Chapter 21

15.4K 475 6
                                    

Alexandra's POV:

"Nasaan si Ariella, Alice? Hindi ba't magkasama kayo kanina?" tanong ni Clover kay Alice habang nakaupo kami sa may dalampasigan. Maglalaro kasi kami ng beach volleyball at hinihintay na lang namin si Ariella.

"Huh? Hindi ko ba kasunod? Sabay kaming lumabas ng cottage, eh," kunot ang noong sabi naman ni Alice.

Kumunot na rin ang noo ko saka lumingon sa cottage na inookupa namin ni Ariella. "Babalikan ko lang siya. Baka may inaasikaso lang," sabi ko naman saka tumayo na. Malapit na ako sa cottage nang makita ko si Ariella di kalayuan doon. At may kausap siyang babae na sa tantiya ko ay halos kaedad lang ni mommy. At mukhang hindi maganda ang tinatakbo ng usapan ng dalawa. Halatang nag-aaway sila. Kita ko rin ang galit na nakabalot sa ekspresyon niya.

Natigil ako sa paglakad papalapit sa kanila nang mapatingin sa direksyon ko si Ariella. Ang kaninang galit sa kanyang mga mata ay unti-unting nawala. All there's left was...sadness.

Muli niyang nilingon ang babaeng kausap. May mga sinasabi siya sa babae na hindi ko naman maintindihan. Nagsimula na uli akong maglakad papalapit sa kanila. Pero sakto naman na papalapit naman sa akin si Ariella. Her expression is unreadable.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.

Tumango lang siya saka nilampasan ako. Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa cottage. Humiga siya sa kama saka nagtalukbong ng kumot.

"Tell the guys I'm sorry. Wala na ako sa mood maglaro," bulong niya na sapat lang para marinig ko.

Isinara ko naman ng maayos ang pinto saka ni-lock iyon bago ko siya nilapitan at niyakap sa likod.

"You can always tell me anything," bulong ko sa kanya.

"Not now, Alex. Please. I... I need some time alone."

Kahit labag sa loob ay nirespeto ko ang gusto niya. Ramdam ko na kilala ni Ariella ang babae base sa pag-aargumento nila kanina. Saka ko na lang aalamin kapag handa na siyang maghopen sa akin. For now, I'll give her some time alone.

"Okay. Nandoon lang ako sa labas kapag may kailangan ka," bulong ko naman saka hinalikan siya sa sentido. Nang makalabas ako ng cottage ay sakto namang nandoon sina Alice, Crimson, Clover, at Alexis. Base sa ekspresyon sa mga mukha nila, nakita din nila ang nangyari.

"She needs some time alone. Hindi na siya makakasali sa laro," sabi ko sa kanila bago pa man sila makapagtanong.

Ipinagkibit na lang nila iyon ng balikat saka bumalik na sa dati naming pinagpuwestuhan kanina. Ang naglaro na lang ay ang magkapatid samantalang nagchi-cheer lang sa isang tabi sina Alice at Alexis. Ako naman ay maya't-maya napapalingon sa cottage kung nasaan si Ariella. At hindi ko maiwasang mag-alala.

Simula noon naging tahimik at iwas na si Areilla sa amin. Ilang beses akong bumisita sa bahay niya pero lagi na lang siyang wala. Sinubukan ko namang tawagan siya pero hindi naman sumasagot. Nagsisimula na akong balutan ng takot. Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong bumuntong-hininga habang sinusubukan kong kontakin siya. I miss my girl so much. Halos isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin kaya nag-aalala na ako masyado.

"Answer me, please. Answer the call," bulong ko habang pinapakinggan ang pag-ring sa kabilang linya. Kanina pa iyon pero hindi niya sinasagot hanggang sa tuluyan na iyong naputol. "Buwisit!" bulalas ko saka ibinato sa kama ang cellphone. Nasabunutan ko na lang ang sarili saka padabog na umupo sa kama.

"Ate? Ate Alex?"

Napatingin ako sa pinto nang sunud-sunod na kumatok doon si Alexis habang tinatawag ang pangalan ko. Padabog na tumayo ako mula sa kama at pabalag na binuksan ang pinto.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon