sabi ko dahilan para makatikim ako ng tampal sa noo. "Aw."

"Puro ka kalokohan. Umalis ka na at male-late ka sa susunod mo'ng klase," sabi niya saka naglakad na pabalik sa harapan ng whiteboard at binura ang mga nakasulat doon.

Napatitig ako sa kabuoan niya. Simpleng black slacks at white blouse na pinaresan ng itim na three inch heels ang suot niya pero ang sexy pa rin ng dating. Naka high ponytail naman ang buhok niya dahilan para lumabas ang maputi at makinis niyang leeg. Pero ang talagang nagpa-sexy sa kanya ay ang suot niyang salamin sa mata. Manipis lang ang rim niyon kaya bumagay talaga sa kanya. Dahil doon kaya mas lumabas ang pagiging istrikta niya. Kaya nga siya nabansagang terror ay dahil wala siyang patawad sa mga estudyante niya. Nakakatakot siyang magturo, sa totoo lang. Pero alam ko'ng ginagawa lang niya iyon dahil gusto niyang matuto ang mga estudyante niya. Effective naman dahil takot lang nila na bumagsak.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon