Chapter 24

28.1K 1K 90
                                    

Chapter 24

Note: Read at your own risk.

Nanginginig ang kamay ko na ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Tumingin ako kay President.

"M-may estudyante ako na kailangan ng tulong." Nagmamadali akong lumabas ng office at hindi pinansin si Sahara na halatang nagulat. Lakad-takbo ako papunta sa HUMSS building. Tumungo kami sa direksyon ng ladies' room at doon ay maraming nagkukumpulang mga estudyante. Hinawi ko sila sa daan at pumasok sa ladies' room.

"Pakisara ng pinto," mahinahon kong sabi ngunit sobra na ang kabog ng dibdib ko.

Agad akong sinunod ni Rosie at naiwan kaming apat. Kumuyom ang palad ko at kakatok na sana sa cubicle kung saan kita ang sahig na may tulo ng dugo nang hawakan ni President ang braso ko.

Malungkot akong ngumiti senyales na kaya ko. Binitawan niya ako. "Shine..." simula ko.

Wala kaming narinig mula sa kanya. Humugot ako ng hininga at mas lumapit pa sa cubicle.

"Ang Ma'am Amity ito." Mariin akong napapikit nang nakarinig kami ng paghikbi mula sa kanya. "Halika na. Labas ka na—"

"Para saan pa po?" Sa wakas ay nagsalita na siya. "Para saktan n'yo lang akong lahat? Para sabihan ako na kulang sa atensyon? Para sabihan na umaarte lang ako?"

Nag-init ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Doon namin narinig ang nakakadurog puso niyang pag-iyak.

"Shine, nandito lang ako. Please, itigil mo na 'to," umiiyak na sabi ni Rosie.

"Really, Rosie?" puno ng hinanakit na sabi ni Shine. "Best friend ba talaga kita? E wala ka naman sa oras na malungkot ako. Sa oras na kailangan na kailangan ko ng kausap, nasaan ka? Sa oras na gusto ko na makasama ka at maglabas ng mga hinanakit ko sa buhay, nagpakita ka ba?"

Magsasalita pa sana si Rosie pero pinigilan ko na siya. Pinisil ko ang kanyang kamay. "Ako na," I mouthed to her.

"Alam ko naman na nakakapagod akong unawain," patuloy ni Shine. "Dahil kahit ako man, pagod na sa sarili ko."

Rosie smacked her hand to her mouth. Umiyak siya na pinipigilang gumawa ng ingay.

"I'm sorry for causing you troubles," Shine said forcing a laugh. "Kaya nga iwan n'yo na lang ako rito at hayaan n'yo na tapusin ko 'to."

Humawak si Rosie sa braso ko at umiling-iling.

"Pagod na pagod na akong ngumiti at magkunwaring okay lang ako. Pagod na akong magmakaawa sa kahit konting oras lang ng mga taong mahal ko. Gusto ko nang magpahinga," humihikbi niyang sabi. "Please give this to me, please."

"Hindi ko hahayaan na iwan mo kami, Shine." Mariin akong pumikit. "Kung sa tingin mo walang nagmamahal sa 'yo, anong tawag mo sa akin?"

Wala akong narinig mula sa kanya kundi paghikbi.

"Handa akong makinig. Papakinggan kita hanggang sa kahit papaano ay umayos ang pakiramdam mo." Idinikit ko ang noo sa pinto ng cubicle at hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ayokong mabawasan ang mga anak ko. Alam mo naman na hindi lang estudyante ang turing ko sa inyo, 'di ba?" Pinunasan ko ang sariling luha pero patuloy pa rin ang mga ito sa pag-agos. "Hindi man kayo galing sa akin, ang laki ng espasyo na sinakop n'yo sa buhay ko—sa puso ko.

Matagal na tanging pag-iyak niya lang ang maririnig. Hinayaan ko siya hanggang sa may bumagsak na kutsilyo sa sahig sa paanan niya. Mas tumindi ang takot ko pero pinigilan ko ang sarili na kumilos.

Nang lingunin ko si President ay nakatingin lang din siya sa sahig ng cubicle. Alam kong pareho kami ng nasa isip. Hindi lang blade ang dala ni Shine kaya kailangan kong mag-ingat sa mga salitang bibitawan ko.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon