Chapter 15

32.2K 1.2K 99
                                    

Chapter 15

Napalunok ako dahil sa narinig mula sa kanya. Iniwas ko ang tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Nagmadali ako at alam kong pansin niya 'yon. But I didn't care. Kailangan ko nang makalabas agad!

Ramdam ko na pinanonood niya ako. Inilapag ko ang bottled water sa table at dali-daling tumayo. I looked at him and his eyes were dead serious.

"Thank you for the food. I need to go."

Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na ng office. Nagtungo ako sa ladies' room at pumasok sa isang cubicle. Napasandal ako sa pinto at ipinikit ang mga mata.

I placed my fist on my chest and started to punch it lightly. "What the hell is wrong with you? You have to function right!"

I opened my eyes when I remembered what he had said. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng aking uniform dahil bigla itong nag-vibrate.

Binuksan ko ang message mula kay Faerie at binasa ito.

Faerie:

Where are you? Let's eat lunch together.

Agad akong nagtipa ng reply.

Me:

Ladies' room. Hintayin mo ako sa canteen. Be there in a minute.

Busog ako pero hindi ko siya magawang tanggihan. I needed to divert my attention.

Lumabas ako ng cubicle at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ko saglit ang sarili at huminga nang malalim. I went out and headed to the canteen.

Nang namataan ko si Faerie sa gilid ay agad ko siyang nilapitan. Humalik ako sa kanyang pisngi. Pinanood niya ang paglakad ko sa kanyang harapan, at pagkaupo ko ay kumunot ang noo niya.

"Anong problema?" tanong niya.

Sinubukan kong tumingin sa mga mata niya, ngunit agad din akong nag-iwas. Sa  peripheral vision ko ay umiling siya.

"You can't hide a thing from me, Amity. Alam mong inis ako sa ganyan," malamig niyang sabi.

Tumango ako at bumagsak ang tingin sa aking kandungan.

Bumuntonghininga siya at tumayo. "Anong kakainin mo?"

"Isang slice ng chocolate cake na lang at iced tea."

"Kumain ka na," saad niya. "Nasasanay ka na atang iba ang kasabay pagkain, ah."

Doon na ako napatingin sa kanya. She was smiling, but her eyes were serious.

Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at naglakad para bumili. Wala na akong nagawa at hinintay na lang siya.

Pagkabalik niya ay nanatili siyang tahimik.

"Nood tayong sine later?" aya ko.

"Ayoko," sagot niya.

Inabot ko ang kanyang kamay at ngumiti, pero alam kong naging pilit 'yon. Hindi ko kaya kapag nagtatampo siya sa akin.

"Please?" I begged using my sweet voice.

Binawi niya ang kamay niya at itinuon ang mga mata sa pagkain. "Marami akong aasikasuhin sa bahay. Ihahatid lang kita sa apartment mo at uuwi na rin ako."

Wala na akong nagawa kundi magpaskil ng pilit na ngiti. Iniwas ko ang tingin sa kanya at sinimulang kainin ang cake sa aking harapan.

Matapos naming kumain ay hindi kami nag-imikan na lumabas ng canteen.

Bago kami maghiwalay ng way ay tumigil ako sa paglalakad. "See you later."

"Okay," tanging sagot niya. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad na hindi man lang ako nilingon.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon