Chapter 12

16.4K 535 36
                                    

Ariella's POV:

Paglabas ko ng sasakyan ay dahan-dahan akong nag-inat. Hindi naman ganoon kahaba ang pagmamaneho ko pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Si Sigourney kasi ang nagmaneho ng sasakyan ko habang pauwi kami ng Quezon pagkagaling kina Jemimah sa Calamba. Sa Lucena na kami dumiretso para hindi na mamamasahe pa sina Eunice kung dito kami sa Lucban tumuloy. Kaya ko naman na magmaneho kaya mag-isa na lang akong umuwi ng Lucban.

Bigla ay naalala ko ang naging pag-uusap namin ni Lance kanina. Di ko napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa aking labi. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ayos na kami. Na nalinaw na ang mga dapat linawin sa pagitan namin. At nakuha ko rin ang kapayapaang hindi ko inakalang kailangan ko pala. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Napatingin ako sa kabuoan ng apartment ko. Bukas pa ang ilaw sa sala. Napailing ako. Baka nandoon na naman si Alex. At pagkabukas ko ng pinto, hindi ako nagkamali. Nakahiga kasi si bata sa sofa at halatang nakatulog na. Napangiti ako. Sobrang ganda ng batang ito pero mas pinili niyang magustuhan ang isang kagaya ko. Kung tutuusin maraming babae pa ang magkakandarapa sa kanya na puwede niyang magustuhan. Pero heto siya. Nagtitiyaga sa isang katulad ko.

Ano ba kasi ang nakita mo sa akin? Bakit ba inuubos mo ang oras mo sa isang kagaya ko? Bakit sa dinami-rami ng babae na puwedeng magkagusto sa 'yo, sa akin mo lang ibinuhos ang lahat ng atensyong iyon? Bakit ako?

Nakangiting napailing na lang ako saka marahang hinaplos ang buhok niya. Kahit ano yata ang gawin kong pagtatanong, wala akong makukuhang sagot.

Kinuha ko ang kumot na nakasampay sa armrest ng sofa at ikinumot iyon sa kanya. Kapagkuwan ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nang mapatingin ako sa lamesa ay nakita ko ang mga pagkain doon na may takip. Nang buksan ko ang mga iyon ay may nakita akong sticky note. Nang mabasa ko iyon ay napangiti ako.

Cooked this just for you! –Alex

Nakagat ko ang labi ko para pigilin ang sariling impit na mapatili. Aminin ko man o hindi ay talagang kinilig ako dahil sa effort niyang ito kahit na alam niyang gagabihin ako ng uwi. This girl never really fails to amaze me.

Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang maramdaman ko ang mga brasong yumakap sa bewang ko mula sa likod. Nang mapag-alaman kong si Alex iyon ay napabuga na lang ako ng hangin.

"Stop sneaking in like that! Ginugulat mo ako," reklamo ko.

"Sorry," bulong niya saka ipinatong ang baba sa balikat ko. Halata sa boses niya ang antok. "Kumain ka na?"

Umiling lang ako. "Ikaw? Kumain ka na ba?" Umiling din siya kaya napaharap ako sa kanya. "Bakit hindi ka pa kumakain, eh, alam mo namang gagabihin ako? Tignan mo, pasado alas-dies na," sermon ko.

"Hinintay kasi kita. Gusto ko kasi sabay tayong kakain," dahilan niya.

Tinignan ko naman siya ng masama. "Paano pala kung hindi ako nakauwi? Eh di, natulog ka'ng gutom? Alex naman. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo," may himig ng pag-aalalang sermon ko sa kanya.

"S-sorry. Hindi na mauulit uli," nakatungong sabi niya.

Napabuntong-hininga naman ako saka hinawakan ang mga kamay niya. "Huwag ka na uling magpapagutom, ha? Kapag late na at wala pa rin ako, huwag mo na akong hintayin at kumain ka na. Besides, makakabawi naman ako sa 'yo kapag nandito na ako. Kapag ginawa mo uli ito, makokonsiyensya na talaga ako. Sige ka," sabi ko sa kanya.

"Hindi na uli ako magpapagutom. Promise! Sorry talaga," sabi niya saka yumakap sa akin.

Yumakap naman ako pabalik. "Huwag kang mangako. Basta gawin mo. Malinaw?" Sunud-sunod naman siyang tumango kaya napangiti ako. "Mabuti. Kumain na tayo."

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon