Prologue

68.4K 1.8K 70
                                    

Agrezor Series #1 - The Charm
Agrezor Series #2 - The Curse
Agrezor Series #3 - The Chase
Agrezor Series #4 - The Chain

•••••••••
Different character flaws are present in this story. Also, this story tackles about a certain social issue that you might feel uncomfortable with. You have been warned!
•••••••••

Prologue

Hindi manawa ang luhang nagpapaligsahang mag-unahan sa pisngi ko. Suminghot ako sa hawak kong panyo.

"Akala mo naman anak ni President kung makaiyak. Daig pa ang mga namatayan," bulong ng isa sa mga co-teacher ko na si Ma'am Marissa.

Hindi malabong marinig ko iyon dahil nasa likuran ko lang siya. Gustung-gusto ko siyang harapin pero pinigilan ko ang sarili. Maraming mga estudyante at magulang ang nandito sa paghahatid kay President sa huling hantungan. Hindi tamang mag-eskandalo.

Binuksan ang kabaong at agad nagsilapitan ang pamilya ni President. Nang nagkaroon ng espasyo ay sumingit ako at lumapit. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga Agrezor ngunit binalewala ko ito.

"Daddy..." mahina kong usal. "'Wag kayong mag-alala, hindi ako aalis sa Hasse." Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"What a shameless mistress to call my husband 'daddy'," Mrs. Agrezor whispered.

Lumingon ako at noon ko lang napagtanto na nasa tabi ko ang maybahay ni President. Her soft mien was now shielded with anger. Gumala ang tingin niya bago tumigil sa mukha ko.

"You don't have the right to call him that," she murmured angrily. "Your last day is on Monday. If I were you, it's better not to report for work. You're no longer welcome in our school."

"Hindi po ako aalis sa Hasse—"

Lumipad ang palad niya sa mukha ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Almost everybody gasped in shock.

My face was numb for a jiffy until I felt the pain. Someone grabbed my arm and hauled me away from the grieving crowd. Nakilala ko ang likod ng lalaki, isa siya sa mga pamangkin ni President.

Tumigil kami sa malaking puno ng narra. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Look at me," Kuya Lester commanded.

Marahan kong iniangat ang mukha at sumalubong ang mga mata niyang puno ng pag-aalala sa akin. He gingerly wiped the tears from my face while staring into my eyes.

"Stop crying, Amity. Kilala ka ng mga estudyante mo na matapang."

Napayakap ako sa kanya. He stroked my hair just like how he was used to, an action of an older brother that I always missed and craved for.

"'Wag mo nang pansinin si Tita. She's in distress and still can't accept losing her husband. Just understand her, okay?"

Mariin akong napapikit sa pagpasok ng mga alaala ni President sa isip ko at mas lalong bumuhos ang luha. "Wala na siya. Sabi niya hindi niya ako iiwan."

"Shh," tanging narinig ko kay Kuya Lester.

Wala akong lakas na pumasok sa Hasse pagdating ng Lunes. I felt the sharp stare of some employees as I entered the faculty room.

"Ang kapal talaga ng mukha. Pinagre-resign na siya ni Mrs. Agrezor, 'di ba?" pagpaparinig ni Ma'am Marissa.

Dinaanan ko lang ang table niya at dumeretso sa table ko. I checked my schedule and realized that I still had a lot of papers to review. Requests na ipinadala kay President mula sa iba't-ibang departments.

Ramdam ko ang bikig sa lalamunan ko. Lubos ang pasasalamat ko sa taong tumayo bilang pangalawang tatay ko. He loved me as his own.

Agad kong pinunasan ang tumakas na luha mula sa mga mata ko. Tumutok ang tingin ko sa table kung saan may picture kami ni President.

Gagawin ko po ang lahat ng sinabi mo. Ngayong wala ka na, kailangan kong maging mas matatag pa.

I composed myself before I rose from my seat. Dinampot ko sa table ang mga papeles. Hindi ko kayang basahin ang mga ito sa lugar kung saan napalilibutan ako ng mga taong hindi ko alam kung dapat bang tawaging mga guro.

Sa library ko naisipang pumunta. Inilabas ko ang cell phone at pinag-aralan ang mga dokumento. I set the alarm but made sure it was just going to vibrate.

Nilagyan ko ng mga marka ang dapat aprubahan ni President.

Nag-vibrate ang phone ko tanda na kailangan ko nang umalis ng library at mag-ready sa una kong klase.

"Please get one fourth sheet of paper for our activity," I instructed my students. Kailangan muna nilang gawin ang activity na nai-prepare ko bago kami magbukas ng bagong lesson. Grade 11 Senior High School students ang tinuturuan ko.

"Ma'am, smile! Malulungkot si President niyan—"

"Shh! Don't speak in Filipino!" Ashley shouted that made the class laugh.

Napangiti ako.

"Finally! She smiled, guys!" Lire said heartily.

"OMO!" Sheila shrieked, a student who was fond of KPOP.

Bakas ang saya sa mga mukha nila dahil sa simpleng pagngiti ko. Tatlong estudyante ang tumayo na ikinakunot ng noo ko, nakatago ang mga kamay nila sa likuran nila.

"Ma'am, your smile brightens our day. We don't wanna see you sad," Aris said, handing a red rose to me. "Life is indeed unfair. How can you still be beautiful even when sad?" he asked in a girly voice.

Tuluyan na akong natawa dahil sa kanya. Wala yatang araw na hindi ako nanghinayang kay Aris. He was just extremely handsome to become a gay.

"Right! No'ng nagpaulan ng ganda, sinalo lahat ni ma'am! Unfair!"

"Minus five for not following the classroom rules, Rick!" Mira announced.

We laughed. Binigyan nila akong lahat ng bulaklak.

"Thank you, guys!" I said.

"Anything for you, ma'am!"

Alam kong marami pa ang magbabago sa pagdaan ng mga araw pero sinisigurado kong ang hindi lang ay ang pangako ko kay President. His son would take over his seat tomorrow. Mas masusubok ang tatag ko dahil naabisuhan na ako sa ugaling mayroon ang bunsong Agrezor.

Aegeus Agrezor, the living monster.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon