Chapter 44

24.5K 867 31
                                    

Chapter 44

Dahan-dahan akong tumayo nang tuluyan akong natauhan sa nangyari. Lumayo ako sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Pupunta lang ako sa Principal's Office. Hindi ba sabi mo kakausapin ako ni Sir De Guzman?" I made a dash for the door, but before I closed it behind me, I added, "I'll be back at lunchtime."

Nagmamadali akong umalis ng opisina niya. Napasandal ako sa pader at dinama ang pagwawala sa dibdib ko.

"Amity, get a hold of yourself. Nasa school kayo." Mahinang hampas ang pinakawalan ko sa dibdib at muling naglakad. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang mga kamay.

The scene of what we did kept on getting in my head. Ipinilig ko ang ulo at mas binilisan pa ang paglalakad patungo sa Principal's Office.

Bago ako kumatok sa opisina ay sinigurado ko muna na okay ang sarili. Inayos ko ang uniporme ko at pinakiramdaman ang sarili kung handa na akong makaharap muli si Sir De Guzman.

Bumukas ang pinto sa pangatlo kong pagkatok. Ibinaba ko ang kamay ko sa aking tagiliran nang bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Sir De Guzman.

"Good morning, Sir."

"Good morning. Please have a sit." Isinenyas niya na umupo ako sa sofa.

"Look, Miss Escobar, I want to clarify things with you about our heated conversation. First thing, you know that you're the wrong here. You, as one of the faculty, are well acquainted with your functions. Pero bakit simpleng trabaho lang, hindi mo nagawa nang maayos?"

Mapupuna sa seryoso niyang mukha ang iritasyon kahit pilit niya pa 'yong itinatago. Akala ko tapos na kami sa usapang ito, pero hindi pa rin pala.

"Second, you have to stick with your students in whatever activity they do during your time."

"Aware po ako sa pagkakamali ko kung 'yon po ang gusto n'yong marinig."

Gusto ko mang tumayo na at umalis ng opisina dahil sa itinatakbo ng usapan, pero pinili ko pa ring manatili.

"Sir, I thought you're gonna say something important that's why you told the president that I should come to your office. Akala ko po tapos na tayo sa usaping ito, dahil naayos na rin po ang alitan doon sa dalawang bata. Can't we proceed to your real reason—"

"All right, I'm sorry for what I said the last time," he cut me off. "Ayoko lang din na nilalaktawan mo ako kapag pinatatawag ka ng president."

"I think that's not my concern anymore, Sir. Mas mabuti po sigurong kausapin n'yo si President tungkol sa madalas niyang pagpapatawag sa akin na hindi kayo nai-inform."

"Can't you directly come to my office to ask for my approval first?"

Pinigil ko ang matawa dahil sa narinig. Hindi ako bata na kailangan pang magpaalam sa kanya. Ano, lahat ng kilos kailangan alam niya?

Magsasalita sana ako nang may kumatok sa pinto. Sabay namin itong nilingon at binuksan niya ito.

My mouth had dropped slightly as I saw him enter the office. Umupo siya sa tabi ko at iginala ang paningin sa kabuuan ng opisina ni Mr. De Guzman. Itinikom ko ang bibig at itinuon ang tingin sa principal na namamangha rin sa pagdating ni President.

Mr. De Guzman sat across us, and President held out a familiar folder to him.

"I approved some of the requests, Mr. De Guzman, but please take note of the suggestions I have written there." His expression was cold and intimidating as usual. "By the way, I accidentally heard what you and Miss Escobar are talking about. I apologize if I always ask her to come to my office without notifying you."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon