Chapter 39

25.3K 994 44
                                    

Chapter 39

I slowly opened my eyes and yawned. Napatingin ako sa tabi ko at nanlaki ang mga mata nang nakita ang magandang babae na mahimbing na natutulog.

Tinitigan ko siya at hindi ko napigilan ang pagkurba ng ngiti sa mga labi ko. Saglit pa ay nagmulat siya. Agad niya akong nilingon at umarko ang kanyang kilay.

"Come closer," she said.

Sinunod ko ang sinabi niya at kinulong niya ako sa yakap.

"How are you?" She pulled away and looked straight into my eyes.

"Fine," I replied. Bumangon ako at lumabas ng kwarto, ramdam ko ang pagsunod niya.

Faerie walked past me and went to the kitchen. Dinig ko ang pagbukas niya ng refrigerator. Umupo ako sa sofa.

Pinanood ko ang paglapit niya sa akin. Tinabihan niya ako at inilapag ang baso ng fresh milk at ang mug niya ng kape.

"Sinungaling," seryoso niyang sabi at hinalo ang kape niya gamit ang kutsara.

I sipped on my glass and forced a smile. Ilang araw kaming hindi nagkita at alam kong hinihintay niya na magkwento ako.

"Balita?" tanong niya.

"Marami."

"Handa akong makinig. Kahit ma-late pa tayo sa birthday ni Earl mamaya."

Muli akong ngumiti. I told her everything and she listened attentively. Pagkatapos kong magkwento ay nilingon ko siya. Titig na titig siya sa mug niya na wala ng laman.

"Be honest with yourself. Kung ayaw mo na may ibang umaaligid kay President, gawin mo ang nararapat," komento niya. "I'm here to support you all the way."

Hindi na ako nagsalita at nirespeto niya 'yon. Dinampot ko ang baso at inubos ang gatas.

Kinagabihan ay naghanda na kaming dalawa. Isinuot ko ang black mesh puff mini dress na binili niya para sa akin. Hindi ko ito napansin kanina sa kwarto pagkagising ko.

Lumabas ako ng apartment at hinihintay na ako ni Faerie sa loob ng sasakyan. She instantly turned her gaze to my hand as my phone started ringing.

"Bakit hindi mo sagutin?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinatay ko ang cell phone ko. I shoved it into my purse. Isinuot ko ang seatbelt at pinaandar niya ang sasakyan. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng mga nadadaanan.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating kami sa katatayo lang na Rizal branch ng sikat na hotel-resort, ang Fortress. Faerie looked for a parking space and stopped the car. Naramdaman ko muli ang tingin niya sa akin kaya lumabas na ako ng sasakyan. Sinabayan niya ako paglalakad.

"We haven't seen each other for a week and here you are, ignoring me."

Pumasok kami sa function hall kung saan nagsisimula na ang party ni Earl.

"Wala lang ako sa mood," sagot ko.

"Alam ko."

Nilingon ko siya at nakita ko ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. Dinala niya ako sa table ng mga magulang niya at agad akong nagmano kina Mommy at Daddy. Kung ano ang tawag ni Faerie sa parents niya ay ganoon din ako. Parang anak na rin ang turing sa akin ng mga ito ngunit bihira ko lang silang makita.

"Kumusta, Amity?" tanong ni Mommy Dane.

Ngumiti ako. "Ayos lang po. Kayo po?"

Umalis sa tabi ko si Faerie kaya nakipagkwentuhan na lang ako kay Mommy Dane. Nang kinailangan na sila sa program ng 21st birthday ni Earl ay naiwan akong mag-isa sa table.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon