Chapter 1

46.8K 1.6K 131
                                    

Chapter 1

Today was the presidential inauguration of Hasse and the campus gymnasium was decorated extravagantly. Maraming napapatigil sa paglalakad para lang tingnan ang ganda ng pagdarausan ng event.

Humigpit ang yakap ko sa laptop na dala ko.

"Hot choco or milk?"

Nilingon ko ang nagsalita. Hindi ko man lang naramdaman na may tao na pala sa tabi ko.

I clung my arm to her and smiled sweetly. "Hot choco."

Hinigit niya ako papunta sa cafeteria at naupo kami sa bakanteng table. Pumangalumbaba siya sa harapan ko. "Namamaga na naman mga mata mo. You cried last night."

I averted my eyes from her and watched a group of students find a table. "Hindi, ah."

"Ako pa ang lolokohin mo?"

"Naalala ko lang si President," pag-amin ko at malungkot na ngumiti.

Nilingon ko siya. She fell into silence, dropping her eyes to her hands on the table. Alam niya kung gaano ako kalapit sa namayapang pangulo ng eskwelahang ito. Alam niya ang lahat sa akin.

"I'll just buy you something to eat. Hindi ka pa naman nag-breakfast," sabi niya at tumayo.

Pinanood ko ang pagpunta niya sa mga stall ng pagkain. Bumalik din siya agad at inilapit sa akin ang hot chocolate at sandwich.

"So hindi ka manunuod?" tukoy niya sa program sa gymnasium.

"Hindi. Ayokong makipagpastikan sa mga tao ro'n."

"Anong gagawin mo? Sa faculty room ka lang? Magmumukmok?"

"Maybe—ouch!"

Pinitik niya ako sa noo at nakuha namin ang atensyon ng ibang kumakain. Hinaplos ko ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Magmumukmok ka pa o pepektusan kita?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Faerie was the kind of person whom everybody would dream to have. Hanggang mahinang pitik at kurot lang siya sa akin pero hindi talaga ako kayang saktan.

"Hindi na." Ngumuso ako.

"Good!" Saka siya umirap.

We went out of the cafeteria after we finished our food. Nilingon ko siya na dala pa rin ang nasa matangkad na paper cup niyang kape. Naiiling ko siyang sinabayan. She was obviously a coffee addict. Ang average na naiinom niyang kape sa isang araw ay eight cups. Pansin ko iyon lalo na kapag nasa apartment ko siya.

"Gandang-ganda ka na naman sa akin," aniya na deretso ang tingin sa corridor.

Maghihiwalay na kami ng daan nang bigla niya akong hinigit at niyakap nang mahigpit. Kumirot ang puso ko sa ginawa niya.

"I know you need this," she whispered. Nag-init ang mga mata ko. Siya lang ang tanging tao na pinagpapakitaan ko ng kahinaan ko. "Don't let other people step on you, love. Iba na ang president ngayon kaya mas lalo ka dapat maging matapang."

Tumango ako.

"Get back to work," she said, and pulled away from the hug. Humakbang siya paatras at tinalikuran ako. Then she waved her hand in the air as she walked down the hallway. "See you later!"

Pinanood ko siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. She needed to attend the inauguration as an employee of Hasse. Ako lang talaga ang may lakas ng loob na hindi pumunta.

Tahimik ang faculty room pagpasok ko. Bumagsak ang tingin ko sa documents sa table at sinimulan ko nang basahin ang mga ito.

Inilapag ko ang ballpen sa mesa pagkatapos ko at sumandal sa swivel chair. I closed my eyes, remembering the late president. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata ko at tumungo sa table. I cried silently until my eyes grew heavy.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon