07

22K 541 60
                                    

MABILIS nyang hinubad ang sing-sing sa kanyang daliri. Gusto nya itong itapon pero hindi nya ginawa. Ibinalik nya lang ito sa lalagyan at patuloy na umiyak. Hindi nya inaasahan na ganito pala talaga kasakit na malamang may mahal na iba ang mahal mo.

Matapos syang umiyak ay tinuyo nya ang kanyang luha. Nag punta sya ng banyo at doon nag hilamos. Kinuha nya rin ang kanyang make-up kit sa bag. Oo nga martyr at tanga sya but never will she allow anyone to see her on her ugly state of face.

Matapos nyang mag ayos nnag sarili ay tamang tama naman ang pagdating ni Josh. Nang lumabas sya ng banyo ay nakita nya itong nakatayo sa harap ng kama. Nakatingin ito sa maliit na kahon na pinag lalagyan ng bagay na kanina ay suot suot nya.

"Nakita mo na pala yan?" mapait itong ngumiti at kinuha ang kahon. Inaasahan nyang itatapon na iyon ni Josh pero ibinalik lang nito sa drawer ang sing-sing.

"Hindi mo ba yan itatapon?"

"I can't."

"Then I will do it for you!" akmang kukunin nya ang kahon sa pinag lagyan nito pero pinigilan sya ng binata.

"Let it stay there Van. Hayaan mo nalang yan."

"Para ano? Para umaasa ka parin?"

"Van, please. Let's drop this topic. Gustom na ko. Kumain nalang tayo."

Lalabas na sana si Josh ng pinto pero pinigilan nya ito. Hinatak nya si Josh at sapilitang pinaupo sa kama.

"Josh ano ba, tigilan mo na si Zea. May asawa na sya. May iba na syang mahal kaya wag mo na syang hintayin."

Inis nyang sigaw sa binata. Napakatanga nito para habol habulin ang taong may asawa na. At hindi lang basta may asawa, pinsan nito ang asawa ng babaeng kinahuhumalingan ni Josh.

Tinignan lang sya nito. Hindi ito nag salita bagkus ay tumayo si Josh at tumalikod sa kanya. Sa sobrang inis ay hinatak nya ang braso nito parahap.

"Josh ano ba!"

Tinangal ni Josh ang kanyang kamay na nakakapit sa braso nito. "Stop it Van. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko."

"I know Josh. Nakikita ko. Nakikita kitang nasasaktan kaya tumigil ka na. Maawa ka naman sa sarili mo."

"maawa ka naman sakin!" she wanted to add.

"I can't. Mahal ko so Zea. Kahit anong gawin ko sya parin. I tried to forget her pero wala, hindi ko magawa."

"Tanga ka. Ang tanga tanga mo." pinipilit nyang wag umiyak sa harap nito. Sa totuusin ay dapat sarili nya ang sinasabihan nya ng tanga dahil pareha lang naman sila ng nararamdaman ni Josh. Ito mahal si Zea. Sya naman mahal ito. Pareha lang silang tanga!

"Siguro nga. Pero hindi mo ako masisisi. I just fall in love. Hindi mo pa kasi nasubukang mag mahal kaya hindi mo ako naiintindihan."

Sa sinabi nito ay mas lalong nag init ang kayang ulo. Para ring sasabog ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng emosyon kaya naman nilapitan nya ito at pinag susuntok habang sunod-sunod na pumapatak ang kanyang luha. Kailangan nyang ilabas iyon, kung hindi ay baka hindi na nya kayanin pa.

"Tanga ka talaga. Ang tanga tanga mo para hindi yon maramdaman. Hindi pa ko nag mahal?" she punched him again. "Tanga ka. Mahal kita Josh, mahal kita kahit ang sakit sakit na."

Napansin nyang natigilan ito at napatingin sa kanya.

"B-but, we are just friends." Parang gulong gulo ito. Napasabunot pa ito sa sariling buhok dahil sa kalituhan.

Lockheart Series 5- His HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon