Chapter 12

31.2K 1K 47
                                    

Chapter 12

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. I cleared my throat. "I... I need to do something, Sir. I can't stay any longer."

Naglakad ako patungo sa pinto at hindi ako magkandatuto na buksan ito. Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa aking kamay at binuksan ito.

Mariin akong napapikit.

"Pagbibigyan kita ngayon," mahina niyang sabi pero sapat para marinig ko. "See you later."

Nagmadali akong lumabas ng office. Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa faculty room at ipinagpasalamat ko na wala ni isa sa mga co-teacher ko ang nandito. Pabagsak akong napaupo sa aking swivel chair. Tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang kamay.

Ilang minuto akong ganoon nang naisipan ko na hindi ito tama. Umayos ako ng upo at tumingin sa orasan. May dalawa pa akong magkasunod na klase.

Nag-ayos ako ng sarili at inihanda ang mga gamit. I immediately left the faculty room right before my co-teachers went back.

Pinasukan ko ang dalawang magkasunod kong klase. Nang natapos ang huli at nakalabas na ang mga estudyante ay iniligpit ko na rin ang mga gamit ko panturo.

I was on my way back to the faculty room when a student from HUMSS-1C called me.

"Ma'am, tulungan na po kita," nakangiting sabi niya.

"Joa, right?" tanong ko.

Kinuha niya ang mga gamit ko at walang tinira ni isa para buhatin ko.

"Yes, Ma'am." He smiled and looked at me in the eyes.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

Nasa corridor kami nang muli siyang nagsalita. "Why does it hurt loving someone?"

Nilingon ko siya. Deretso lang ang tingin niya sa aming dinadaanan. Tipid akong ngumiti kahit hindi niya nakikita.

"Maraming maaaring sagot sa tanong na 'yan. Ang sagot ko, nasa puso mo ang taong minamahal mo, kaya konting kilos niya lang, maaari kang masaktan."

"Hindi ba pwedeng magmahal na lang nang hindi nasasaktan?"

Nilingon niya ako at nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang lungkot sa kanya, pero pilit niya 'yong itinatago sa pamamagitan ng pagngiti.

"That's impossible, Joa." I tapped his shoulder. "Kapag nasasaktan ka ay roon mo mas napatutunayan na nagmamahal ka."

Bumuntonghininga siya. Tumigil kami sa tapat ng faculty room.

Kinuha ko sa kanya ang mga gamit ko. "Hindi ka ba mahal ng taong mahal mo?"

Umiling siya. "Hindi po. Kahit nga magustuhan, napaka-imposible." Tumingin siya sa akin at mapaklang ngumiti. "Sana nga, iba na lang. Si kupido talaga hindi mo maunawaan minsan. He, most of the times, targets a wrong person. Dapat kasi kapag inasinta niya ang isa, pati sana 'yong isa rin."

"Bata ka pa. Marami ka pang mami-meet na deserved ang pagmamahal mo, anak." Ginulo ko ang kanyang buhok.

Napangiti siya.

"Thank you, Joa."

Hindi na siya nagsalita at ngumiti na lang. Naglakad na siya palayo, at pinanood ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Pagpasok ko sa faculty room ay awtomatikong nakuha ko ang pansin ng mga co-teacher ko. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at dumeretso sa aking table.

"Nakita ko siyang lumabas sa Office of the President. Wala talagang pinipili ang makakati," pagsisimula ng bulungan ng mga kasamahan namin.

"Ma'am Gail!" boses 'yon ni Sir Harold.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon