Chapter 5

19K 634 41
                                    

Ariella's POV:

Nakangiting sinalubong ko sina Jemimah at Richiel nang makababa sila mula sa ferry na sinakyan nila mula pa sa Romblon. Tinulungan ko na rin sila sa pagdadala ng gamit nila kahit kakaunti naman.

"Ano ang ginawa niyo sa Romblon at pumunta kayo doon? Second round of honeymoon?" tanong ko habang inilalagay sa back compartment ng sasakyan ko ang mga gamit nila.

"Puwede rin. Kaso hindi. May mga tinulungan kasi kami," sagot ni Jemimah. Si Richiel naman ay sumakay na sa backseat.

"Sino?" kunot ang noong tanong ko saka sumakay na sa driver's side. Si Jemimah naman ay sa passenger's side naupo.

"Mas mabuti nang wala ka'ng alam para di ka na madamay. Kliyente kasi ni Cashmere iyon at confidential masyado ang topic. Sana maintindihan mo," paliwanag niya.

Tumango-tango naman ako. "Get it. Lawyer's thing," nakangiting sabi ko naman saka pinaandar ang sasakyan paalis ng Batangas port. "Saan kayo uuwi? Sa Calamba o Lucena?"

"Sa Calamba. May trabaho pa kasi ako'ng dapat tapusin. Si Richiel naman hindi ko muna pagtatrabahuhin sa bistro."

"Bakit? May problema ba?" tanong ko saka sinilip si Richiel sa rearview mirror.

"Well, not a problem. But a blessing," sagot naman ni Jemimah.

Kumunot lalo ang noo ko. "Blessing? What bless—Oh my, God! You're pregnant?!" gulat na tanong ko. Ipinarada ko muna sa isa'ng tabi ang sasakyan saka tinignan ang mag-asawa.

"Four weeks," sagot naman ni Richiel saka bahagyang namula ang mukha.

Napatili naman ako sa tula saka hinampas-hampas pa si Jemimah sa braso. "Grabe! Congrats! Masuwerte kayo kasi successful ang artificial insemination na ginawa ninyo. Madalas kasi hindi nagiging successful ang ganyang operation. But I'm happy for the two of you," natutuwang sabi ko.

"Halata nga. Binugbog mo kasi ang kawawa ko'ng braso," nakangiwing sabi naman ni Jemimah habang minamasahe ang braso niyang pinaghahampas ko kanina.

Nag-peace sign naman ako. "Sorry. Na-excite lang ako," sabi ko naman saka ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Masuwerte sila kasi nahanap na nila ang kaligayahang nararapat sa kanila. Sino ang mag-aakalang dahil lang sa "mapusok" na galawan ni Jemimah ay nahanap niya ang forever niya? Ibang klase din ang da moves ng babaeng ito.

Bigla ko tuloy naalala ang batang iyon. Ibang klase din ang galawan makuha lang ang gusto. Seryoso, ano ba ang meron sa akin at pilit ako'ng hinahabol ng makulit na batang iyon?

Tahimik lang kami sa buong biyahe. Tahimik lang si Jemimah sa tabi ko habang nakatingin sa labas samantalang nakatulog na si Richiel sa likod. Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng sabihin o itanong kay Jemimah ito'ng gumugulo sa akin. Kaso mahirap din na itago na lang ang mga iyon. Ewan ko ba. Naguguluhan na ako sa sarili ko.

"Jem?"

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim habang nakatuon ang atensyon ko sa daan. Here goes nothing. "Sa tingin mo ba dapat ko'ng bigyan ng chance si Alex para pumasok sa buhay ko?"

"Alex? Iyong estudyante mo? Iyong sinundan ka pa sa Calamba para pag-trip-an ka?" Tumango naman ako. "Seryoso pala talaga siya sa 'yo?"

Nagkibit lang ako ng balikat. "Hindi ko rin naman siya mapigilan, eh. Pursigido talaga siya sa gusto niyang gawin sa akin," sagot ko naman.

"Medyo komplikado 'yan, Elle. Lalo na't estudyante mo siya. At isa pa, alam ko kasi na malaki ang naging epekto sa 'yo ng breakup niyo ni Lance."

Nagkibit lang ako ng balikat. "I don't know. Madami pa rin kasing gumugulo sa akin kaya kahit ako ay hindi sigurado sa sarili ko."

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon