Chapter 3

36K 1.3K 72
                                    

Chapter 3

"Are you ready to tell me what really happened at school?" Nilingon ako ni Faerie habang palabas kami ng Watson's.

Tipid akong ngumiti at nakuha niya agad ito. Lumabas kami ng Robinsons at dumiretso sa parking. She started the engine but kept glancing at me. Sa peripheral ko ay binuksan niya ang bag at may kinuha siya roon.

Tuluyan ko na siyang nilingon nang iniabot niya sa akin ang pink cat squeeze ball. Tinitigan ko ito bago tinanggap. I smiled while staring at the cute squishy toy.

"Sa'n mo binili?" I started squeezing the ball and closed my eyes.

"Online. It looks like you so I ordered one straightaway."

Natawa ako at nagmulat. Nilingon ko siya na nakapokus na ang mga mata sa daan. "Thank you!"

She just glanced at me again. Inilipat ko sa kanang kamay ang squeeze ball at pinisil-pisil ulit ito.

"Pizza tayo?" tanong niya.

"Sige," sagot ko na nagpangiti sa kanya.

"Dapat pala dumaan tayo sa S&R kanina." Nilingon niya ulit ako. "Ice cream din?"

Tumango ako at mas lumawak ang ngiti niya.

"And nachos?" she added.

"Yes, please," I said.

"Great!" She stopped the car at the famous pizza restaurant and pulled her wallet out of her bag. "Dito ka muna. Wala ka nang ibang gusto?"

Umiling lang ako at tuluyan na siyang lumabas. Habang pinaglalaruan ang bola sa kamay ko ay tumingin ako sa labas. I also rolled down the window and watched the moving vehicles.

Hindi naman ganoong nagtagal si Faerie at binuksan niya ang backseat. Inilagay niya rito ang mga biniling pagkain bago bumalik sa driver's seat. Muli niyang pinaandar ang sasakyan.

"Napakainit!" reklamo niya. "May nag-inarte pang babae sa loob kanina kaya mas lalong nakakainit ng ulo. Nasanggi lang no'ng lalaki ang braso niya, hindi naman sinasadya kung anu-ano na sinabi. Sarap burahin ng kilay ni girl!"

She told me the incident in the restaurant and I just listened. Pagkatapos niya ay nanahimik ulit kami. Ipinasok ko ang squeeze ball sa bag ko at bumaling ako sa kanya.

"Nakita kami ng principal at ni President kanina ni Sir Harold bago ang first subject. May kinailangang puntahan si Sir De Guzman kaya inutusan niya akong samahan si President na maglibot sa school."

Sinulyapan niya ako at alam kong nakikinig siya sa akin. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Gusto mo bang magkagulo sa president's office?" Iniliko niya ang sasakyan bago niya ako nilingon ulit.

Mukha mang biro pero may kakayahan siyang gawin iyon.

"I'm okay, love."

"You're not." Ibinalik niya ang tingin sa daan, humigpit ang hawak sa steering wheel. "Let's resign tomorrow."

"Hindi ako pwedeng umalis sa Hasse."

Mas sumeryoso pa ang mukha niya. "Working at Hasse will do no good, Amity. Ang dami pang school d'yan na pag-aagawan ka."

She was right, but I could not break a promise to someone dear to me.

Natahimik ako hanggang sa nakarating na kami sa apartment. Nauna siyang lumabas at sumunod ako.

She went straight to my room and sat on the bed. Ibinaba niya sa bedside table ang pizza at iba pang pagkain. "Get two cups for the ice cream before it melts."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon