Chapter 54

23.9K 947 67
                                    

Chapter 54

"Ang ganda rito sa Hasse."

Tumabi sa akin si Ma'am Millicent na kagagaling lang sa opisina ni President. Lumabas ako kanina dahil may pinag-uusapan sila na hindi tungkol sa outreach program. Kaya naisipan ko na lang na magpahangin dito sa labas sa ng building.

Pangalawang araw na ito nang pagbisita niya rito. Kita kong gusto niya talaga ang ginagawang pagtulong.

I just nodded as an answer.

"Kanina ka pa tahimik, may gumugulo ba sa 'yo?"

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Ang dami ko lang pong ginagawa nitong mga nakaraan kaya po siguro nakakaramdam ako ng pagod."

"Don't call me Ma'am, Millicent na lang," she said.

Pero syempre hindi ko sinang-ayunan ang sinabi niya. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa Hasse hanggang sa napagpasyahan namin na bumalik na sa office. Papasok na kami nang nakarinig kami ng pagtikhim mula sa aming likuran.

Kumabog ang dibdib ko pagkakita kay Mrs. Agrezor na walang emosyon na nakatingin sa akin.

"Mrs. Agrezor, the president is inside the office. I'll inform him that you're here—" Emery didn't finish her sentence as Mrs. Agrezor raised her hand to stop her.

"I'm not here for my son," she said coldly. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.

Tinanguan ko si Ma'am Millicent at may pag-aalala na lumarawan sa mga mata niya. Binalewala ko 'yon at sinundan ko na ang ina ni President.

Nakarating kami sa parking lot at walang emosyon akong tiningnan ni Mrs. Agrezor.

"Hop in. I need to show you something." Sumakay siya sa kotse niyang gray.

My hands were trembling as I reached for the door of her car. Pagkapasok ko ay pilit kong kinalma ang sarili dahil biglang namanhid ang mga kamay ko.

She drove off and we went someplace. Itinigil niya ang sasakyan sa isang malaki at magarbong bahay.

"Just follow me, Miss Escobar," she said when we got off her car.

My phone rang but I ignored it. Sobra na ang kabang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay anytime, hihimatayin ako.

This wasn't overreacting. Maraming beses ko na itong naranasan.

Wala na ako sa huwisyo para purihin pa ang ganda ng loob ng bahay nila dahil sa halu-halong nararamdaman. Parang lumulutang ang ulo ko sa ere.

Dinala niya ako sa isang malaki at malinis na kwarto. Tumungo siya sa ilalim ng kama at may inilabas na box dito. Pabagsak niya itong inilapag sa kama at tiningnan ako.

"Come and see these stupid stuff," she said, emotionless.

Lumapit ako sa kabila ng panginginig ng mga tuhod. Nanatili akong nakatayo at inilabas niya ang mga picture ko na solo at kasama ang namayapa niyang asawa.

Pinigil ko ang magpakita ng kahit anong emosyon. Those were happy memories with him. Siya na itinuring kong pangalawa kong ama, at siya na kumupkop sa akin noong nawala sa akin ang pamilya ko.

"Hindi ako makapaniwalang ang tagal n'yo pala talaga akong niloko. Ano? Pinalaki ka niya hanggang sa maging kabit?!" malakas niyang sigaw.

Napapikit ako at umiling. "Wala po kaming naging relasyon na katulad ng iniisip n'yo," pag-amin ko ng katotohanan.

"Sinungaling!" Kinuha niya ang isang malaking album at ibinato ito sa akin. Tinamaan ako sa dibdib pero ininda ko ang sakit.

"Maniwala po kayo. Kinupkop niya po ako at pinatira sa isang bahay pero hindi niya po ako babae. Tinuring niya po akong anak." Mariin kong kinagat ang ibabang labi, ngunit hindi ko na nasupil ang pagluha. "Siya po ang nakakita sa akin sa cabinet n'ong pinasok kami ng mga magnanakaw."

The Charm Where stories live. Discover now