Epilogue

21.9K 573 61
                                    

Ariella's POV:

"Alexandra Warren! Bilisan mo na diyan at male-late na tayo!"

"Wait! I can't find my tie! Have you seen it?"

"Nasa vanity. Doon ko ipinatong!"

"Got it!"

Ilang beses ko pang tinignan ang sarili ko sa salamin para masiguradong ayos na ang makeup ko bago ako umayos ng tayo. Nang mapaharap ako sa hagdan ay siya naman itong pagbaba ni Alex habang inaayos niya ang pagkakatali ng necktie niya. Napailing ako kasi mali ang pagkakatali niya.

"Ako na," sabi ko sa kanya sabay tampal sa kamay niya. Nang maitali ko ng maayos ang necktie niya ay saka ko lang siya pinasadahan ng tingin. And I must say, ang ganda niya lalo sa suot na three piece suit.

"What?" nakangising tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Umiling naman ako. "Nothing." Kinuha ko na ang clutch bach ko saka nagpatiuna nang lumabas ng pinto papunta sa garahe kung saan nakaparada ang sasakyan ni Alex.

"What? No compliments whatsoever?"

Tinaasan ko siya ng kilay nang lingunin ko siya. "Huwag na. Baka mas lalo pang lumaki ang ulo mo."

"Ouch. Pasalamat ka mahal kita."

Tinawanan ko naman siya. "I love you, too. Now open this car because we really need to go."

"As you wish, love."

Nakahinga ako ng maliwag nang makarating kami ni Alex sa simbahan five minutes bago magsimula ang wedding ceremony. May oras pa kami para makapagpahinga.

"Ang weird lang," maya-maya ay bulong ni Alex sa akin.

"What is?" tanong ko sa kanya habang ka-text ko si Eunice.

"Ni sa hinagap hindi ko naisip na maiimbita tayo sa kasal ng ex mo at ng former nemesis mo sa San Luis. Hindi ko rin naisip na sila rin pala ang magkakatuluyan sa huli. Paano nangyari iyon?"

Pinigil ko na mapatawa ng malakas dahil sa tanong na iyon ni Alex sabay kibit ng balikat. Malay ko bang magkakatuluyan sina Lance at Audrey. Hindi ko nga alam na nagkikita na pala sila. Tapos ngayon, heto at ikakasal na sila. Miski ako nagulat nang bigla akong bigyan ni Audrey ng wedding invitation nang minsang magkasabay kami sa pagkain sa cafeteria. And of all people, si Lance pa talaga ang groom. Kung paano, saan, at kailan sila nagkita at nagkakilala ay hindi ko alam.

But I'm happy for them. Me and Lance may have a rough past but we sort things out already. Both of us had already moved on at pareho na kaming masaya sa aming sariling partner. Si Audrey naman. Well. Let's just say na nagkaayos na kami after that last confrontation. Hindi ko masasabing magkaibigan na kami since hindi naman kami gaanong nagkakausap whenever we see each other on campus. Pero wala na ang dating samaan namin ng tingin sa tuwing nagsasalubong ang mga mata namin. We greet each other here and there but that's it. We're just mere colleagues who works at the same college grounds.

"Line up na po tayo! Magsisimula na ang ceremony!" pukaw sa amin ng wedding planner na kinuha ni Audrey kaya pareho na kaming tumayo ni Alex at naglakad papunta sa linya namin.

The ceremony went well. Habang pinagmamasdan ko sina Lance at Audrey, kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. No wonder they took the next step after almost a year of relationship. And when the priest announced them as husband and wife and for the groom to kiss the bride, all of us stood up and gave the newly weds a round of applause.

Nakakatuwa silang pagmasdan habang patuloy pa rin sa pagpalakpak ang mga tao bilang pagbati sa mga bagong kasal. And I can't help but imagine what it's like to be married to Alex. Halos isa't kalahating taon pa lang naman ang relasyon namin but I can't help but imagine what would be like my future with her. Well, we're practically living together under the same roof since we celebrated our first year anniversary. And against my better judgment, wala na akong nagawa kundi umalis sa apartment ko just to live with her since hassle nga naman kasi madalas pang matulog si Alex sa bahay ko kesa sa bahay niya. Doon na nga siya nakatira kung tutuusin kasi karamihan ng mga gamit niya nasa bahay ko na. So we decided to live in one roof para naman wala nang reklamo. Good thing Lola Amelia and Alex's parents agreed to our decision to live together. Both of us are already in the legal age already. Wala naman sigurong masama doon.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon