Teaser

59.6K 913 25
                                    

“Josh ano ba, tigilan mo na si Zea. May asawa na sya. May iba na syang mahal kaya wag mo na syang hintayin.”

Inis nyang sigaw sa binata. Napakatanga nito para habol habulin ang taong may asawa na. At hindi lang basta may asawa, pinsan nito ang asawa ng babaeng kinahuhumalingan ni Josh.

Tinignan lang sya nito. Hindi ito nag salita bagkus ay tumayo si Josh at tumalikod sa kanya. Sa sobrang inis ay hinatak nya ang braso nito parahap.

“Josh ano ba!”

Tinangal ni Josh ang kanyang kamay na nakakapit sa braso nito.  “Stop it Van. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko.”

“I know Josh. Nakikita ko. Nakikita kitang nasasaktan kaya tumigil ka na. Maawa ka naman sa sarili mo.”

“I can’t. Mahal ko so Zea. Kahit anong gawin ko sya parin. I tried to forget her pero wala, hindi ko magawa.”

“Tanga ka. Ang tanga tanga mo.” pinipilit nyang wag umiyak sa harap nito.

“Siguro nga. Pero hindi mo ako masisisi. I just fall in love. Hindi mo pa kasi nasubukang mag mahal kaya hindi mo ako naiintindihan.”

Sa sinabi nito ay mas lalong nag init ang kayang ulo. Para ring sasabog ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng emosyon kaya naman nilapitan nya ito at pinag susuntok. Kailangan nyang ilabas iyon, kung hindi ay baka hindi na nya kayanin pa.

“Tanga ka talaga. Ang tanga tanga mo para hindi yon maramdaman. Hindi pa ko nag mahal?” she punched him again. “Tanga ka. Mahal kita Josh, mahal kita kahit ang sakit sakit na.”

Napansin nyang natigilan ito at napatingin sa kanya.

“B-but, we are just friends.” Parang gulong gulo ito. Napasabunot pa ito sa sariling buhok dahil sa frustration.

Sya naman ay nanghihinang lumayo dito. Napaupo nalang sya sa sofa. “Fuck you! Friend your ass Lockheart. Do you think I will let you do me if I just see you as a friend? Sa tingin mo ba magpapakatanga ko ng ganito kung wala akong nararamdaman para sayo? Fuck you kainin mo yang pakikipag kaibigang sinasabi mo.”

Tumayo sya at tinalukuran nya ito. Masyado na syang nasasaktan sa naririnig mula sa binata. She need a break to redeem herself. Baka kung magtagal pa sya dito ay tuluyan na syang madurog at hindi na nya kayanin pang mabuo.

Pero hindi pa sya nakakaisang hakbang ay naramdaman na nya ang kamay ni Josh na mahigpit na pumulupot sa kanyang bewang.

“Van please. I’m sorry. hindi ko alam na may nararamdaman ka na para sakin. I’m sorry for being so dumb. I’m sorry for hurting you. But please don’t leave me. Ikaw nalang ang meron ako sa ngayon. Pag nawala ka pa baka hindi ko na kayanin.”

Humarap sya dito. Hinawakan nya ang mukha ni Josh na namumula na dahil sa pag iyak. Kung kanina si Zea ang dahilan niyon, ngayon alam nyang sya na.

Gusto nya itong tanungin na kung mananatili ba sya ay may pag-asa rin na mahalin sya ng binata. Na kakalimutan ba nito si Zea. Na kaya ba nitong suklian ang pagmamahal nya para dito. Gusto nyang itanong if he can guarantee her happiness with him. Pero natatakot sya. Baka kasi Hindi ang isagot nito sakanya. At mas natatakot syang baka sa huli sabihin nitong si Zea parin. Ito parin ang babaeng mahal ni Josh. Kaya sa ngayon mag kakasya na sya sa pagmamahal na kaya nitong ibigay. Kahit pagkakaibigan ayos na sa kanya. Basta ang mahalaga alam nitong mahal nya ito at ayaw ni Josh na umalis sya sa tabi ng binata.

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now