19

21.8K 469 292
                                    

Hi sweetinnocent_456 this chapter is dedicated to you. Enjoy :*

______________________________________
NASA ibang bansa na sya pero hindi parin nag babago ang nararamdaman nya.  Ni hindi man lang nabawasan ang kirot sa kanyang dibdib.  Patuloy parin ang pag ragasa ng mapapait na alalang pilit nyang tinatakasan.

“Miss?” pagtingin nya sa kanyang harap ay nakita nya ang panyong nakalahad sa kanya.  “I’ve been watching you the whole time and I can see you’re crying nonstop.  I’m sorry to bother you but,  maybe you need this?”

“Sala-thank you!” inabot nya ang panyong inialok nito sa kanya. 

“Filipino ka?”

“Yeah!” hindi nya alam pero ang gaan ng pakiramdam nya sa lalaki.  Hindi man lang sya nakakaramdam ng takot sa paglapit nito sa kanya. 

Lumuhod ito sa kanyang harap upang magpantay ang kanilang mukha.  Ang pula pula na ng mata mo. Para ka na tuloy bampira.”

Hindi nya mapigilang mapangiti sa sinabi nito.  Sa unang pagkakataon mula ng lumabas sya ng ospital ay ngayon lang nya nagawang ngumiti ng hindi pilit. 

“See,  mas maganda ka kapag nakangiti.”

“Thank you!”

“Don’t thank me yet.” Tinuyo nito gamit ang kamay ang luha sa kanyang mukha.  “Let me dry your tears first. Kapag magawa ko na iyon.  Saka mo lang ako pasalamatan.”

“Hmm.”

Natawa nalang ito sa kanyang reaksyon. Tumayo ito at inilahad ang kamay. “I am Zyroh. You are?”

“Vanessa. Van for short.”

“Well,  Ms.  Vanessa van for short.  Nice meeting you.” Nakangiti nitong sabi and shook her hand.





“ANAK SIGURADO na ba kayo sa desisyon nyo?”

“Yes po Ma. Mas makakabuti po kasi yun para kay Zena.”

“Ikaw paano ka? Kaya mo na ba?”

“Ma, what do you mean?”

“You know what I mean anak.” Punong puno ng pag aalala ang mukha ng kanyang ina.

“I’m ok now ma. Kung dati puno nang sakit kapag naaalaa ko sya, ngayon hindi na po. After all it has been six years. I should move on, para narin kay zena.”

“I am so proud of you sweetheart.” Niyakap sya nito ng mahigpit at hinalikan sa kanyang ulo.

Nasa ganon silang posisyon ng pumasok si Zena sa kanyang silid.

“Aw, mama la and mommy are so sweet. Can I join po?” magalang nitong pagkakasabi. Nakangiti ito na tila ba siyang siya sa nakikita.

“Of course, you can. Come here.” Kumandong ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

“I love you mommy, I love you Mama la.” Ikinawit nito ang magkabilang kamay sa balikat nilang mag ina.

Kahit kailan talaga ay napakasweet ng dalawang taong gulang nyang anak. napakabata pa nito pero ang dami dami nang alam. Tuwid na tuwid na nga itong magsalita sa murang edad kaya malaya na nitong nasasabi ang lahat ng nais. At bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay naghahatid sa kanya nang nag-uumapaw na saya. Napakabungisngis din nito at walang araw na hindi sya nito napangiti.

Nang magpunta sya dito sa amerika, akala nya ay hindi na nya magagawang buohin ang kanyang sarili. She is totally broke that time. Yung tipong hindi nya magawang isipin kung paano nya ba sisimulang ayusin ang kanyang sarili. Pero sa tulong ng kanyang pamilya ay unti-unti syang nakabangon. Oo mahirap pero sinuportahan sya ng mga ito.
Sa mga panahon din na sinisimulan nya palang ayusin ang kanyang sarili ay nakilala nya si Zyroh, ang lalaking mula sa unang araw na magkakilala sila ay hindi na sya tinantanan.  Ito ang nag patunay sa kanya na hindi pa katapusan ng kanyang mundo. That there are better things yet to come in her way. Nagawa nitong buohin ulit ang kanyang wasak wasak na puso at ibangon ang kanyang buong pagkatao.

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now