08

22.4K 577 21
                                    

MAAGANG NAGISING si Vanessa nung araw na iyon. Tumayo sya sa kama at nagmamadaling lumabas ng pinto nang kanyang condo. Gusto kasi nyang maabutan ang binata na nag-iiwan nag bulaklak doonnat gusto nyang personal nitong ibibigay sa kanya ang dala. Sa nag daang mga araw kasi ay walang palya syang nakakatangap ng bulalaklak sa kanyang unit pati narin sa kanyang opisina. Kalakip ng mga iyonay ang ibat ibang maiksing sulat na alam nyang gawa ni Josh. Talaga namang bumabawi ito sa kanya at pakiramdam nya tuloy ay nililigawan sya nito.

“Meron na agad? Ang aga naman.” Malungkot nyang dinampot ang mga bulaklak. s

Kahit sa kanyang opisina ay ganun din. Pag kadating nya ay meron nang bulaklak na nakapatong sa kanyang lamesa. Kaya kahit ayaw nyang gawin ay hindi na nya matiis. Ilang lingo narin kasi mula nang makita nya ang binata kaya naman miss na miss na nya ito. Kinuha nya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Josh. Hindi naman sya nabigo dahil agad nitong sinagot ang kanyang tawag.

“Van-“

“I miss you!” she said then ended the call. Sana lang maramdaman nito na ang gusto nyang sabihin ay magkita sila. Medyo duda pa naman sya sa radar ni Josh dahil napakahina noon.

Pero ilang minuto lang syang nag hintay at nakita na nya ang binata sa pinto nang kanyang opisina. May hawak itong tsokolate. At teddy bear na may hawak na puso na may na kasulat na sorry.

“Josh!” halos takbuhin na nya ang binata. Buong pwersa nyang ibinato ang katawan dito. “I miss you!” habang mahigpit nya itong yakap.

“I miss you too Naughty. So much.”

“Akala ko wala ka nang balak mag pakita sakin.”

Bahagyang inilayo ni Josh ang katawan sa kanya upang matignan sya nito sa mata. Walang ingat nitong ihinagis ang dala sa upuan at hinawakan ang kanyang mukha

“Don’t say that. Hindi ako nagpakita kasi nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ba ako hihingi ng tawad. You love me but I didn’t notice that. I know you were hurt, I should know. Kaya mag mula ngayon gagawin ko lahat makabawi lang sayo. You are one of the most precious person I have now. Hindi ko kakayanin pag iniwan mo ko.”

Hindi nya mapigil ang sayang bumabalot sa kanyang puso. Hindi man sinabi ni Josh na mahal sya nito, pero sapat na ang mga salita nang binata na hindi nito kakayanin pag nawala sya. 

Niyakap nya ulit ito ng mahigpit. “I love you so much.” She said sobbing. “Kahit hindi mo pa ako mahal ngayon, I know soon you will love me the way I do with you.”

“Yeah, that will definitely be soon.”

Gulat syang umalis sa pagkakayakap sa binata upang makita ang mukha nito. “Talaga?”

NAkangiti itong tumango sa kanya. “Talagang talaga. I could feel something growing here.” He held her hand and place it to his heart. “And that something is for you. Konti nalang alam kong uusbong na sya at magiging kagaya ng sayo, more than what you have.”

Sunod sunod ang pagpatak ng kanyang luha habang nakatingin kay Josh. Ang tagal tagal nyang pinangarap na sana mahalin din sya ng lalaking ito. At ngayon unti unti na iyong nag kakatotoo. Ayos lang pala na ilang beses syang nasaktan, dahil ngayon malapit na nyang maramdaman kung paano mahalain ng lalaking mahal na mahal nya.

“Thank you, Josh.”

Hinawakan nito ang kanyang mukha at pinunasan ni Josh ang kanyang luha. “No Naughty, Thank you. For being my friend, for being patience with me and for loving me unconditionally. Thank you Van.”

Nakayakap si Josh sa kanyan bewang habang sya naman ay nakayapos sa batok nito. Masinsinan nilang pinag mamasdan ang isa’t-isa. Hinahayaan nyang makita ng binata sa kanyang mata ang laman ng kanyang puso. She want him to not just hear her love but also see and feel it.

Lockheart Series 5- His HeartbreakDonde viven las historias. Descúbrelo ahora