Chapter 59

26.2K 954 94
                                    

Chapter 59

Pagmulat ko ay puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Inilibot ko ang tingin at tumigil ito sa kanan ko kung saan nakatungo si Faerie. She was holding my hand tightly while asleep.

Marahan akong gumalaw ngunit nagising pa rin siya. Napaderetso siya ng upo. Her eyes looked tired and swollen. Kumirot ang puso ko at iniwas ang tingin sa kanya.

The door opened and the doctor entered the room. He smiled when he saw me awake.

"How are you feeling?" he asked and started examining me.

Bahagyang lumayo si Faerie pero ramdam ko na nakikinig lang siya.

"Okay na po."

"Any pain you're feeling?"

Umiling ako at tiningnan niya ang mga sugat ko. Pumasok ang isang nurse at kung anu-ano pa ang ginagawa nila sa akin. Hinayaan ko lang sila hanggang sa bumukas muli ang pinto.

Napatingin kaming lahat dito. Mabilis akong nilapitan ni President. Nang lingunin ko si Faerie ay kausap na niya ang doctor pero masama ang tingin niya sa lalaking malapit sa akin. Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila dahil na rin sa inaagaw ng lalaking nakatayo sa tabi ko ang atensyon ko.

I couldn't look at him but the familiar reaction of my chest was deafening.

Naramdaman ko ang pag-alis ng doctor at nurse. Faerie cleared her throat and drew near me.

"Pwede na tayong umuwi bukas. Sure ka na wala ka ng nararamdaman, ha?" tanong niya sa akin.

I didn't have any idea how long I slept. Her face was so serious like she didn't really want to see him here.

"Hindi pa ba pwede ngayon—"

"Can we talk?" President cut me off.

Napangisi si Faerie. "Sir, my sister needs rest. I think talking to you would do no good."

Inabot ko ang kamay ni Faerie para pigilan siya, pero tiningnan lang niya ako ng. Blangko ang kanyang ekspresyon.

"Faerie, please..." pakiusap ni President.

Doon ko na siya nilingon. Matamlay ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Malalalim ang mga 'yon na parang hindi pa natutulog.

"Ate..." Sinulyapan ko si Faerie at pilit na ngumiti.

Nakuha niya ang gusto kong mangyari. Bago niya kami iwan ay binalingan niya si President. "Kahit president ka ng Hasse, kayang-kaya kitang kaladkarin palabas kapag may ginawa kang hindi maganda sa kanya."

Nang sumara ang pinto ay binalot kami ng katahimikan. Nanatili siyang nakatayo sa kanan ko.

Ibinuka niya ang bibig pero muli niya 'yong itinikom, parang nagdadalawang isip sa sasabihin.

"May masakit ba sa 'yo?"

Our eyes met. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa nag-init ang mga mata ko. Umupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko. I just let him hold my hand, 'cause I did miss him.

I pointed my head. Bumangon ako at agad niya akong inalalayan.

"I'm sorry if I got jealous and acted like a bitch." Tuluyan nang lumandas ang luha sa pisngi ko.

Nataranta siya. "Shh... ako dapat ang nagso-sorry. Wala kang kasalanan."'

Kinagat ko ang ibabang labi at pinunasan ang luha ko. She cupped my face gently and stared into my eyes. Humahagod ang sakit sa dibdib ko.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon