10

22.6K 536 22
                                    

"MAY GUSTO ka pang kainin?" inaantok na tanong sa kanya ni Josh. Kanina ay ginising nya ito dahil gusto nya ng pasta. Kahit halos kakatulog lang dahil sa trabahop ay masaya parin sya nitong pinag luto. Habang kumakain nga sya ay nakikita nya itong papikit pikit sa kanyang harap. Naaawa sya sa binata pero gusto talaga ng kanyang anak ang luto ng ama kaya naman hindi nya ito matangihan.

"Wala na. tara tulog ka na ulit."

"Are you sure?" lumapit ito at yumakap sa kanya mula sa likuran. "I still can cook whatever you want. Just tell me what our baby wants to eat and I'll be glad to provide it." Pumunta ito sa kanyang harap at lumuhod. Inilagay pa nito ang ulo sa tapat ng kanyang maliit palang na tiyan. "Baby, do you need anything? You want more daddy's cooked pasta?"

"No daddy I am full." She said with a baby tone. Natutuwa sya kapag ganito si Josh. Kinakausap ang kanilang anak na nasa kanyang sinapupunan. Tinatanong ng kung ano-ano at sinasabihan na mag pakabait sa loob at wag sya masyadong pahirapan.

Sa araw-araw na pag aalaga nito sa kanila ay mas lalong nalulunod ang kanyang puso sa pagmamahal dito. Ilang araw kasi matapos nilang malaman na buntis sya ay agad nitong ipinasya na sabihin na nila sa kanyang magulang ang kanyang kondisyon. Pumunta pa nga sila personal sa amerika upang ipaalam sa mga ito. Sinabi din ni Josh sa kanyang mga magulang na handa sya nitong pakasalan.

Ang kanyang bestfriend din na si Rean ay tuwang tuwa sa kanyang kalagayan. Katatapos lang ng kasal nito at gustong gusto narin nitong mag kaanak.

Tumayo si Josh at hinawakan ang kanyang mukha. Pagkatapos ay binigyan sya nito ng isang mainit na halik na agad nyang tinugon. Nang mag hiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa sila hinihingal.

"Every day that passed, you become more and more beautiful Naughty. Why is that?" she can see the admiration in his eyes. Hindi nya tuloy mapigilan ang pamulahan ng mukha.

"Napaka bolero mo po Mr."

Hinalikan ulit nito ang kanyang labi ng mabilis. "Maganda ka talaga, at mas gumaganda pa. hiyang na hiyang sayo yung pag bubuntis." Pilyo nitong tugon.

"At anong gusto mong iparating aber?"

"hmm. Na pwede ring mag buntis ka kada taon." And he grinned. "Pero syempre bago yun. Kailangan mo muna akong pakasalan."

Nagulat sya sa huling sinabi nito.

"Josh!"

Kinuha nito ang kanyang kamay at dinala iyon sa mukha nito. Pumikit si Josh at dinama ang kanyang palad. Hinalik halikan nito iyon at unti-unting nag mulat.

"I don't know what took me so long to notice you and your love. Nag tataka ako sa sarili ko kung bakit ngayon lang? bakit ngayon ko lang nalaman na mahal mo ko? Kung bakit ngayon ko lang narealized na ang ganda ganda mo? kung bakit ngayon ko lang naamin sa sarili ko na gusto kita."

"Josh naman-" nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"I like you Van. No! I am in love with you. Alam ko na mahirap paniwalaan kasi alam mong si Zea yung mahal ko. And you are right, mahal ko nga sya. But thinking about losing her compare of losing you? Mas hindi ko kayang mawala ka. Mas masakit isipin na iiwan mo ko. And therefore, I conclude that I love you more that I loved her. Mahal na kita. Mahal kita." Lumuhod ito sa kanyang harapan. "this is not honestly what I planned. I want to do it with suits, tie, flowers, fireworks and ring but I just can't contain this feeling. Kailangan mo na tong malaman at kailangan ko na tong sabihin." Hinalikan nito ang kanyang kamay ng ilang ulit bago ulit nag salita. "Van, my naughty I love you and I know I will love you more as days will passed. Hindi ko alam kung kailan to nag simula, basta ang alam ko mahal kita. Gusto kong ipadama sayo sa bawat araw kung gaano kita kamahal. Gusto kong ibigay sayo at sa magiging mga anak natin lahat ng bagay na meron ako at lahat ng kaya ko. Van, I want to share my upcoming memories, smiles, tears, laughter and my whole life with you. Please naughty, allow me to be part of your life too. Please marry me."

Lockheart Series 5- His HeartbreakWhere stories live. Discover now