Chapter 23

16.7K 461 21
                                    

Ariella's POV:

"Okay ka lang?"

Bigla akong napatingin kay Alex nang magsalita siya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Oo naman. Bakit?" tanong ko naman saka muling binalingan ang pagkain ko. Nandito kasi kami sa food court ng SM para sa tanghalian. Ngayon na kasi ako bibili ng cellphone kapalit ng naiwala ko sa bus. Hindi ko tuloy maiwasan ang manghinayang. Maayos pa naman kasi iyon gamitin at halos dalawang taon na iyon sa akin.

"I don't know. Kanina ka pa kasi tahimik habang nasa biyahe tayo," sagot niya. "Dahil ba iyon sa babaeng nakita natin kanina sa tapat ng bahay mo?"

Natigil ako sa tangkang pagsubo ng kanin dahil doon. Bigla ay nawalan ako ng gana. Bakit ba kasi kailangan pa niyang ipaalala iyon?

"Kalimutan mo na iyon," malamig na sabi ko sabay tayo. "Magsi-CR lang ako."

"Elle..."

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at dire-diretso lang na naglakad. Nang makarating ako sa pinakamalapit na CR ay sakto naman na kakaunti lang ang mga tao sa loob at maraming bakante na cubicle. Mabilis na pumasok ako sa isa at ikinulong ang sarili doon.

Bakit mo ba kasi kailangang bumalik?! Bakit ka pa nagpakita?! Gusto kong isigaw. Pero kahit yata magwala pa ako dito ay hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko sumisikip ang mundo ko. Nag-decide na akong huwag nang ituloy ang pinaplano ko. Na hayaan na lang ang karma na dumating sa buhay nila. Pero buwisit lang. Kung kailan nag-decide na akong tumigil ay saka pa sila nagpakita sa akin. Kung kailan handa na akong kalimutan sila at magpatuloy sa buhay ko ay saka pa sila manggugulo. Nakakagago na ewan lang, eh.

Naalala ko na naman ang nangyari si resort noon. Na sa gitna ng kasiyahan ko ay siya namang pagsulpot nila. They completely ruined everything just by their mere presence.

"Pagkakataon lang ang hinihingi namin, anak. Ang makausap ka. Iyon lang. Pagkatapos nito hindi na uli kami magpapakita sa'yo."

Chance, my ass! Anim na taon lang ako noong inabandona nila ako at ipinamigay kung kani-kanino. Tapos kung makahingi ng pagkakataon ang mga ito parang ganoon lang kadali. Sino ba sila sa akala nila? Na porke nagkabalikan na sila ay magiging ayos na ang lahat? Na basta ko na lang kalilimutan ang mga nangyari para mabuo uli kaming pamilya? Balewala lang ako sa kanila noon. Tapos ngayon kung kailan maganda na ang posisyon ko sa buhay saka naman sila babalik para ano? Para mabuo uli ang pamilya namin? Putangina lang! Sino ang pinaglololoko nila?

I've always despise my parents from the moment I figured out that they didn't want me in their lives. Kasi kung gusto nila na mabuo ang pamilya namin, sana hindi na nila ako ipinamigay sa kung kanino noon. Hindi dapat nila ako pinabayaan. At sa murang edad, hindi ko dapat naranasan ang mga pasakit at pagpapahirap na natamo ko sa mga taong pinagkatiwalaan nilang mag-aalaga sa akin. I was just so small back then and helpless. Walang alam sa takbo ng buhay. Hindi pa alam kung ano ang mga kalakalan sa paligid. But still, I was thankful that Lola Amelia saved me from those people who almost killed me. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko mararating kung ano ako ngayon.

"Elle? Nandito ka ba?"

Mabilis kong pinunsan ang luhang malapit nang matuyo sa pisngi ko gamit ang panyo. Ayokong ma-involve si Alex sa problema ko sa pamilya ko kahit na alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para tulungan ako. Tama nang ako na ang umayos ng gusot sa pagitan namin ng mga magulang ko.

Nang masigurado ko nang ayos na ang hitsura ko ay saka lang ako lumabas ng cubicle na inookupa ko. Nakita ko si Alex na nakasandal sa pinto pero mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon