24

18.7K 472 29
                                    

ILANG ARAW din ang inilagi ni Vanessa sa ospital para lubusang gumaling ang kanyang sugat. Gusto nya na sanang umuwi sa kanila pero pinigilan sya ni Rean. Noong unang araw kasi nang nagising sya ay pinilit nyang tumayo mag-isa kaya dumugo at bumukas ang tahi sa kanyang braso. Nagalit si Rean at sinabihan syang hindi sya pwedeng lumabas ng ospital hanga’t may makikita itong dugo sa benda na nakabalot sa kanya.

“Hon, dahan dahan.” Hinawakan ng kanyang asawa ang kanyang bewang upang umalalay.

“I’m fine. Ang OA mo.”

“Tsssh.” Sagot nito na ikinatawa nya. She pinched his nose to pissed him more at ganun na nga ang nangyari. Mas lalo itong sumimangot.

“Ang gwapo.” She giggled and kissed him on the cheeks.

Noong pangalawang araw nya sa ospital ay bumisita sa kanya ang asawa. Kasama pala ito nila Josh na nagdala sa kanya sa ospital. Pero hindi pa man sya nagkakamalay ay kinailangan na nitong umalis sa kanyang tabi dahil meron itong naka schedule na operasyon. Pagkatapos ay pumunta ito kay Arron at inalam ang resulta ng pag-iimbestiga nito sa ginawa ng kapatid. Nang tanungin nya ang asawa kung sino ba ang lalaking namatay na sinasabi ng tauhan ni Zoe, nalaman nyang iyon ang guwardya sa subdivision na unang rumesponde upang sana ay sagipin sila.

“Hindi mo ako madadaan sa mga paganyan ganyan mo Vanessa.”

“Naku, hindi daw eh nakangiti ka.” Sinundot nya pa ang pisngi ng asawa habang naglalakad na sila papunta sa kanilang sasakyan.

“Crazy.” He just said while smiling. Iniyakap nito ang kamay sa kanyang bewang at hinalikan sya sa ulo. Sya naman ay ihinilig ang katawan sa asawa.

Masaya nyang inaamoy si Zyroh habang naglalakad nang parang naaninag nya ang bulto ng lalaking nasa kabilang sasakyan.  Nang tinitigan nya itong mabuti ay nakompirma nya na si Josh nga iyon.

Nakatingin ito sa kanila at kitang kita nya ang lungkot sa mga mata nito.  Pero nang nagtama ang kanilang paningin ay pilit na ngumiti ang binata at iniangat ang salamin ng sariling sasakyan.

“Hon?”

“Hmm.” Inalalayan sya nito papasok sa kanilang sasakyan.  Mabilis itong umikot at umupo sa kanyang tabi. “Yes, Hon.  May masakit ba sayo? “

“Wala naman. A-nasa kabilang sasakyan si Josh?”

Tumingin ito sa sasakyan ni Josh bago tumango sa kanya.

“Bakit?”

“Hon,  sorry nakalimutan kong sabihin sayo pero,  sakanya na muna tayo tutuloy.”

“What? Your kidding right?”

“I’m serious. Wala na kasi akong maisip na paraan para mas aging ligtas kayo.”

“Pero Zyroh naman.  Bakit si Josh?”

“Hon, Para to sa ikabubuti nating lahat lalong lalo na ni Zena. Alam naman natin what Zoe is capable of doing right?”

“Oo,  pero bakit sa kanya? Pwede namang sa iba.”

“Like who?”

Sa kawalan ng maisasagot ay nanahimik nalang sya. 

“Hon, just trust me on this.  Alam mo naman na para to sa kabutihan nating lahat.”

“I know.  Pero kasi.. “

“I know too.” Nakuha nito ang gusto nyang sabihin.

Nang makarating na sila sa bahay ni Josh ay naunang bumaba ang asawa.  Pinagbuksan sya nito ng pinto at inalalayang lumabas.  Sa kanyang gilid ay nararamdaman nya na nakatingin si Josh sa kanila.  Naunang nakarating ang sasakyan nito dahil iyon naman ang sinusundan ni Zyroh sa pagmamaneho.

“Let’s go?  Nasa loob narin si Zena.” Saglit syang sumulyap kay Josh at nakita nya ang pag-iwas nito ng tingin sa kanila. “Hon? “

“Huh?  Ah yeah. Let’s go.” Hinayaan nya itong alalayan sya papasok.

“Welcome home mommy!” hawak ni Zena ang kartolina na punong puno ng iba’t-ibang hugis at kulay.

“Thank you baby.  Did you draw that?”

“Yes po.  Tita ninang Rean was the one who wrote welcome. Then, I designed.” She giggled.

“Aw! How sweet!” lumapit sa kanya si Rean at niyakap sya. Ganon din ang ginawa ng iba pang tao sa bahay.  Sila zea,  mika,  kiara at ang lalaki na kung hindi sya nag kakamali ay larry ang pangalan.

“Salamat.”

“Tara na sa kusina.  Nakahanda na yung pagkain.” Imporma ni Mika sa kanila.

Matapos ang kainan at simpleng kasiyahan ay isa-isa nang nagsialis ang mga bisita. Sya naman ay parang pagod na pagod sa naganap. 

Nang mapag-isa sya sa kusina ay saka nya lang ulit inabsorba ang lahat.

Nakatira sila ng kanyang anak at asawa sa iisang bahay kung saan nakatira si Josh.  Hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil alam nyang magiging ligtas sila sa piling nito o malulungkot dahil ang dating pangarap nyang tumira sa isang mala mansyong tahanan ay natupad na.  Yun nga lang,  hindi bilang mga mag-asawa.

“Are you ok?” nagulat sya ng marinig ang boses ng asawa.

“Hon, ginulat mo naman ako.”

“Sorry! Para kasing ang lalim ng iniisip mo.  Ayos ka lang ba?”

“uhm. Medyo naiilang lang ako sa set-up.”

“I know. Pero wala na kasi tayong ibang pagpipilian. Kaya nung nag offer si Josh na sa kanya nalang tayo tumuloy,  pumayag na ko. Alam ko naman kasi na hindi nya hahayaang mapahamak kayo ni Zena. I know he will do everything to protect you kaya kampante akong dito kayo iiwan sa bahay nya.”

“I know.”

Hinawakan nito ang kanyang mukha at ginawaran sya ng halik sa noo. “Tara na.  Magpahinga na tayo.”

Kinabukasan ay nagising sya na wala na ang asawa sa kanyang tabi.  Nasa trabaho na ulit ito.
Nang tignan nya ang oras ay mag aalas siete na nang umaga. 

Mabilis syang nag-asikaso ng sarili at lumabas na nang silid upang tignan ang anak.  Nakita nyang mahimbing parin itong natutulog.  Hinalikan nya nalang ito sa noo. Napagdesisyunan nyang magluto nalang ng agahan kagaya ng nakagawian.

Habang papunta sa kusina ay saka nya lang napagmasdan ang kabuuhan ng mansyon.  Kahapon kasi ay masyado silang abala sa munting kasiyahan kaya hindi nya Iyon nagawa.

“Oh mg gosh.” Natutop nya ang bibig ng mapansin ang lahat ng kagamitan.  Ang mga furnitures,  ang design ng ceiling,  ang mga portraits, ultimo kulay ng buong sala ay parehang pareha sa detalye na napag-usapan nila noon ni Josh. Noong mga panahon na nagsasama palang sila sa condo nito at nagpaplano ng magiging anyo ng kanilang magiging bahay.  Natatandaan nya pa na ilang araw matapos nilang mapag-usapan lahat ng detalye ay may pinakita ito sa kanyang blueprint.  Ganitong ganito ang itsura noon. 

“This can’t be.” Halos maiiyak nyang sabi.  Tinungo nya ang kusina. Parang may kumurot sa kanyang puso ng makita ang kabuohan nito.  “Josh.” She sobbed.  Lahat ng nasa loob niyon ay ang mga gamit na sinabi nya sa binata.  Kuhang kuha ang lahat lahat ulitimo kaliit liitang detalye na gusto nya.  Lahat ng pangarap na sinabi mya dito ay nagawang isakatuparan ni Josh.

She never thought that despite not being with him for how many years ay itutuloy parin nito ang napag-usapan nila.  Ipinatayo parin ni Josh ang bahay na pinangarap nilang tirahan.  Kaso lang, nakatira nga silang dalawa sa iisang bahay pero hindi sa paraang una nilang pinlano. At bilang dating nagmahal ng sobra sa taong hindi ka napapansin,  alam nya kung ano ang nararamdaman ng binata. Hindi sya asumera pero hindi rin sya tanga. Alam nyang mahal pa sya nito kagaya ng sinabi ni Josh noong nagkita sila.

“I’m sorry.” Lumuluhang bulong nya habang pinagmamasdan ang buong kabahayan. “Sorry Josh.”

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now