Chapter 6

18.4K 558 25
                                    

Ariella's POV:

Pagpasok ko sa Annie's Sweet Haven Café ay naabutan ko si Eunice na nagpapakalunod sa kape. Nakasuot pa siya ng usual na attire niya sa bangko kaya paniguradong doon siya galing. Naiiling na nilapitan ko siya saka tinapik siya ng marahan sa ulo. Napataas naman ang kilay ko nang makita ko'ng problemado siya.

"Anyare sa 'yo?" tanong ko sa kanya.

"Bumalik siya," parang batang sumbong niya saka sumubsob sa lamesa.

Kumunot naman ang noo ko. "Sino'ng bumalik? Tsaka umayos ka nga. Wala ka sa bahay mo," sabi ko.

"Si Sigourney, bes. Bumalik na siya," sabi naman niya.

Lalo'ng lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. "Sino'ng Sigourney?" tanong ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. Kapagkuwan ay umungol siya saka muling sumubsob sa lamesa.

"Gosh. Hindi mo nga pala alam," bulong niya na nakaabot naman sa pandinig ko.

"Ano'ng hindi ko alam. Ayusin mo nga iyang mga sinasabi mo." Nagsisimula na ako'ng mairita sa babaeng ito. Ang gulo kausap. Hindi na lang magpaliwanag ng maayos. "Sino ba kasi ang Sigourney na 'yan at kung magreklamo ka parang takot ka. At ayusin mo ang sagot mo kung ayaw mo'ng layasan kita dito," banta ko.

"Eh.. Kasi.."

"Eunice, isa."

"She's my ex."

Napatanga ako sa kanya habang hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nang tuluyan ko'ng naunawaan ang sinabi niya ay napapalatak ako.

"Ex mo ang Sigourney na 'yon? Kelan? At bakit ngayon mo lang sinasabi ito sa akin?" di makapaniwalang sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa sentido niya. "Matagal na rin naman kasi iyon. Bago pa man tayo nagkakilala. Iniwan niya ako sa ere noon kaya napagdesisyunan ko'ng kalimutan na lang siya. Kaya hindi ko na nabanggit sa 'yo ang tungkol doon. Pasensya na," sagot niya saka nilaro ang rim ng mug.

"Lesbian ka ba o bisexual man lang?" tanong ko.

"Bisexual, I guess. Pero si Sigourney ang lesbian," sagot niya.

"And she's back?" Tumango siya. "Ano naman ang kailangan niya sa 'yo at pinagtataguan mo siya?"

Bumuntong-hininga siya. "She wants me back, Elle. She wants me back like she didn't do anything wrong back then. Kaya parang tanga na ako kung pagtaguan siya. Nahihirapan na kasi ako. Idagdag pa na nagsisimula na si Tianna na pormahan ako. Kainis!"

Napapantastikuhang napatitig ako sa kanya. "Ibang klase din, ano? Paputulan mo na kaya 'yang buhok mo. Masyado nang mahaba," pang-aasar ko habang nakangisi.

"Ugh! Elle, naman! Tulong ang kailangan ko at hindi pang-aasar," reklamo niya.

Naiiling na napatawa na lang ako. Kilala ko ang Tianna na sinasabi niya. Isa siya sa mga Teller sa bangko na pinapasukan ni Eunice. Minsan ko na rin siyang nakita noong pumunta ako doon para magdeposito ng pera. Maganda naman siya pero boyish ang dating. Kaya hindi na ako nagulat nang pormahan niya si Eunice.

"Elle, ano ang gagawin ko. Kahit ano yata ang gawin ko'ng pag-iwas kay Sigourney ay nahahanap at nahahanap niya ako. Ito namang si Tianna panay ang lambing sa akin sa office. Jusko! Naloloka na ako sa kanila sa totoo lang. Parang ayaw ko nang bumalik sa bangko."

Napatawa na naman ako ng mahina. "Hayaan mo na lang sila. Kahit ano naman kasi ang gawin mo kukulitin at kukulitin ka nila. Lalo na ngayon at apektado ka masyado. Hayaan mo na lang, okay? Magiging okay din 'yan at masasanay ka pagtagal," sabi ko na lang.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon