Chapter 29

13.3K 357 14
                                    

Ariella's POV:

Napatanga na lang kami ni Alice kina Alex at Crimson habang kumakain kami ng maagang hapunan sa isang malapit na restaurant mula sa resthouse ni Crimson. Para kasing ginutom namin ang dalawa kung makalantak sa pagkain. Palibhasa kasi nasa isang eat all you can restaurant kami kaya kung makalantak ang dalawa akala mo mauubusan sila ng pagkain.

"Tama ba ang desisyon nating sagutin sila?" bulong ko kay Alice habang nakatingin pa rin kami sa dalawa.

"I think I'm starting to doubt that decision now," sagot naman niya.

I just snorted then started eating. Tahimik lang kami bukod sa ingay na nagmumula sa mga kutsara at tinidor na tumatama sa ceramic na plato.

"What are our plans for today?" tanong ko sa kanila nang matapos kami. Alex and Crimson has their satisfied smiles while rubbing their full stomachs.

"Back in the house, nap a little. Then we'll go to the nearest bar and have a nice night out. How does that sound?" suggestion ni Crimson saka umayos ng upo.

Tumango-tango naman kami ni Alice. "Sounds good. I'll just pay our bill so we can go," sabi ko naman sabay tayo.

"No," pigil sa akin ni Alex. "Sit and let me take care of the bills."

Magpoprotesta pa sana ako kaso nakatayo na siya at naglalakad na papunta sa counter. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo. Pero bigla din akong napatayo agad dahil kinailangan kong gumamit ng banyo.

"CR lang ako guys," paalam ko sa dalawa na tinanguan naman nila.

Tumayo na ako habang hinahanap ko ang tumutunog kong cellphone. Sa busy ko sa paghahanap sa cellphone ay hindi ko nakita ang paparating na babae na may dalang tray ng inumin. I was just looking for my phone and the next thing I know I'm drenched with mixture of juice, water, and one that smells more likely soda from my chest down.

"What the-?"

"Shit! I'm sorry!"

Hindi makapaniwalang napailing na lang ako habang nakatingin pa rin ako sa estado ng pananamit ko. Basang-basa talaga ako at nararamdaman ko na ang lagkit na nagmumula sa mga inuming tumilapon sa akin.

"Oh, my! Iris!"

"Elle, are you okay?"

Dahan-dahan lang akong tumango saka nilingon si Alex na nasa tabi ko na. "I'm alright. A little shocked, I guess. But I'm alright," sabi ko sa kanya saka nginitian siya ng tipid.

"Are you sure? You-"

"I'm sure. I promise," I assured her then looked at the couple who's having a little banter because of the incident. Natigilan ako nang makita ko ang pamumula sa noo ng babaeng nakabanggaan ko. "Oh, God! Are you alright?" tanong ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako ng tipid. "I'm okay. Pasensya na at nabasa ka. Hindi kasi kita agad napansin," sagot niya habang sapo-sapo pa rin ang nasaktang noo.

"Are you sure you're okay? Baka kailangan kang dalhin sa ospital?" nag-aalalang sambit naman ng kasama nito.

"Morrisette, I'm alright. Maliit na bukol lang naman ito. Yelo lang ang katapat nito," nakangising sabi naman ng babae.

"Iris naman."

Sandali akong napatitig kay Morrisette. Ilang beses pa akong napakurap-kurap saka muling napatitig sa dalawa. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o talagang nandito ang mga artistang kinababaliwan ni Jemimah.

"Miss? Miss, are you alright?"

"Elle? What's wrong?"

Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin pa rin ako sa dalawang babae. "Ako lang ba o talagang nasa harapan ko sina Lana Parrilla at Jennifer Morrison?" tanong ko naman.

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon