Chapter 21

27.6K 1K 70
                                    

Chapter 21

I was staring blankly outside the window. Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng tanawin dahil sa halu-halong nararamdaman ko.

Bumuntonghininga ako at napagpasyahan na lumabas ng kwarto. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang bumukas ang main door. Tumigil ako at agad na nagtama ang paningin namin.

"I was searching for you in school," he started.

Pinagpatuloy ko ang pagbaba. "Ayokong abalahin ka kaya umuwi na lang akong mag-isa."

"Have you take meds?"

"Hindi pa." Pumasok ako sa kusina at binuksan ang ref. I took a pitcher of water. Ramdam ko na sinundan niya ako.

"May ilang araw pa tayo rito sa Laguna. May gusto ka bang puntahan?" Narinig ko na may binuksan siya na cabinet.

"Wala. Hindi ba pwedeng umuwi na tayo? Wala ka naman na po yatang gagawin sa Hasse."

Inilahad niya ang dalawang piraso ng gamot sa akin. Nasa likod ko siya at konti na lang ay didikit na ang dibdib niya sa akin. "Wala na. But I still want to stay here."

Tumindig ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang hininga niya malapit sa tenga ko. Agad akong lumayo sa kanya.

"Gusto ko nang umuwi," sabi ko na hindi siya matingnan.

"Hindi pa pwede."

Doon na ako bumaling sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kaseryosohan.

"Ayokong maka-istorbo pa sa 'yo. Papaano kung pumunta pa rito 'yong girlfriend mo?"

Mahina siyang tumawa. "Sino? Si Sahara?"

I shrugged my shoulders. Naglakad ako palabas ng kusina nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Tumingin ako sa hawak niya. "Let go."

"Konti na lang iisipin kong nagseselos ka."

Napatingin ako sa kanya at may ngiting nanunuya sa kanyang mga labi. Buong pwersa akong kumawala at nagtagumpay ako.

Tipid akong ngumiti. "Saan galing ang kongklusyon mo na 'yan, Sir? Sa tingin mo ba ay ikaw ang tipo kong lalaki?"

"No one says no to me, Amity." Mas lalong tumindi ang pagngisi niya. "I am women's ideal man. Tingnan mo kung gaano kaperpekto ang mukha ko." Inilapit niya bigla ang mukha sa akin na konti na lang magdidikit na ang mga labi namin. Agad ko siyang naitulak dahil sa gulat.

Tinalikuran ko siya at agad na bumalik sa kwarto. Ni hindi ko na nagawang uminom.

Umupo ako sa kama at napagpasyahan na buksan na lang ang TV. Pero hindi rin nagtagal ay tumayo ako at muling lumabas.

Nasa living area siya at nagbabasa ng magazine. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas dala ang wallet ko. Sumakay ako ng jeep na hindi alam ang pupuntahan. Sa unahan ako pumwesto.

Nakita ko na lang ang sarili na nagbayad at nakisabay sa pagbaba ng isang pamilya. Nakasunod ako sa kanila hanggang sa marinig ko na malapit na kami sa Japanese Garden.

"Bakit tayo nandito, Mama?" tanong ng sa tingin ko ay nasa walong taong gulang  na batang babae.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib at pag-iinit ng mga mata ko.

"Gusto lang namin na ipasyal kayo ng kuya mo," tugon ng Mama niya.

Tiningnan ko ang sa tingin ko ay nasa sampu hanggang labindalawang taong gulang na batang lalaki. Nakaakbay siya sa nakababatang kapatid at ginulo niya ang buhok nito.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon