22

17.3K 395 41
                                    

HANGANG makarating sila sa kanilang bahay ay hindi parin mapakali si Vannesa. Lalo pa ngayon at dalawa lang sila ng anak sa bago nilang tinitirahan. Kahit kasambahay na stay in ay wala pa sila.

Yes, she can protect herself but, knowing it was him? Her ability is not enough. Kailangan nya ang asawa. sana lang ay dumating ito agad.

Nang makatulog na ang kanyang anak ay bumaba si Vanessa upang tiyakin na nakasara lahat ng pintuan at bintana. Sinimulan nyang i-check ang back door sa kusina. Nang matiyak na nakasara na lahat ay tinignan nya ang main gate. Pero hindi pa man nya nabubuksan ang pinto ay natanaw na nya mula sa bintana ang sasakyang nakaparada sa harap ng kanilang bahay. Nakita nyang may dalawang taong bumaba mula doon.

"Shit!" tumakbo sya sa pinto upang i-double lock. Tapos ay umakyat sya sa silid ng anak habang idinadial ang numero ni Zyroh, pero nang hindi nito sinagot ang tawag ay si Rean ang kanyang kinontak.

"Van?"

"Rean, I need help. Nandyan ba si Nick?"

"Yes, Van he is here. Sandali lang." narinig nya ang kaibigan na kinausap ang asawa. "Vanessa si Nick to. Anong nangyari?" mababakas ang kaseryosohan at pag-aalala sa boses nito.

"May nakita akong umaaligid sa labas ng bahay. Malakas ang kutob ko na mga tauhan yon ni Zoe."

"Sinong Zoe?"

"No Time to explain Nick. Basta delikado sila."

"Shit! Papunta na ko dyan, pero ang alam ko mas malapit si Josh sa bahay nyo kaya tatawagan ko sya para pumunta dyan."

"Pero Nick-"

"Wala nang pero-pero Van. Buhay nyong mag-ina ang malalagay sa panganib pag nahuli kami."

Pansamantalang nawala si Nick sa linya at ang asawa nito ang pumalit. Pinakakalma sya nito.

"Damn." Mahina nyang mura ng makarinig sya ng kalabog mula sa baba.

"Van, what happened?"

"May narinig ako kaluskos mula sa baba."

"Oh my God!" parang nag hi-hysterical na sambit ni Rean. "Nick, tell Josh to be fast. Parang may nakapasok na sa bahay nila Van." Dinig nyang sigaw ng kaibigan.

Sya naman ay ihinanda ang sarili, hawak nya ang baril na kanilang binili upang proteksyon. Kahit anong mangyari ay lalaban sya. Kung sakali mang tauhan ni Zoe ang mga ito ay hindi sya magdadalawang isip na paputukan ang mga ito.

Naglatag sya ng sapin sa ibaba ng kama ng anak at inilipat nya doon ang bata. Upang kung sakali man na may pumasok sa loob ay hindi madaling mapapahamak ang kanyang anak. Inilock mya rin ang pinto na nagkokonekta sa kwarto nito at banyo.

Ilang segundo syang nakatayo sa paanan ng kama ng makita nya ang pagalaw ng door knob. Sa una ay dahan dahan lang iyon na kalaunan ay bumilis at lumakas tanda na sapilitan iyong binubuksan.

"Fuck!" she cussed again. "Nick!" mahina nyang tawag sa kausap sa kabilang linya.

"Van, malapit na si Josh. I also Informed Aaron."

"Nandito na sila. They are trying to open the door. Fuck!"

"Vanessa, open the door honey!" sigaw ng nasa labas. Ang akala nya ay tauhan lang ni Zoe ang mga ito. Hindi nya alam na kasama din pala ang lalaki.

"Fuck! Fuck!" sunod sunod na mura ni Nick mula sa kabilang linya. Alam nyang naririnig din nito ang boses ni Zoe sa labas.

"Vanessa, alam kong gising ka pa. Bibilang ako nang sampu honey. Pag hindi mo ito binuksan magsisisi ka. Isa."

Sa totoo lang ay kinakain na ng takot ang kanyang buong sistema. Pero pinipilit nyang magpakatatag para sa kanyang anak. Gagawin nya ang lahat upang maprotektahan ito.

"Nick, where are they? Please!"

"They are almost there Van. Papunta narin ako dyan."

"Dalawa! Vanessa."

"Nick, I'm holding a gun. I will use it when they forcedly open the door."

"Ok Van."

"Tatlo!" malakas nang sigaw ni Zoe na nakapag pagising kay Zena.

"Momm-" agad nyang tinakpan ang bibig nito.

"Shhh! Be quite baby."

"Bad guys are outside?" nanginginig na yumakap sa kanya ang anak.

"Apat! Vanessa!"

"Lima!"

"Mommy." Nagsisimula nang umiyak si Zena.

"Anim!"

"Pito!"

"Walo-"

"Boss may tao!" narinig nyang sigaw ng isang lalaki na sinabayan ng magkakasuod na putok ng baril.

"Fuck! Fuck! Vanessa, ayos lang ba kayo?"

"Yes Nick. Pero Si Josh, sya ba yung nasa labas?" binalot ng pag-aalala ang kanyang dibdib sa isiping nag-iisa lang na nilalabanan ni Josh si Zoe at ang mga tauhan nito.

"Don't worry, kaya nya ang sarili nya."

"Vanessa!"

Pinapasok nya si Zena sa ilalim ng kama at sinabihan itoing wag mag-iingay.

"Boss, patay na yung lalaking nasa labas." Narinig nyang sigaw ng tauhan nito.

"Josh." Naluluha nyang sambit. Sana ay nagsisinungaling lang ang mga ito. "Nick?" nang tignan nya ang kanyang hawak na cellphone ay nakita nyang nakapatay na iyon. "Shit!"

"Vanessa?" parang baliw na tawag sa kanya ni Zoe. Narinig nya ang pagbalibag pabukas ng pinto tanda na nabuksan na ito.

Ihinanda nya ang baril na hawak, sunod sunod nyang pinaputukan ang mga taong nasa labas.

"P*t*ng-*n*. Vanessa!" sigaw ni Zoe. Gumati din ang mga ito ng putok dahilan upang tamaan ang lampshade na nasa kanyang ulunan at bumagsak iyon sa kanya.

Pero hindi nya iyon ininda. Patuloy nyang pinaputukan ang mga ito upang hindi makalapit. Pero dahil sa mas madami sila ay naubos ang kanyang bala. Kasunod noon ay naramdaman nya ang kirot sa kanyang balikat. Nang tignan nya iyon ay nakita nya ang saganang pagtulo ng dugo doon.

"Shit!"

"Vanessa." Nakangising tawag sa kanya ni Zoe. Nakatutok sa kanya ang baril nito habang ang dalawang tauhan nito ay pumunta sa kanyang likuran. "Ang ganda mo talaga. Sana ako nalang ang unang nakakita sayo." Itinulak sya ng dalawang lalaki sa ibabaw ng kama. "Nasaan si Zena?"

"Hindi mo sya makukuha." Matapang nyang sagot kahit pa alam nyang wala na syang laban.

"Nasaan si Zena? Sya lang ang kailangan kong patayin."

Gusto nyang umiyak sa kabaliwang sinasabi nito. Gustong patayin ni Zoe ang kanyang anak pero hindi nya iyon hahayaan. Mamamatay muna sya bago nito magawa iyon.

"Fuck you Zoe, hindi mo makikita ang anak ko."

"Yes Van, I will Fuck you!"

umupo si Zoe sa kama at inilapat sa kanyang dumudugong sugat ang nguso ng hawak nitong baril.

"Ahhhhhhhh!" hindi nya mapigilang sigaw ng maramdaman ang sobrang sakit. Gusto na nyang panawan ng ulirat dahil sa kirot na nararamdaman pero hindi pwede.

"Ganyan nga. Sumigaw ka!" mas diniina pa nito ang hawak.

"Boss, may paparating." Narinig nyang sigaw ng isang lalaki sa labas.

Nakita nyang tinignan iyon ni Zoe, ito ang ginamit nyang pagkakataon upang itulak ito. Pero dahil nanghihina na sya ay wala iyong naging epekto sa lalaki.

"Ang tigas ng ulo mo!" galit nitong sigaw sa kanya bago nya maramdaman ang pagbaon ng bala sa kanyang braso ng kalabitin nito ang gatilyo.




--------------------------------------------------------------------

A/N: Marami nanamang magagalit. :P

Lockheart Series 5- His HeartbreakTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang